You are on page 1of 10

1

Arali n ng Sariling Karanasan na may Kaugnayan sa Kultura ng Silangang


Pagsasalaysay

5
Mga Inaasahan

Sa bahaging ito, pag-aaralan mo ang ilang piling kuwento mula sa Silangang


Asya. Matutunan mo rin ang mga pahayag na ginagamit sa pagsisimula, pagpapatuloy
at pagtatapos ng kuwento.

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod


na kasanayan:

1. Napaghahambing ang kultura ng ilang bansa sa Silangang Asya batay sa


napanood na bahagi ng teleserye o pelikula (F9PD-IIe-f-48)
2. Nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari
at pagtatapos ng isang kuwento (F9WG-IIe-f-50)
3. Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit
sa nabasang kuwento (F9PS-IIe-f-50)
4. Naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring gamitin
sa isang pagsasalaysay (F9PU-IIe-50)

Alam kong gusto mo nang magsimula sa pagbabasa pero sagutin mo muna ang
unang gawain.

Paunang Pagsubok

Basahin ang nilalaman ng bahagi ng teleserye at sagutin ang kasunod na


mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Crash Landing On You


Teleseryeng Koreano (Episode 11)
Isinalin ni Lovely Ariane A.
Cerina

Sa Pananaw ni Sergeant Park Kwang-Beom


Habang nakatingin kami sa nagliliwanag na lungsod sa Timog Korea, hindi namin
maiwasang mamangha at mainggit kahit paano.
“Alam kaya ng Timog Korea na darating tayo at binuksan nilang LAHAT ang mga
ilaw?” ani Pyo Chi-Su.
“Hindi ako makapaniwala! Ang lahat ng mga ilaw na yan ay bukas buong
magdamag! Hindi kaya yan nawawala?” manghang-tanong naman ni Geum Eun-Dong.
“Kung ganito lamang sana ang Hilagang Korea, laging may ilaw lalo na sa gabi ay
magagawa ni U Pil ang kaniyang takdang-aralin araw-araw. Napakaganda kung
magkagayun nga,” buntong-hiningang tugon ni Jung Man-Bok.
“Ngunit sa lawak ng lugar na iyan, saan natin hahanapin si Kap. Ri?” Hindi ko na
napigil ang sariling magtanong. Talagang nag-aalala ako para sa aming misyon.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
Sinagot ako ni Pyo Chi-Su ng isa pang karagdagang tanong, “At saan tayo
matutulog ngayong gabi sa lawak ng lugar na ‘yan?”
Katahimikan ang namayani sa amin at sabay-sabay kaming tumingin kay Jung
Man-Bok, ang aming ingat-yaman.
Natagpuan namin ang aming mga sarili sa isang pampublikong sauna upang
magpalipas ng magdamag.
Tuwang-tuwa kaming lahat sa ginhawang dulot nito.
Ani nga Geum Eun-Dong, “Kung may matatawag na langit, ito na siguro yun!”
Papikit-pikit pa siya na tila nangangarap, “Sana madala ko ang aking ina rito kahit
minsan lang.”
“Noong napapanood ko ‘to sa drama, hindi ko akalaing ganito ito kasarap at
kaginhawa.” saad ni Kim Ju-Meok. Nagtawanan ang tatlo habang nag-uusap.
“Tongmu …! (o Comrade. Ang tawagan ng mga mamamayan sa isa’t isa sa Hilagang
Korea)” putol na tugon ni Pyo Chi-Su. Muntik na naman niyang makalimutang nasa
Timog Korea kami at ang salitang ito ay maaaring maglagay sa amin sa alanganin.
Ang “tongmu” o comrade sa wikang Ingles ay karaniwang ginagamit na tawagan ng
mga mamamayan ng Hilagang Korea na nagpapakita ng paggalang sa isa’t isa. Kadalasan
itong idinudugtong sa unahan ng pangalan. Simbolo ito ng idealismo ng pagkakapantay-
pantay at pagkakaisa ng mga sosyalistang bansa.
Kinabahan ako na baka may makarinig sa amin. Malamang, madali nilang
matutukoy na kami’y hindi tagarito.
“Ah…Mga kaibigan pala. Masyado kayong natutuwa sa idinudulot sa inyo!”
pagsasaway niya sa kaligayahan ng tatlo. “Huwag kayong masyadong padadala sa mainit
at magandang pakiramdam na ito.”
“Oo, masusunod!” napahiyang sagot nina Geum Eun-Dong at Kim Ju-Meok.
“Alam nyo bang nagbayad tayo ngayon ng tumataginting na 12,000 won kada isa
para makapasok lamang sa lugar na ito?” pag-uulat na sinabi ni Jung Man-Bok. “Kaya
namnamin ninyo ang init at huwag aksayahin ang perang ginastos natin. Nang sa gayon
ay magawa natin ang ating misyon sa malamig na ihip ng hangin bukas.”
“Tulad ng sinabi ko, nagbayad tayo ng 12,000 won… Wohhh!” Hindi na natuloy ni
Jung Man-Bok ang kaniyang sinasabi dahil sa aking pagpasok sa silid.
Laking gulat nila nang nilapag ko ang mga pagkaing dala ko.
“Park Kwang-Beom, paano ka nakakuha ng pagkain, nasa akin ang lahat ng pera?”
nagtatakang tanong ni Jung Man-Bok.
“Di ko rin alam. Ibinigay itong lahat sa akin ng may-ari at hindi niya pinabayaran.”
Hindi sila makapaniwala, lalo na si Pyo Chi-Su, “Talaga?! Ibinigay sa’yo nang libre?
Hindi humingi ng bayad?!”
“Oo” sagot ko. “Kailangan ko lang daw ipakita itong relong-pulseras ko.”
Sinabi ni Geum Eun-Dong sa akin na marahil binigay ito ng may-ari sa akin kasi
guwapo ako at matipunong lalaki.” Nagingiting nagkibit-balikat lamang ako.
Nagpasalamat sila sa akin. Nairaos namin ang gabing iyon na may nasilungan at
may pagkaing pinagsaluhan.

