You are on page 1of 3

Pagsagot sa mga Tanong sa Napakinggan

at Nabasang Alamat, Tula at Awit


Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 4
Ikalawang Markahan • Modyul 1

LOURDES B. LOMAS-E, EdD


Tagapaglinang
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan at nabasang alamat, tula at awit (F4PN-IIf-3.1, F4PN-
IIIb-3.1, F4PB-IVb-3.2.1)

2. Nababaybay nang wasto ang salitang natutuhan sa aralin; salitang hiram; at salitang kaugnay ng
ibang asignatura (F4PU-IIa-j-1)

SURIIN

Alamat- uri ng panitikan na nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, pook, kalagayan o


katawagan. Ito ay likhang-isip lamang ngunit nagpapakita ng mga matatandang kaugaliang
Pilipino. Layunin din nito ang manlibang.
Halimbawa: Isinasalaysay ng alamat ng mga Ifugao na “Lipi ni Wigan at Bugan,” kung paano
dumami uli ang kanilang lipi pagkatapos maubos ng mga ito.
Tula- uri ng panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsulat. Binubuo
ng mga saknong at taludtod. Nagtataglay din ng sukat, tugma, talinghaga, kariktan, tema, ritmo,
simbolo at imahe.
Halimbawa: Balikan ang tula sa TUKLASIN , “Kaibigang Aklat.” Ito ay binubuo ng mga saknong at
taludtod at kakikitaan din ng iba pang elemento ng tula tulad ng talinghaga at kariktan.
Awit-tulang nagsasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat
taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at mang tradisyunal na tugma ay isahan. Karaniwang
paksa nito’y ibig sa lupang sinilangan bagaman sa ngayon ay marami ng paksa ang iniikutan ng
mga modernong awitin.
Halimbawa: Ang ating pambansang awit na Lupang Hinirang ay pumapaksa sa lupang
sinilangan. Ito rin ay binubuo ng mga taludtod at saknong.

PAGYAMANIN (TAYAHIN)
Maghanda at pagyamanin ang iyong natutuhan, isagawa ang mga sumusunod na Pagsasanay.
Basahin at unawain ang alamat sa ibaba.
Mina ng Ginto
Alamat ng Baguio
Sa isang liblib na lugar ng Baguio, may isang Igorot na ang pangalan ay Kunto. Siya ay
matapang at malakas. Kaya naman ginawa siyang pinuno ng kanyang mga ka-tribu.
Isang araw, nangaso si Kunto sa kagubatan. Sa kanyang paghahanap ng hayop, namataan niya
ang isang uwak. Tila siya ay sinunsundan ng tingin.Tiningnan din ito ni Kunto. Parang may isip
ang ibon na tumingin din sa kanya. Nagulat siya nang tumango ang ibon ng tatlong
beses.Bagama’t matapang, nakaramdam ng takot si Kunto. Hindi niya itinuloy ang pangangaso.
Bagkus, umuwi siya upang isangguni sa mga nakatatanda ang kanyang nakita.
Sinabi ng mga matatanda na marahil iyon ay ang kanilang bathala. Marahil ipinaalala nito
ang kanilang tungkulin at dapat silang magkanyaw.
Napagkasunduan nang lahat na magdaos ng kanyaw. Hinuli nila ang limang baboy ramo at iyon
ay ang kanilang kakatayin.
Sila ay nasa akto ng pagkakatay sa isang baboy ramo nang biglang naging tao ang isa.
Ang iba ay kumaripas ng takbo sa takot habang ang mga mandirigma at si Kunto ay inabot ang
kanilang mga sibat at pana. “Wag kayong matakot!” Agad na wika ng estranghero. Humupa ang
takot ng mga tao subalit nanatiling nakahanda ang kanilang armas pang-depensa.
“Gagantimpalaan ko kayo dahil sa madalas ninyong pag-aalay sa akin subalit kailangan
ninyong sundin ang aking utos.” Mataimtim na nakinig sina Kunto at ang kanyang mga ka-
tribu.“Maglagay kayo ng isang tasa ng kanin sa aking kinatatayuan. Takpan ninyo ang tasa ng
malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong kanyaw. Pagkatapos ng tatlong araw, bumalik
kayo dito.”Sinabi rin ng misteryosong matanda na makikita nila ang isang maliit na puno. Ito ay
may mga dahong ginto. Ang mga dahon ay maaaring kunin at pwedeng ibenta ng mga tao.Subalit
hindi nila dapat putulin ang puno. Pagkatapos ay nawala ang lalake. Agad namang sinunod ng
tribu ang utos.
Pagkatapos ng tatlong araw, agad na bumalik si Kunto kasama ng ilang mga mandirigma.
Gaya nga ng sabi ng lalake, may puno silang nakita nang alisin nila ang malaking palayok. Kulay
ginto ang mga dahon. Agad na pumitas si Kunto ng isang dahon. Tiniyak niya kung talagang ginto
iyon sa pamamagitan ng pagbebenta sa mga mangangalakal. Napatunayan niyang ginto nga ang
mga dahon.Pagkalipas ng magdamag, ang puwang na kinunan ni Kunto ay napalitan ng bagong
sibol na dahon. Ganap na nagiging ginto ang mga dahon pagkatapos ng tatlong araw. Mula noon,
iminungkahi ni Kunto na may isa o dalawang tao sa isang pamilya ay mamimitas ng isang dahon.
Naging mayaman ang lugar na iyon sa tulong ng gintong dahon. Subalit, kapalit noon ay ang pag-
usbong ng inggit at kasakiman.Sa pagdaan ng mga araw, tumaas nang tumaas ang puno. Naging
ganid na ang karamihan sa kanila. Nakalimutan nila ang magpasalamat sa misteryosong lalakeng
nagbigay sa kanila ng puno.
Isang araw, biglang lumaki nang husto ang puno. Hindi na maabot ng mga tao ang mga
gintong dahon ng puno. Kaya naman naisipan nilang putulin ito. Nilabag nila ang pinaka-iisang
kondisyong binigay sa kanila. Nabuwal ang puno at siya namang pagsulpot ng misteryosong
lalake. “Dahil sa inyong kasakiman, pinutol ninyo ang puno. Hindi ko babawiin ang punong ito.
Bagkus, paghihirapan ninyo ang pagkuha sa mga ginto.” Nilamon ng lupa ang puno. Mula nga
noon, nagkaroon ng ginto sa loob ng lupa. Makukuha lamang ng mgatao ang ginto sa
pamamagitan ng paghuhukay.

