You are on page 1of 28

Surigao State College of Technology

Surigao City
Masusing Banghay Aralin Sa Baitang 10

I- Layunin
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
Pamantayang Pangnilalaman pagpapahahalaga sa mga akdang pampanitikan

Pamantayang sa Pagganap Naisasabuhay ng mga mag-aaral ang


damdaming nabasa sa akda na nagiging
repleksyon ito ssa kanilang sarili.
DOMEYN KASANAYAN SA PAGKATUTO
Pag- unawa sa binasa
1. Naiuugnay ang mga pahayag sa akda batay
sa karanasan ng bata.
F10PB-IIId-e-83
2. Naihahanay ang mga salita batay sa
Paglinang ng Talasalitaan pormalidad nito
F10PT-IIId-e-79

Pagsasalita 3. Mapanuring naihahayag ang damdamin at


saloobin tungkol sa binasang akda.
F10PS-IIId-e-81
Gramatika at Retorika 4. Nagagamit ang wastong mga pahayag sa
pagbibigay-kahulugan sa damdaming
nangingibabaw sa akda.
F10WG-IIId-e-74
5. Nakapagpapahayag ng emosyon ng tauhan
sa akda.

6. Nakakabuo ng isang malayang blog na


Pagpapahalaga
umuugnay sa binasang akda.

II- Nilalaman

Paksang-aralin: Aralin 2.2


Panitikan: Ako Po’y Pitong Taong Gulang (Dagli)
Gramatika At Retorika: Mga saltang nagpapahayag ng pangyayari at
damdamin.
Uri ng teksto: Nagsasalaysay
Valyus: Realisasyon at Pagkamulat sa buhay
III- Kagamitang Pagkatuto

A. SANGGUNIAN

1. Gabay Ng Guro -
2. Kagamitang Pang mag-aaral -
3. Teksbuk- Aklat ng Baitang 10 Panitikang Daigdig
4. Karagdagang Kagamitan mula a portal ng Learing Resources -

B. Iba pang kagamitang Panpaturo


- Pantulong Biswal, mamila paper , kartolina, LCD projector , laptop,
speaker at aklat

IV- Pamamaraan
(Paunang Gawain)

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG_AARAL

A. Pagsisimula/Pagganyak

Magsitayo ang lahat para sa Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng


panalangin, pangunahan mo ito Espirito Santo. Amen ..
Ginoong Toraja.

Mapagpalang araw rin po Binibining


Mapagpalang Araw sa lahat Bonilla! At sa inyo aking mga kaklase!

Okay po Maam
Magsiupo na ang lahat, tatawagin ko
ang inyong mga pangalan at sabihing
narito po kung ikay narito at kung wala
sabihing wala po siya. Okay?
Narito po
Agapay Narito po
Achas Narito po
Arguilles

Okay lang po Maam


Pansin ko lang ang tahimik ninyo?
Okay lang ba kayo?
Woooh waaah!
Sigaw nga kayo ng woooh waaah!
Woooh waaah!
Isa pa nga !
Ayon! Para mas mabuhayan pa ang Sige po, okay po Maam
lahat magkakaroon tayo ng laro. Okay
ba sa inyo ?
Okay, hahatiin ko ang klase sa Okay po Maam
dalawang pangkat. Ang larong gagawin
natin ay ang “Arte ko Hula mo “
Handang handa na po Maam
Handan na ba kayo?
Sobrang okay po.
Okay. Madali lamang ang mekaniks
nito.
Ang kailangan niyo lamang gawin ay
ang umarte. Pipili lamang kayo ng mga
linyang wasak o yung bit na bit ninyo
sa isang teleserye tapos maghuhulaan
kayo kung sinong artista ang nagsabi
ng linya o kung anong pilekula ito?
Okay ba? Kaya ba? ( Naging masaya at ang lahat ay
lumahok sa laro)

Oh gising na gising na ba kayo? Okeeey kaeeyooh!


Okeey ba ang laro? Ang huhusay
naman pala ng mga mag-aaral ko.

Sige mabuti naman kung ganoon pero


bago kayo magsiupo ulit isaaayos niyo
mo na ang mga upuan ninyo.