1. Ano ang kanilang misyon?


A. Matulog sa Sauna C. Mag-ispiya sa Timog Korea
B. Hanapin si Kap. Ri D. Bantayan ang buong Timog Korea
2. Bakit kaya tila manghang-mangha ang mga tauhan sa nakikita nilang ilaw sa
Timog Korea?
A. Iisa lang ang kulay ng ilaw nila sa Hilagang Korea
B. Mas marami at iba-iba ang kulay ng ilaw sa Timog Korea
C. Palaging ninanakaw ang mga ilaw nila sa Hilagang Korea
D. Hindi nawawalan ng ilaw ang lungsod ng Timog Korea magdamag
3. Alin sa sumusunod ang mahihinuhang nangyayari sa Hilagang Korea batay sa
pahayag ni Jung Man-Bok na kung lagi lamang may ilaw, lalo na sa gabi ay
magagawa ni U Pil ang kanyang takdang-aralin araw-araw?
A. Walang supply ng kuryente tuwing gabi.
B. Papatay-patay ang ilaw nila sa buong araw.
C. Nawawalan nang ganang mag-aral si U Pil kapag walang ilaw.
D. Dahil sa kahirapan kaya walang supply ng kuryente sa Hilagang Korea.
4. Bakit bihira ang mga pampublikong sauna bath sa Hilagang Korea?
A. Mahihirap lamang ang mga tao rito.
B. Maraming may sauna bath sa kanya-kanyang bahay.
C. Hindi kayang magtagal ng mga tao sa pampublikong sauna bath.
D. Mainit na ang klima sa kanilang bansa kaya hindi na ito kailangan.
5. Anong kultura ang masasalamin sa binasang akda na hindi makikita sa
mga Filipino?
A. Mahilig sila sa mga maliliwanag na lugar.
B. Ang mga taga Hilagang Korea ay mahilig sa sauna bath.
C. Handa silang gumastos para sa maalwan na pakiramdam.
D. Tongmu ang tawagan ng mga taga Hilagang Korea sa isa’t isa.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay bilang balik-aral


sa nakaraang aralin.

Balik-tanaw

Isulat ang TAMA kung angkop ang pahayag na isinasaad sa bawat bilang, kung
hindi ay itala naman ang MALI. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Binibigyang-diin sa kuwentong makabanghay ang pagkakasunod-sunod ng mga


pangyayari o madulang pangyayari.
2. Nakapokus naman ang kuwento ng tauhan sa mga pangyayari sa tauhan.
3. Nakatuon naman sa lugar lang ng kuwento ang kuwento ng katutubong kulay.
4. Ang kuwento ng Niyebeng Itim ay nagmula sa bansang Cambodia.
5. Ang simbolo ay panandang nakikita sa pamamagitan ng paglalarawan ng anumang
bagay na kumakatawan sa nais isagisag nito.

