You are on page 1of 31

Magandang

Umaga po!
Aralin
Pagkilala sa Elemento at Katangian ng Dula Batay sa

6 Nabasang Usapan o Diyalogo


Paunang
Pagsusulit
Basahin ang ilang tagpo sa
usapan ng isang mag-ina.
Pagkatapos nito ay sagutan
ang ilang mga katanungan sa
ibaba mula sa iyong nabasa.
Isulat ang letra ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.
Balik Tanaw
Basahin ang talata at sagutin ang mga
tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.
‘I-lockdown Mo Ako sa Puso Mo’
Aralin
Pagkilala sa Elemento at Katangian ng Dula Batay sa

6 Nabasang Usapan o Diyalogo


Pagpapakilala
sa Aralin
Sa pagsulat ng iskrip ng dula
isinasaalang-alang ang sumusunod na
elemento:

Iskrip- Walang dula kung walang iskrip,


samakatwid ito ang pinakapuso ng isang
dula, kung walang damdaming
dadamhin at walang suliranang
poproblemahin walang ganap at walang
dula.
Karakter/Aktor- Ang nagbibigay-buhay sa
iba’t ibang papel na ginagampanan sa iskrip.
Sila ang nagsisilbing tagaganap, bumibigkas
ng dayalogong pinaghuhugutan ng emosyon
at damdamin na mapapanood ng aktuwal.

Tanghalan/ Tagpuan- Nagpapahiwatig ng


lugar na pagdarausan at nagtatakda ng
panahon na binabagayan ng pangyayari sa
dula.
Direktor- Nagbibigay ng interpretasyon sa iskrip ng
dula, nagpapasya ng istilo ng kasuotan, pagganap,
pagbigkas at kabuuang detalye ng kilos at galaw sa
dula.
Nagtatakda ng panahon o paglalarawan sa tanghalan,
nagsasaayos ng pwesto ng mga tauhan at masining na
paglabas-masok ng mga ito sa bawat tagpo o eksena.

Manonood- Sila ang tagahatol sa kabuuan ng isang


dula kung naipahatid ba nito nang maayos at
makatarungan ang layunin ng pagtatanghal. Kung
walang manonood, walang kabuluhan ang isang dula.
Bahagi ng Dula

Tauhan - Ang gagampan ng pagkilos ng tiyak na pag-


uugali, gawi, katangian, paniniwala, prinsipyo at iba
pa.

Tagpuan - Panahon at pook ng makatotohanang


pinangyarihan ng isang dula.

Suliranin - Kung walang suliranin, walang iskrip na


mabubuo at walang pag-
uusapan. Ito’y maaaring matagpuan sa simula o
kalagitnaan ng dula.
Saglit na kasiglahan - Saglit na pagkalimot o pagtakas
ng mga tauhan sa katotohanang nararanasan.

Tunggalian - Tumutukoy sa magkasalungat na


prinsipyo, paniniwala, pag-uugali at iba pa na
nagsasalpukan sa isip, salita at sa kilos na maaaring
tao laban sa sarili, tao laban sa tao, at tao laban sa
kapaligiran.

Kasukdulan - Dito masusukat ang hangganan ng


katatagan ng tauhan.
Kakalasan - Dahan-dahang pagpili sa
kalutasan na sasagot sa tunggaliang
bunga ng suliranin.

Kalutasan - Tinutuldukan sa bahaging ito


ang suliranin o pagsasakatuparan ng
isang pagpapasya.
Basahin ang
Munting Pagsinta
Mula sa pelikulang Mongol: The Rise of
Genghis Khan ni Sergei Bordrov Hinalaw ni
Mary Grace A. Tabora
MUNTING PAGSINTA _ DULA MULA M
ONGOLIA _ Filipino Lessons and Tutori
als.mp4
Mga Gawain
Gawain 1.1: Isulat sa patlang kung sino ang
nagwika ng mga pahayag at isulat ang titik
na nagpapahiwatig ng damdamin.
1. Aaaaay may magnanakaw!
A. pagkatakot B. pagkatuwa C.pagkagalit D. pagkamangha
2. “Itay ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan.”
A. Pagkatuwa B. pagkabigla C. paghihimutok D. pagkalungkot
3. “ Kung iyan po ang sa tingin ninyo’y tama.”
A. pagtanggi B. pagsang-ayon C. pag-aalala D. pagtitiwala
4. “Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang mangyayari.
Mas mabuting may gawin akong paraan kaysa sa wala.”
A. pagtitiwala B. pagbabakasakali C. pagtataya D. pag-aalala
5 “Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
A. pagtataka B. pagkagulat C. pag-iinarte D. pagdududa
Gawain 1.2: Pagsusuri sa Dula
Suriin ang dula sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong.