B. Paghabi sa Layunin ng Aralin

Ayon, buhay na ang lahat.


Akoy natutuwa sa inyong masiglang
kooperasyon at madamdaming arte.
Talaga namang kayo’y mahusay.
(PALAKPAKAN)
kaya naman ngayon sisimulan na natin
ang ating talakayan. Gusto niyo bang Sige po, maganda po ‘yang naisip
maging mas mahusay pa? Gusto niyo niyo!
bang matuto?

Sige susubukin ko ulit ang inyong


kahusayan kaya gusto kong makinig
kayo sa akin ng maiigi, okay ba yon? Okeeey kaaayooh! hehehehe

Mabuti naman kung ganoon, kasi


mamaya may pangkatang gawain ang
magaganap, magbabasa rin tayo ng
isang napakagandang akda na alam ko
maluluha ang lahat at bilang
panghuling gawain ay gagawa kayo ng
isang repleksyon at isang akda na
nakabasi sa akdang ating babasahin.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa


sa Bagong Aralin.

Ngayon gusto ko hingin ang inyong


atensyon. Maari ba iyon? Opo Ma'am.

Tumingin ang lahat sa pisara. Ano ang


inyong napapansin?
May mga litrato Po.
Tungkol saan ang mga litrato?
Binibining Joan, ano ang masasabi mo Ano po Ma'am. Ang mga litrato po ay
rito? tumutukoy sa mga larong kalye po.

Mahusay, ano pa binibining jessel?


Ito po ay ang mga larong sikat noon na
nilalaro ng mga kabataan. Ito rin po yung
mga larong nilalaro ko po noon kasama
ang mga pinsan ko nung akoy bata pa
Mahusay, Binibini. po.
Ang mga larong ito ay ang mga larong
kadalasang nilalaro natin noon. Tama Opo ma'am
ba ako?

Sino rito ang mahusay sa larong


tumbang priso?
Ako Po. Kami Po.

Ayon, halos lahat ha. Sino naman ang


magaling sa Chinese garter. Oh boys
pambabae ito, wag niyong sabihin
nilalaro niyo to? HAHAHA . Ang joker niyo po Ma'am .

Oh. Ginoong Toraja? Naglalaro ka ba


ng chinese garter noon?
Hmm… Opo Ma'am. Noon Po kasi
kadalasan mga babae yung kalaro ko
kasi mas marami akong babaeng pinsan
kaya ayon, kapag naglalaro sila sinasali
nila ako. Kaya siguro po ganito ako
ngayon. Medyo may pagkababae. Hehe .
Nakakatuwa naman. Pero hindi pa HAHAHA
naman huli ang lahat. Ay di joke lang.

ssssh, ito naman . Sino ang magaling


sa larong ito? Ano nga ba ang larong
ito?
Binibining lyka.

Ano po. Luksong baka. Nilalaro Po


namin niya ng mga pinsan ko noon.
Pinapagalitan nga po kami paminsan
minsan. Hehe

Tama. Ang larong ito ay luksong baka.


Maganda ang larong ito pero
nakakasakit sa likod. Hehe. Pero Siyang tunay po
masaya basta kasama mong kalaro
ang mga kaibigan at pinsan mo. Diba ?

Ngayon ano ang paborito niyong laro?


Oh. Ginoong toraja? Ano ang paborito Wala po to sa nabanggit kanina
mong nilalaro.

Huh? Anong laro ba iyan? yung ano po. "Sisira ang bulaklak
papasok ang Reyna" hehe iyon po yung
isa sa paborito Kung nilalaro kasama
ang mga pinsan ko noon.
ersss haha

HAHA . Nakoo, mukhang wala ng pag- HAHHAHA


asa

Okay, lahat ba ng larong ipinakita ko ay Opo/ Hindi po lahat.