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, alamin natin ang bansang pinagmulan ng ating kuwento.

Ang akdang babasahin ay mula sa bansang Tsina, isa sa pinakamalaking


bansa sa buong mundo at ito ay bahagi ng Silangang Asya. Dito nagmula ang lahi ng mga
kilalang negosyante sa ating bansa. Kilalang ang mga Tsino bilang masisipag at masisikap
na manggagawa upang marating ang kanilang mithiin sa buhay. Kaya naman, dahil sa
kanilang sipag at pangarap ay marami sa kanila ang tinaguriang pinakamayayaman sa
buong bansa. Matutunghayan ninyo sa kuwento ni Hashnu ang pagpapahalaga sa sariling
kakayahan.

Halina, sabay nating basahin ang akda!


Hashnu, Ang Manlililok ng Bato
Maikling Kuwento mula sa Tsina

Sa isang malayong lalawigan sa Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa Tsina ay


naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa niya ang pag-ukit ng bato sa
matagal na panahon. Ang trabahong ito ay halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng
matinding sikat ng araw. Mapapansing buong tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang
gawain. Ngunit isang araw ay nasambit niya sa sarili, “Naku! Pagal na pagal na ang aking
katawan sa kahuhugis ng matitigas na bato. Sana ay mabuhay na lamang ang tao na
hindi nahihirapang magtrabaho para hindi na magdala ng pait at maso rito araw-araw.
Uupo na lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala ng maso paroo’t
parito araw-araw sa kalsada.”
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang isang panaginip
ang naganap sa kaniyang buhay. Nang nagkagulo ang mga tao sa daang malapit sa
kaniyang inuukit ay nakita niyang naroon pala ang hari. Napansin niya kaagad sa dakong
kanan ang mga sundalong ayos na ayos ang pananamit at may sandata na handang
sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa kaliwa naman ay nakita niya ang mga tagasunod
nitong gumagawa ng paraan para lamang mautusan ng hari. Habang nakatingin si
Hashnu, nag-isip siyang maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay
na sundalo at mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad may narinig siyang
tinig, “Magiging hari ka.”
Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya si Hashnu.
“Hindi na ako taga-ukit ng mga bato na nakaupo sa gilid ng daan na may hawak ng pait
at mabigat na maso. Isa na akong hari na nakasuot ng baluti, helmet, at nakasakay sa
pagitan ng mga sundalo, at may tagasunod na pawang mapitagan sa akin.” Mayabang siya
sa paglakad kaya’t ang kaniyang mga tauhan ay talagang gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kaniyang helmet na lubhang dikit sa kaniyang ulo na
umaabot sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik ng ulo. Nahirapan siya.
Namumutla at napagod siya dahil sa matinding sikat ng araw. Naisip niyang kaya palang
panghinain at talunin ng Araw ang makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang
naisip: “Mas makapangyarihan ang Araw. Napanghina niya ang aking katawan!” Naisip
naman niyang maging Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong muli na siya’y nakarinig
ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging Araw.
Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumisikat nang matindi sa
kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na
sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo.
Ang mga tao ay lubhang nanangis sa pangyayaring ito. Nagpatuloy pa rin sa
kapangyarihan ang Araw hanggang sa mapansin niyang ang Ulap pala ay maaaring
makulob sa pagitan ng Araw at ng Mundo. Napatunayan niya na higit na
makapangyarihan ang Ulap sapagkat kaya nitong takpan sa kanyang sinag. Dahil sa
kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
Nilukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at bumagsak sa paraang
ulan sa mundo. Umapaw ang tubig sa mga lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang
pagbagsak ng dami ng ulan. Ang matinding ulan ang naging sanhi naman ng pagkamatay
ng mga halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig. Maging ang malakas na hangin ay
naging sanhi ng pagkabuwal at pagkabunot ng mga puno. Nawala ang mga tahanan at
ang mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kaniyang paningin sa mga bato na
hindi man lang natinag sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga sakunang nagdaan
tulad ng malakas na ulan at hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang
napaisip. Ninais naman niyang maging isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad ng dati may
tinig siyang narinig upang sabihing siya’y maging isang bato. Nang siya ay Bato na,
narinig niyang muli ang tunog ng pait habang ito’y ipinupukpok sa kaniya. Pati na rin ang
maso na ramdam niyang malakas na tumatama sa kaniyang katawan at ulo. Nalaman
niya ngayon na hindi nga siya natibag sa malakas na ulan at hangin subalit siya ay
nakayang hugisan ng ano mang anyo ng isang manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto
niyang walang ibang pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling
si Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang nanumbalik sa dating
gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng kalye na nakaupo at nagsisimula na
namang humugis ng iba’t ibang anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si Hashnu. Panatag
ang kaniyang kalooban araw-araw sa pagiging manlililok.
-Halaw
(Baisa-Julian, Lontoc, del Rosario. Pinagyamang Pluma, 2015)