1. Makatotohanan ba ang nilikhang mga tauhan


ng manunulat ng iskrip ng dula? Patunayan.
2. Naaayon ba ang tanghalan/tagpuan ayon sa
mga pangyayari sa akda?
3. Naangkop ba ang mga dayalogo sa iskrip ayon
sa edad ng mga tauhan? Pangatwiranan.
Gawain 1.2: Pagsusuri sa Dula
Suriin ang dula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

4.Makatarungan ba na panghimasukan ng magulang kung


sino ang dapat ibigin ng kanyang anak? Bakit?
5. Nararanasan ba sa kasalukuyang panahon ang pangyayari
sa pangunahing tauhan? Patunayan.
6. Paano masasabi na epektibo ang isang dula na iyong
nabasa o napanood?
Ipaliwanag.
7. Ibigay ang posibleng mangyari kung walang direktor sa
isang dula? Pangatwiranan.
Gawain 1.3: Piliin kung katanggap-tanggap (
K ) o di-katanggap-tanggap ( DK )ang mga
sumusunod na pangyayari. Lagyan ng ( / )
ang napili sa kolum.
 
K DK
1.Pagpili ng taong pakakasalan ayon sa sariling kagustuhan    

2.Pagsang-ayon sa pagtatapat ng pag-ibig sa taong di pa


lubusang kilala    

3.Pagtupad ng pangako sa kasintahan    


4.Pambayad-utang ang anak sa atraso ng mga magulang    
5.Pagtitiwala at pagsunod sa sinasabi ng magulang    
Tandaan
Matapos mong basahin ang dula, dapat
mong tandaan ang mga karagdagang
impormasyon.

 Ang dula ay lubos nating mauunawaan


ang mensahe kung ito ay naisakilos nang
makatotohanan at naiparating ang
damdaming nais iparanas sa mga
manonood.
 Ito ay binubuo ng ilang yugto na
maraming tagpo.
 Ang tagpo ay tumutukoy sa paglabas-masok ng mga
tauhan sa tanghalan.
 Ang dula ay may sangkap din tulad ng maikling kwento
na binubuo ng
a.Simula; sa bahaging ito ipinakikita ang tagpuan,
ipinakikilala ang tauhan, at inilalahad ang suliranin.
b.Gitna; mararamdaman ang saglit na kasiglahan,
tunggalian at kasukdulan.
c.Wakas; ipakikita ang kakalasan at ang kalutasan
Si Severino Reyes ang ‘Ama ng Sarswelang Tagalog’ na
nagpasimula ng modernong pagsulat ng dula.
Ang mga kumpas at galaw sa tanghalan ay malabis sa
katotohanan upang maipaabot sa mga manonood ang
mensahe.
Pag alam sa mga
Natutuhan
Sa lalong higit na pagpapalalim ng iyong
kaalaman, nais kong panoorin mo ang isang
dula sa Youtube na pinamagatang
Moses,Moses ni Rogelio G. Sicat sa link
na ito
https://www.youtube.com/watch?v=5zJVdp4h
Yqs&t=279s
.

Suriin ang pagkakabuo ng dula ayon sa mga


sumusunod. Sundin ang pormat.
SIMULA
TAUHAN
TAGPUAN
SULIRANIN
GITNA
SAGLIT NA KASIGLAHAN
TUNGGALIAN
KASUKDULAN
WAKAS
KAKALASAN
KALUTASAN
Rubriks saPagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
 Nakitaan ng kalinisan at kalinawan 8 - Nasunod ang apat na pamantayan
ang sulat-amay.
 Naisaayos ang pagkakahanay ng 6 - Kinakitaan ng tatlong pamantayan
pangungusap
 Naipaliwanag nang malinaw ang 4 - Dalawang pamantayan ang nasunod
hinihingi ng bawat bilang
 Naunawaang mabuti ang mensaheng 2 - Isa lamang ang nasunod
nais ipabatid
Pangwakas na Pagsusulit
(Huwag na po sagutan)
Pagninilay
Output#6
Output #6
Basahin ang sitwasyong ibinigay at
saguting nang mahusay ang tanong.

Halimbawang sabihin ng iyong mga


magulang na kailangan mo nang
magpakasal sa isang taong mayaman na
may edad na kakilala niya upang kayo ay
makaahon sa kahirapan at makapagpatuloy
sa pag-aaral ang iyong mga kapatid, ano
ang iyong gagawin? Pangatwiranan.
Maraming
Salamat po !

You might also like