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.


1. Sino si Kunto sa alamat? Ano ang kaniyang ipinamalas sa kaniyang mga ka-tribu?
Isa siyang mangangaso, Siya ay matapang at malakas.
2. Ano ang ibig sabihin ng pagsasagawa ng tribu ni Kunto ng Kanyaw?
. Hinuli nila ang limang baboy ramo at iyon ay ang kanilang kakatayin.
3. Ano ang kinahinatnan ng isinagawa nina Kunto?
Sila ay nasa akto ng pagkakatay sa isang baboy ramo nang biglang agging tao ang
isa.
4. Bakit hinuhukay na ngayon ang ginto?
Kasi lumubog na ang gintong punong kahoy kailangan nila pag hirapan hukayin
bago ito makuha.
5. Ano ang aral na iyong natutuhan mula sa alamat?
Huwag maging gahaman.
ISAGAWA (Performance Task)
Basahin at unawain ang tula. Bigyang-pansin ang nais nitong ipahiwatig.

Kaibigang Aklat
Mga pahina ng aklat, isa-isang binubuklat Bawat salita ay wari kong sinasalat Dulot sa diwa ay
kayamanang sapat Halika kaibigan, ito’y iyong malasap
Dito malalaman mga ginto sa kasaysayan Pakikibaka’t sakripisyo ng mga bayani nitong bayan
Buhay nila’y ibinuwis- upang magtamo ng kalayaan Mga alaalang dapat lamang nating
pangalagaan May kasaysayan sa Agham ang iyong matutuklasan Hindi magiging misteryo ang
kabilugan ng buwan
Mga planeta’t bituin iyo ring mapag-aaralan
Gayundin kung saan nagmumula ang malamig na hangin
Malalayong kaharian ay doon ka dadalhin
Buhay ng mga Prinsesa at Prinsipe halina’t ating tunguhin Doo’y makakasama sila sa mga
tugtugin at awitin
Sa tulong nitong kaibigang aklat, sa isang iglap ito’y lalakbayin
Ano pang hinihintay mo, ang aklatan ay tunguhin May bagong kaibigan halina’t ating basahin
Walang hanggang karununga’y iyong tatamuhin Taglay nilang kagandahan tila mandin
nagningning
Kaya nga ba’t aklat ating alagaan Huwag sisirain at pababayaan
Sa anumang oras na ika’y mangailangan Lagi itong handang ikaw ay damayan
Hango sa Tulang “Aklat” National Children’s Book

A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang tula?


Kaibigang aklat

2. Ano ang binigyang kahulugan sa unang saknong ng tula?

Marami kang matututunan sa aklat.


3. Ano-anong mga bagay ang matututuhan mula dito?Isa-isahin ang mga ito.
Dito malalaman mga ginto sa kasaysayan.
Pakikibaka’t sakripisyo ng mga bayani nitong bayan.
May kasaysayan sa Agham.
Mga planeta’t bituin.
Saan nagmumula ang malamig na hangin.

4. Bakit mahalaga ang aklat ? Paano ito mapangangalagaan?


Mahalaga ang aklat dahil may matututunan tayo sa pag babasa ng aklat. Mag basa lagi ng
aklat.

5. Anong aral ang natutuhan mula sa tula na puwede mong ibahagi sa iba?
Pag babahagi ng importansiya ng pag babasa ng aklat.

You might also like