naranasan niyong laruin noong
kabataan niyo?
Ano Po kasi, nagiisang anak lang po kasi
Oh. Sino ang nagsabing hindi lahat?
ako kaya iyong ibang laro hindi ko siya
Binibining Joan? Bakit?
nalalaro katulad na lamang po nung
tumbang priso hindi po ako nakaranas
na makapag laro noon Kasi hindi nman
ako pinapayagan ng mama ko na
lumabas sa bahay. Pero masaya naman
po parin yung kabataan ko. Kasi alam ko
naman na ginagawa lang iyon ng mga
magulang ko para sa akin at alam ko
pong dahil sa wagas na pagmamahal
nila iyon sa akin .
Parang naiiyak ako. Pero alam niyo
Klas, hindi naman ibig sabihin na Kung
hindi mo naranasan ang mga larong
iyon ay malungkot na ang kabataan
mo. Sympre ang mas nakakasayang
pangyayari noong kabataan natin noon
ay iyong inuluwal at dinuduyan tayo ng
mga magulang natin. At sympre yung
pagmamahal na binibigay nila sa atin
hanggang ngayon.

Hay. Parang pang mmk nato.

Sino pa ba niyong hindi nakaranas na Hindi naman lahat po. Pero kahit ganoon
maglaro? Binibining Queenilyn , man po, masaya po ang katabataan ko,
mukhang masaya ang kabataan mo? sobrang saya. Madalang lang po akong
Lahat ba ng laro ay naranasan mong maglaro noong akoy bata pa po kasi
laruin? tumutulong po kasi ako sa mama ko sa
gawaing bahay at sa pagbabantay ng
kapatid ko. Kaya totoo Po yung Sabi niyo
na hindi porket hindi ka nakalalaro sa
mga larong kalye noon . Eh hindi na
masaya yung kabataan mo. Minsan po
kasi pagmamahal lang ng pamilya mo ay
sapat na. At tiyaka masaya naman
talaga ang kabataan ko noon. Hehehe.

Naiiyak na ako klas. Parang gusto ko HAHAHAHAHAHAHA


nang magpadala ng liham kay charo
santos.

Pero alam niyo ba na akoy natutuwa at


kayo ay nakapagpahayag ng inyong
mga damdamin nung inyong kabataan.
At alam niyo ba na maswerte tayong
lahat kasi may Panginoon tayo na
laging gumagabay sa atin at may mga
magulang tayo na sobrang mahal na
mahal tayo. Kaya alagaan niyo ang
lahat ng meron kayo kasi hindi lahat
meron ang meron kayo, ay meron ang
iba huh? Haha.
PALAKPAKAN
Palakpakan natin ang ating mga sarili.

Sa mga larong ito klas okay lang na Opo laaaaababban


sumuko pero sa buhay na mayroon
tayo hindi iyon pwede kaya laban lang
tayo. Okay?

D. Pagtatalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan
Kaya namn ngayon, kunin niyo ang
inyong mga aklat at pumunta sa
pahina 144,
Ano ang nakikita niyo?

May isang akdang pampanitikan po?

Tama , isa itong akdang pampanitikan.


Pero ano nga ba ang panitikan?

Basi sa akong pagsisiyasat ang


panitikan klas ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin
at diwa ng tao.
Sinasabing ang salitang Panitikan ay
nanggaling sa salitang "pang-titik-an"
na kung saan ang unlaping "pang" na
ginamit at hulaping"an" . At sa salitang"
titik" naman ay nangangahulugang
literatura (literature ) , na ang literatura
ay galing sa latin na litterana
nangangahulugang titik.
Meron pa, may dalawang anyo rin ang
panitikan. Ito ay ang Tuluyan o Prosa
at Tula o Panulaan.

Tuluyan o prosa- tumutukoy ito sa


maluwang na pagsamasama ng mga
salita sa loob ng pangungusap .
Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.

Tula o panulaan- Ito ay ang pagbubuo-


buo ng pangungusap o parirala sa
pamamagitan ng salitang binibilang
ang pantig sa taludtod na pinagtugma-
tugma.

Ilan sa halimbawa ng akdang panitikan


ay ang mga sumusunod:

Maikling kwento
Alamat
Nobela
Dagli
Epiko
Anekdota
Parabula
Pabula
Dula
Sanaysay
Talumpati
Talambuhay
Naintindihan ba ninyo ang mga
sinasabi ko? Ngayon akoy may
katanungan. Binibining lyka, may alam
ka ba kung ano ang pagkakaiba ng
maikling kwento sa alamat?