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang iba’t ibang pahayag na ginagamit sa


pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento.

A. Pahayag na ginagamit sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga pangyayari at


pagtatapos ng isang kuwento

Sa pagsasalaysay ng isang kuwento, mahalaga ang paggamit ng mga pahayag


upang higit na maunawaan ng mambabasa ang daloy ng kuwento. Tinatawag rin itong
pang-ugnay. Ito ay nakatutulong upang mabisang maunawaan ang mensaheng
nakapaloob sa akdang pampanitikan. Sa pagsisimula madalas gamitin ang mga pang-
ugnay na; unang, noong unang panahon, sa simula. Samantalang sa pagpapatuloy ng
pangyayari ginagamit ang mga pahayag na tulad ng; pagkatapos, nang sumunod na araw,
gayundin, saka, isa pa, kasunod nito at walang ano-ano’y. Kalimitan namang makikita sa
pagtatapos ng isang kuwento ang mga pahayag na; sa dakong huli, sa wakas at dito
nagtatapos.

Sa pagkakataong ito, nahasa na ang iyong kaalaman sa mga tinalakay na


paksa. Kung may bahaging hindi mo pa lubos na naunawaan ay huwag kang
mangingiming magtanong sa iyong guro. Maaari mo nang sagutan ang mga gawain sa
kasunod na bahagi.

Mga Gawain

Panuto: Sagutan ang mga pagsasanay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Gawain 1.1 Pagpapalawak ng Talasalitaan


Tukuyin ang sawikain sa pangungusap. Hanapin din ng pangungusap ang kahulugan
nito.
Pangungusap Sawikain Kahulugan
1. Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kaniyang
sinabi. Hindi niya akalaing magkakatotoo ang kaniyang
minimithi.
2. Mayabang siya sa paglakad kaya’t ang kaniyang mga
tauhan ay talagang gumagalang sa kaniya. Taas-noo (ng
tinitingnan niya lamang ang mga ito.
3. Ang mga tao ay lubhang nanangis sa mga pangyayaring
ito. Lumuha sila nang ga-balde sa napag-alamang
pagkakatuyo ng mga lupain dulot ng matinding sikat ng
araw.
Gawain 1.2 Pagsagot sa mga Tanong

1. Itala sa kahon ang mga nangyaring pagbabagong-anyo kay Hashnu. Ipaliwanag


naman sa guhit sa ibaba nito kung bakit ayaw na niyang maging ganito.
Pamantayan:
10 puntos = tama ang sagot sa pagbabagong-anyo at malinaw ang paliwanag 7 puntos = tama ang sagot sa pagbabagong-an
paliwanag
4 puntos = kulang ang sagot sa pagbabagong-anyo at sa paliwanag

2. Anong kultura ng Tsino ang ipinakita ni Hashnu na may kinalaman sa kaniyang


pagtratrabaho?
3. Nakikita mo ba ang parehong kultura sa ating bansa? Patunayan ang sagot.
4. Ano ang aral na makukuha sa kuwento?
5. Paano mo maisasabuhay ang aral na natagpuan mo sa akdang binasa?

Gawain 1.3 Pagsasanay Panggramatika

A. Itala ang buod ng kuwento sa tulong ng mga salitang ginagamit sa


pagsisimula, pagpapadaloy, at pagtatapos ng akdang “Hashnu, Ang
Manlililok ng Bato.”

Pamantayan:
5 puntos = tama ang ginamit na pang-ugnay at angkop ang pangungusap 3 puntos = tama ang ginamit na pang-ugnay ngunit may hindi angkop
bahaging inilahad na pangungusap
1 puntos = hindi angkop ang pang-ugnay na ginamit at pangungusap

Magaling! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo. Patuloy mo pang


palawakin ang iyong kaalaman sa mga susunod na bahagi.