Ano Po ma'am , ang maikling kwento ito


ay kwentong kinakasangkutan ng isa o
ilang tauhan at ito rin po ay nagiiwan
lamang ng isang impresyon o kakintalan.
Habang ang alamat Po ito ay
nagkukwento tungkol sa mga
pinagmulan ng mga bagay bagay sa
daigdig. Minsan sa hayop o halaman.

Mahusay! Palakpakan natin si


binibining lyka.

Ngunit may katanungan pa ako. Ang pagkakaiba po nito ay ang maikling


Binibining Janica, ano naman ang kwento wala po itong kabanata at kaya
kaibahan ng maikling kwento sa lamang po itong matapos sa isang oras
nobela? at isang upuan. Hindi kagaya sa nobela
, ito ay isang mahabang kwentong
piksyon na binubuo ng ibat ibang
kabanata at nangangailan po itong ng
mahabang oras, araw, o panahon
nakadependi sa storyang iyong
babasahin.

Mahusay! Salamat sa iyo. Binibini

Marami na pala kayong kaalaman


tungkol sa panitikan. Mahusay klas!

E. Pagtatalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan
#L2

Ngayon, tingnan ang iyong aklat. Ang


akdang nakasulat diyan sa libro ay
isang Dagli.
Ano nga ba ito?
Ang dagli ay isang espesyal na anyo
ng Panitikang Filipino na
nagsasalaysay ng iba’t-ibang paksa sa
buhay ng isang tao.
Ito rin ay iba sa mga gawang panitikan
tulad ng Alamat, Pabula, at iba pa dahil
ito ay sadyang maikli. Karaniwan ay
nasa isang daang salita o kaya naman
ay aabot hanggang apat na raang
salita lamang.

Ang dagli ayon sa katuturang ibinigay


ni Arrogante (2007) ay mga sitwasyong
may mga nasasangkot na tauhan
ngunit walang aksiyong umuunlad,
gahol sa banghay, mga paglalarawan
lamang. Ito ay isang salaysay na
lantaran at walang-timping
nangangaral, namumuna, nanunudyo,
o kaya'y nagpapasaring.

Ang dagli ay napagkakamalang


katumbas ng flash fiction o sudden
fiction sa Ingles. Ngunit ayon kay Dr.
Reuel Molina Aguila, naunang
nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s)
bago pa man nagkaroon ng
katawagang flash fiction na umusbong
noong 1990.

Sa kasalukuyang panahon, ang dagli


ang nauusong estilo ng maikling
kuwento. Mga kuwentong pawang
sitwasyon lamang, plotless wika nga sa
Ingles. Ngunit kakaiba ang tema sa
mga naunang dagli na nangangaral at
nanunuligsa.

Ayon naman kay Bienvenido Lumbera,


Pambansang Alagad ng Sining "Ang
dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may
iba-ibang anyo at pakay.
Nagpapatawa, nanggugulat,
nakasusugat, parang bato-bato sa
langit, ang tamaa'y lihim na ginagalit.
Kung lilingunin ang kasaysayan ng
dagli bilang anyong pampanitikan,
makikitang bago ang hipo ni Eros sa
anyong noong namalasak sa mga
diyaryo mga unang taon ng Siglo 20."

Sinabi rin ni Atalia, walang isang


pamantayan kung gaano kahaba ang
isang dagli. Higit na kailangan ang
pagkontrol ng mga salita. Sa ganitong
uri ng akda nagtitiwala ang sumulat sa
kakayahan ng mambabasa na
umunawa at makahanap ng kahulugan.
Nagbigay rin siya ng mga mungkahing
paraan si Atalia sa pagsusulat ng dagli.
Una magbigay tuon lamang sa isa:
tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo,
paglalarawan ng matinding damdamin
o tagpo. Ikalawa, magsimula lagi sa
aksyon. Ikatlo, sikaping magkaroon ng
twist o punchline sa dulo. Ikaapat,
magpakita ng kuwento, huwag
ikuwento ang kuwento. At ikalima,
gawing double blade ang pamagat.

Naiintindihan ba mga Bata?


Kaya gusto kong basahin niyo ng maigi Opo Ma'am
at may husay ang akda.

Ako Po’y Pitong Taong Gulang

Hello. Ang pangalan ko po ay Amelia at


nakatira ako sa isang isla sa Caribbean.
Ako po’y pitong taong gulang. Noon po’y
ibinigay ako ng aking mahihirap na
magulang sa isang mayamang pamilya na (Nagbasa ang mga Bata)
nakatira sa lungsod.

Ngayon pong araw na ito, gaya ng


ginagawa ko araw-araw, gumigising po
ako ng alas singko

ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang


balon na malapit sa amin. Napakahirap
pong balansehin ang mabibigat na banga
sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda
na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa
pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli
nga po akong ng paghahain ng almusal,
kaya pinalo po ako ng aking amo ng
sinturon.

Pagkatapos po ay inihatid ko sa paaralan


ang kanilang limang taong gulang na anak
na lalaki. Sumunod po, tumutulong ako sa
paghahanda at paghahain ng tanghalian
ng pamilya. Kung hindi pa po oras ng
pagkain, kailangan ko pong mamili ng
pagkain sa palengke at gawin ang mga
utos nila, asikasuhin ang apuyan, walisan
ang bakuran, labhan ang mga damit at
hugasan ang pinagkainan at linisin ang
kusina. Hinihugasan ko rin po ang mga
paa ng aking among babae. Galit na galit
po siya ngayong araw na ito at sinampal
po niya ako dahil sa galit. Sana’y hindi na
po siya galit bukas.

Ipinakain po sa akin ang kanilang natirang


pagkain, mas mabuti naman po ito kaysa
giniling na mais na kinain ko po
kahapon. Gula-gulanit po ang aking damit
at wala akong sapatos. Hindi po ako
kailanman pinayagan ng aking mga amo
na ipaligo ang tubig na iniigib ko para sa
pamilya. Kagabi po ay sa labas ako
natulog, kung minsan po ay pinatutulog
nila ako sa sahig sa loob ng bahay.
Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang
mismong sumulat nito. Ayaw po nila kasi
akong payagang mag-aral.

Maging maayos po sana ang araw ninyo.


Amelia

-Mula sa Filipino 2 Pagbasa at


Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

2011. Lorimar Publication

Ayon, Mahusay. Naway naintindihan


ng lahat.

Para malaman at masukat ko kung


naunawaan niyo nga ba ito ako ay mga
iilang katanungan lamang ako para sa
inyo.

Isara niyo mo na ang mga aklat ninyo


at itabi ito.

Ano ang pamagat ng dagling inyong Ako'y pitong taong gulang" Ma'am
binasa?

Sino ang tauhang gumaganap sa Si Amelia Po


akda?

Saan nakatira si Amelia? Isa sa isla ng Cabadbaran po

Anong klase at buhay meron si


Isa Po siyang masipag at matatag na
Amelia?
bata. At malungkot po ang kanyang
kabataan. Hindi Po katulad sa amin.
Gaya nga Po noong mga sinabi namin
kanina na kami ay malayang
nakapaglalaro at kapiling namin ang mga
pamilya namin. Sa tingin ko po hindi
ganoon kasaya ang kabataan ni Amelia.
Kasi sa murang edad niya natuto na
siyang magbanat buto at
makipagsapalaran sa buhay. Para sa
akin lang Po ang hirap mamuhay ng
wala sa piling ng mga magulang at
sympre masakit na ibingay ka ng inyong
pamilya dahil sa hirap ng buhay.
Nakakaawa Po ang kanyang mga
pinagdaanan. Lalaon lalo nap o iyong
pag aalipusta sa kanya ng kaanyang
amo. Naalala ko Po tuloy ang hirap at
sakripisyong ginagawa ng aking mga
magulang.

Mahusay! Parang naiyak ang lahat.

Totoo napakatatag ni Amelia. Kasi


diba, aminin natin na noong pitong
taong gulang tayo hindi naman ganyan
yung mga pinagdaanan natin , sympre
tayo kasi paminsan minsan
nakakapaglaro tayo. At higit sa lahat
kapiling natin ang ating mga magulang
natin. Kumakain tayo 3 sa isang beses,
minsan pa nga sobra at may
pameryenda pa.
Kaya napaka swerte natin.

kayat klas , pagingatan at mahalin HUHUHHAHAHAH


natin ang meron tayo ngayon.
Pahalagahan natin ito. Ngayon ,
Bukas, at Magpakailan man.