Tandaan

Matapos mong gawin ang mga pagsasanay na iniatas sa iyo, muli nating
balikan ang ilang mahalagang kaisipan tungkol sa aralin.

1. Ang bansang Tsina ay isa sa may pinakamalaking bansa sa buong daigdig.


Ito rin ay may 90 porsyentong lupain na bahagi ng Silangang Aosya.
2. Ang pang-ugnay ay mga pahayag na ginagamit sa pagsisimula, pagpapatuloy
ng mga pangyayari at pagtatapos ng kuwento.

Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong
mga natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Isalaysay ang sarili mong karanasan tungkol sa isang bagay na ginawa mo


nang buong husay na nabanggit sa kuwento. Gawin sa sagutang papel.
Sundin ang sumusunod na pamantayan:
1. Ang pagsasalaysay ay binubuo ng isang talata lamang.
2. Magbibigay ng isang kulturang naranasan at ano ang nangyari sa bahaging ito
3. Sikaping gumamit ng iba’t ibang pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga
pangyayari at pagtatapos ng kuwento
4. Orihinal na gawa

Ang bawat pamantayan ay may kalakip na puntos batay sa mga sumusunod:


4 3 2 1
Napakahusay Mahusay Katamtaman Dapat Paunlarin
Nasunod ang May isang Dalawa lamang Isa lamang sa
lahat ng batayan. batayang hindi sa mga batayan batayan ang
nasunod ang nasunod nasunod

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin ang maikling kuwento at sagutin ang kasunod na mga tanong.


Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Hanasaka Jiisan (Ang Lalaking Nagpamulaklak ng Blossom)