Parang papunta na tayo sa


Magpakailan man Hahaha

Okay. Hinga na tayo. Punasan na


natin ang mga luha't Sipon natin.
.
Dahil sa nabasa na ninyo ang akda at
parang alam na alam na ninyo ito may
ipapasagot na naman ako sa inyo ulit.

Tumingin ang lahat sa pisara. Kung


makikita niyo may mga salitang
nakasulat, at itong mga salitang ito ay
nanggaling sa akdang inyong binasa.

Ang gagawin niyo ay isasaayos niyo


ang mga salitang ito ayon sa
pormalidad nito.
Paglinang ng Talasalitaan

Ayusin ang sumusunod na salita ayon sa


pormalidad nito at pagkatapos ay tukuyin
ang kahulugan

Halimbawa: mayabang, hambog, mahangin

Sagot: hambog, mahangin, mayabang

1. busabos, mahirap. yagit

2. madatung, mayaman, mapera

3. edad, gulang, taon

4. galit, banas, suklam

5. magsunog ng kilay, magpakadalubhasa,


mag-aral nang mabuti

Ilang minute lamang yung ibibigay ko sa inyo kaya


maghanda na kayo.

Alam niyo naman kung ano yung antas ng wika diba? Kaya
madali lang iton para sa inyo klas.

May pormal at Di-pormal tayong tinatawag kung


inyo pang naaaalala

Poramal ito iyong karaniwang ginagamit sa paaralan


at iba pang pangka[aligirang intrelektwal

Di- pormal ito yung karaniwang palasak sa pang


araw-araw na pakikisalamuha at
pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan
natin.

Klas, unawain ng mga


Okay, ngayon sasagutan na natin
ito.
Yagit,Busabos, at Mahirap
Ginoong Saga, ano ang sagot mo
sa unang tanong. At bigyan ito ng Ang salitang yagit ay tumutukoy sa isang batang
paliwanag. madungis o hindi malinis sa katawan. Ang
busabos ay yung tao na walang maayos na
tirahan at kalimitang makikita sa gilid ng mga
lansangan o mas kilala rin sa tawag na pulubi. At
ang mahirap ay ang taong may tirahan bagamat
hindi permanente at walang maayos na
pinagkakakitaan.

Madatung, Mapera at Mayaman


Ang madatung ay isang salitang jargon na
madalas maririnig sa mga kabataan, halimbawa:
Sa pangalawang tanong naman ? 'Yan si Michael, madatung yan eh!
Ang mapera ay ginagamit din ng iilan subalit mas
pormal ang salitang mayaman. Ang salitang
mayaman ay madalas na makikita sa mga
nailathalang akda kumpara sa salitang mapera

Gulang, Taon at Edad


Ang gulang ay madalas na ginagamit sa
pagpapakilala sa sarili, gayundin ang salitang
taon. Ang edad naman ay madalas makikita sa
mga pormal na forms na sinasagutan natin.
Pangatlong tanong? Kasabay nito makikita ang iba pang pormal na
mga salita tulad ng:Pangalan, Tirahan at Araw ng
kapanganakan

Banas, Galit at Suklam


Ang banas ay kasingkahulugan ng salitang inis.
Ang galit ay mas higit kaysa sa inis. Ang suklam
naman ay sobrang galit.

Pangapat na tanong? Magsunog ng kilay, Mag-aral ng mabuti at


Magpakadalubhasa
Ang unang hakbang ay mag aral nang mabuti.
Pagkatapos nito ay ang pagsusunog ng kilay. Ang
pagsusunog ng kilay ay hindi nangangahulugan
na literal na sunugin ang kilay subalit ito ay
At ang panghuli? nangangahulugan na magsikap o mag aral nang
mas higit pa. Ang magpakadalubhasa o
pagpapakadalubhasa ay magagawa lamang
pagkatapos makapag aral. Nangangailangan ng
malawak na kaalaman sa isang bagay bago
maging dalubhasa ang isang tao.
PLAK! (PALAKPAK)

HAHAHA
Mahusay! Tama ang lahat ng
inyong sagot
Bigyan natin ng isang bagsak na
palakpak ang lahat.

F. Pagtatalakay ng Bagong
Konsepto at Paglalahad ng
Bagong Kasanayan
#L2

Ngayon magkakaroon tayoulit ng


pangkataan . Hahatiin ko ang klase
sa dalawang pangkat.

Ang lahat ng nakaupo sa bandang


kaliwa kayo yung Unang pangkat.
Ang lahat ng nakaupo naman sa
kanan, kayo yung pangalawang
pangkat. HAHAHAHA
Okay, maghanda na ang lahat.
Gusto kong makitang kayo ay
magtutulungan, sympre sa pangkat
lamang ninyo. Wag niyo namang
bigyan ng sagot ang isang
pangkat.

Bibigyan ko lamang kayo ng 5


minuto o hanggang 10 minuto para
masagutan ang mga katanungan
at pagkatapos ay magkakaroon
tayo ng ulat sa awput na ginawa
niyo.

Okay, ngayon sagutan niyo ito.


Gawain.

UNAWAIN MO

Ako Po'y Pitong


Tagpuan Pangyayari 1 Pangyayari 2
Taong Gulang Tauhan Pangyayari 3
1. Suriin ang tauan, tagpuan at
mga pangyayari sa binasang dagli
sa tulong ng
grapikong representasiyon.

2. Ihambing ang tauhan ng dagling


nabasa sa tauhan ng alinmang
dulang pantelebisyon na may
pagwawakas. Sundan ang
grapikong representasion

___tauhan ___dayalogo
___banghay ___paglalarawan
ng matinding damdamin
___tunggalian Opo
___paglalarawan
ng tagpuan

3. Saan higit na nakatuon ang


binasang dagli? Lagyan ng tsek ()
ang sagot at
ipaliwanag.

Palala klas gusto kong Makita ang


kooperasyong ng bawat pangkat
hindi pwedeng iisa lang yung
sasagot at pagkatpos ay pumili kay
ng isang myembro niyo na
maguulat ng sagot niyo sa pangkat
. okay ba?
Opo

Mabuti!

Oh ! Bakit maingay.
Hinaan lamang ang boses. Sige
kayo baka marinig ng kabilang
pangkat at makuha yung sagot
niyo.

Malapit na po ma'am
Tapos na ba?

2 minuto nalang
1 minuto

Tapos na Po.

Mahusay, ngayon sino ang


gustong mauna na magpresenta
ng kanilang ulat at sagot?
Okay pangkat pangalawa
Magandang Araw po sa lahat , at sa iyo po Maam
. ito po yung awtput naming. ANg tauhan po sa
ako Poy Pitong Taong Gulang ay sina ; Si Amelia
, Mga Amo at ang batang lalaki .
Si Amelia siya ang pangunahing tauhan at ang
siyang nagsasalita o nagkukwento dito. Siya ay
pitong taong gulang na bata lamang, Mga amo
isang mayamang pamilya ngunit sila ay malupit sa
katulong nila na si Amelia. Batang Lalaki ang anak
ng amo ni Amelia. Limang taong gulang na batang
lalaki na pinagsisilbihan din ni Amelia. Ang sa
tagpuan naman po ang Isala nga Caribbean at
ang Bahay ng mayamang pamilya.
At ito po yung mga pangyayari 1 haggang
pangyayari 3.

Sa sagot naman namin sa pangalawa ay ito ,


ipinaghambing namin ang buhay ni amelia at jhon
kung saan si john po pareho silang
pinagmalupitan ni amelia ng kanilang mga amo.
Ang pagkakaiba lamang po nila ay si amelia
ipinamigay ng kanyang magulang samantalang si
john po ay kusang loob na nagtrabaho para sa
kanyang pamilya.