Maikling Kuwento mula sa Japan
Salin ni Lovely Ariane A. Cerina

Noong panahon ng Edo, sa malayong bayan sa Japan ay may naninirahang mag-


asawang walang anak. Minsang nagtratrabaho sa bukid ang lalaki ay may lumapit sa
kaniyang isang puting tuta, umiiyak ito at sugatan. Tumakas ang tuta mula sa amo
niyang mapanakit. Kinuha ng lalaki ang tuta at pinangalanang Shiro (ibig sabihin ay
maputi sa salitang Hapon). Minahal at inalagaang lubos ng mag-asawa ang tuta hanggang
sa ito’y lumaki.
Isang araw, niyakag ni Shiro ang lalaki sa isang malapit na bundok. Nang marating
nila ang tuktok ay tumahol nang tumahol si Shiro na tila sinasabing, “Hukayin mo ‘to, Arf!
Arf!”. Ginawa nga ito ng lalaki at laking gulat nya nang makita ang mga umaapaw na ginto
mula sa lupang hinukayan.
Nabalitaan ito ng mag-asawang ganid na kanilang kapitbahay. Kaya naman,
hiniram nila si Shiro papunta sa bundok. Pagdating sa bundok, tinanong ng lalaki,
“Nasaan na ang mga ginto?!” Sa takot ni Shiro, ay nagturo siya ng isang bahagi sa bundok
at ito’y hinukay ng mag-asawa. Ngunit, sa halip na ginto ay puro mga basura at
umaalingasaw na pinagkainan ang lumabas mula sa lupa. Sa galit ng mag-asawa, pinatay
nila si Shiro.
Kinabukasan, sinabi nila sa mag-asawa na natagpuang patay si Shiro. Naghinagpis
ang mag-asawang nag-alaga kay Shiro. Inilibing nila ang aso at sa pinaglibingan nito may
tumubong isang puno. Naalala ng lalaki na mahilig si Shiro sa puto (rice cake). Nais
niyang dalhan ito ng paborito niyang pagkain sa kaniyang libingan. Kaya naman naisip
niyang putulin ang puno at gumawa ng malaking almires. Habang binabayo nila ang bigas
sa almires, unti-unti ito’y nagiging ginto.
Nabalitaan uli ito ng ganid na mag-asawa kaya sapilitan nilang kinuha ang almires
at nagsimulang magbayo ng bigas. Pero, maitim na putik ang kinalabasan ng bigas sa
halip na ginto. Sa galit ng ganid na lalaki, sinunog niya ang almires sa kanilang lutuan
hanggang sa ito’y maging abo.
Nalungkot ang mag-asawang nag-alaga kay Shiro. Kaya kinuha nila ang mga abo
ng almires at inilagay sa kahon. Naisipan ng lalaking ikalat ang mga abong ito sa taniman
ng labanos (ang labanos ay isa rin sa paborito ni Shiro). Ngunit, hinangin ang mga abo at
napunta sa isang patay na puno. Nabuhay muli ang mga puno at namulaklak ng mga
cherry blossom. Sa tuwa ng mag-asawa, ginawa nila ito sa lahat ng mga puno sa kanilang
paligid.
Nabalitaan ng hari ang nangyari, ginantimpalaan ang mag-asawa at tinaguriang,
“Pinakamagaling na Tagapamunga ng Bulaklak sa buong Japan.” Nang makita ito ng
ganid na mag-asawa ay kumuha ng ilang abo mula sa lutuan at pumunta sa hari. Sabi ng
lalaking ganid, “Ako ang pinakamahusay na Tagapamunga, ako ang tunay!” Isinaboy niya
ang abo at napunta ito sa ilong at mata ng hari na halos ikamatay ng huli. Sa galit ng
hari, ipinakulong habambuhay ang ganid na mag-asawa.
1. Alin sa mga sumusunod ang may pahayag na may pagsisimula ng kuwento.
A. Nabalitaan ito ng mag-asawang ganid na kanilang kapitbahay.
B. Isang araw, niyakag ni Shiro ang lalaki sa isang malapit na bundok.
C. Kinabukasan, sinabi nila sa mag-asawa na natagpuang patay si Shiro.
D. Sa huli, dahil sa galit ng hari, ipinakulong habambuhay ang ganid na mag-
asawa.
2. Alin sa mga sumusunod ang may pahayag na may pagpapatuloy ng kuwento.
A. Nabalitaan ito ng mag-asawang ganid na kanilang kapitbahay.
B. Isang araw, niyakag ni Shiro ang lalaki sa isang malapit na bundok.
C. Kinabukasan, sinabi nila sa mag-asawa na natagpuang patay si Shiro.
D. Sa huli, dahil sa galit ng hari, ipinakulong habambuhay ang ganid na mag-
asawa.
3. Alin sa mga sumusunod ang may pahayag na may pagtatapos ng kuwento.
A. Nabalitaan ito ng mag-asawang ganid na kanilang kapitbahay.
B. Isang araw, niyakag ni Shiro ang lalaki sa isang malapit na bundok.
C. Kinabukasan, sinabi nila sa mag-asawa na natagpuang patay si Shiro.
D. Sa huli, dahil sa galit ng hari, ipinakulong habambuhay ang ganid na mag-
asawa.
4. Ano ang namamayaning kaisipang nais ipabatid ng maikling kuwento?
A. Huwag makialam sa buhay ng iba.
B. Kailangang maging tapat sa lahat ng pagkakataon.
C. Ang bawat gawin ng isang tao ay may kaukulang kapalit.
D. Matutong mag-alaga ng hayop upang gumanda ang buhay.
5. Ano ang kultura ng bansang Japan ang mababanaag sa akda?
A. Magtanim ng puno sa libingan ng mahal sa buhay.
B. Ang mga abo ay mainam na gawing pataba sa halaman.
C. Ang mga mag-asawang walang anak ay nag-aalaga ng tuta.
D. Ang paniniwala na gumawa ng mabuti, gayundin ang babalik.

Pagninilay

M
Mangalap ng impormasyon sa mga nakatatanda sa bahay o sa mga matagal na
nanirahan sa inyong komunidad. Alamin ang mga kulturang isinasabuhay hanggang
sa kasalukuyan sa inyong lugar. Isalaysay ito gamit ang mga natutuhan sa aralin.
Isulat sa hiwalay na papel.
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng sagot : 10 – taglay ang 3 pamantayan
 Naaangkop ang sagot sa ibinigay na 7 – dalawang pamantayan lamang
gawain 5 – isang pamantayan lamang
 Maayos at madaling maunawaan
 Naipaliwanag nang mahusay
FILIPINO 9
SAGUTANG
PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikalima


Pangalan:
Guro:
Baitang at Seksyon:
Iskor:
Paunang Pagsubok Balik-tanaw
1 1
2 2
3 3
4 4
5 5
Mga Gawain
Gawain 1.1
Sawikain Kahulugan
1

Gawain 1.2

Gawain 1.3
Pagsisimula:

Pagpapadaloy:

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikalimang Linggo
Pagwawakas:

Pag-alam sa mga Natutuhan

Pangwakas na Pagsusulit
1
2
3
4
5

Pagninilay

You might also like