Ang sa huling tanong naman po ay ang sagot


naming ay ang tagpuan kung saan sa
pagkakaintindi naming sa akda ang tauhan ang
nakatuon sapagkat siya ang natatanging
gumaganap sa dagli, dinanas niya ang lahat ng
paghihirap at mga pasakit na natamo niya mula sa
kaniyang mga amo at itinuring syang parang alipin
ng mga ito. At maraming salamat po.

Mahusay, Salamat sa iyo binibini at


sa inyong pangkat. Malinaw ang
pagkakapaliwanag at talaga
namang pinagbutihan at
pinagtutulungan niyong sagotan
ang lahat.
Bigyan natin ng isang bagsak na
palakpak ang unang pangkat .
G. Paglinang sa Kabihasaan

Ngayon pakiggan naman natin ang


pangalawang pangkat.

Magandang Umaga sa lahat. Ito po yung awtput


naming sa aming pangkat.
Ang tauhan ay sina Amelia, Mga amo at Batang
lalaki. Sa tagpuan naman po ay ang Isla ng
Carbbean at bahay ng mayamang pamilya . at ito
po yung mga sumusunod na pangyayari. Una
ipinamigay si amelia ng kanuang mga magulang
sa isang pamilya habang siya ay nasa pitong
taong gulang pa. at ang pangalawang pangyayari
ay inihahatid ni amelia ang bata ng kanyang amo.
Namimili, naghuhugas at naglilinis rin si amelia at
nililinisan niya rin ang paa ng kanyang amo. Sa
pangatlong pangyayari ang panghuli. Walang
maayos na tulugan si amelia kung minsan ay
natutulog ito sa labas ng bahay . hindi rin siya
pinapayangan na gamitin ang tubig kaya wala
siyang maayos na kalisnisan at damit.

Sa pangalawang taong naman po, ang pinagham


bing naming ay si Amelia at Karina. Ang
pagkakatulad po nila ay ang parejho silang
namulat sa buhay sa murang edad pa lamang.
Ang pinagkaiba naman nilang dalawa ay si Amelia
ipinamigay ng kanyang pamilya habang si Karina
ay may pamilya at umuuwi siya rito paminsan
minsan.
Sa huling tanong naman po ay ang sagot naming
ay tauhan. Kung saan para sa amin sa tauhan
talaga mas umiikot ang kwento ng akda. King
saan ipinapakita ditto ang mga pinagdaan ni
amelia sa edad na pitong taong gulang pa
lamang. Iyon lamng po maraming salamat sa
lahat.

Mahusay! Maganda , katulad sa


unang pangkat malinaw ang
pagpapahayag at kitang kita ang
magandang resulata ng inyong
pagtutulungan.

Bigyan natin ng isang bagsak na PLAK (PALAKPAK)


palakpak ang pangkat pangalawa.

Malungkot man ang akdang ating


binasa ngunit itoy nabigyang buhay
naman natin. Naway maging
repliksyon itong akdang binasa
natin para sa ating mga sarili. Ang
pagkamulat sa buhay sa murang
edad ay siyang napakahirap kayat
sa ano mang hamon ng buhay wag
tayong susuko, laban lang. Hindi
man naging maganda ang
karanasang meron si Amelia pero
naway nakapulot kayo ng aral.
Maging mabuting kapwa tao
Maging matatag sa hamon ng
buhay
Laban lang tayo.

H. Paglalahat ng Aralin

Bilang panghuling gawain at dahil


sa kinapos tayo sa oras . May
ibibigay akong pangkatang
takdang aralin. Ganun parin yung
pangkat kanina. Ang gagwin niyo
ay gagawa kayo ng isang blog. At
sa blog na yun malaya kayong
magpahay o magsalaysay ng
inyong mga damdamin na
nakaugnay sa akdang ating
binasa.
"Ako'y pitong taong gulang"
inyong blog.
Okay ba? Maliwanag?
Opo

Naway kayo may mga natutunan


sa talakayan natin ngayong araw.
Kailangan na nating magpaalam sa
isat isat dahil alam naman natin na
walang forever kaya maghihiwalay
na tayo.

Magsitayo tayo
Purihin ang Panginoong Diyos
Ngayon at Magpakailanman

Magpagpalang araw ulit sa lahat at


salamat .Paaalam klas. Paaalam at salamat po Binibining Bonilla.
.

You might also like