You are on page 1of 30

KABANATA 4:

DESKRIPSIYON NG PRODUKTO AT
DOKUMENTASYON SA PAGGAWA NG
ISANG BAGAY O PRODUKTO
• Ang deskripsiyonng isang produkto ay isang maikling
sulatin na ginagawa para sa pagbebenta ng mga produkto
para sa isang negosyo. Layunin nito ang mabigyan ng
impormasyon ang mga mamimili tungkol sa mga:
• benepisyo, katangian, gamit, estilo, at presyo. Mahalaga ang
deskripsiyon ng isang produkto upang maipakitasa mga
mamimili na ang produkto ay akma sa kanilang
pangangailangan.

• Nakalagay rin ang mga espesipikong gamit na


kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang
bagay bago ang mga hakbang sa paggawa. Maaari ding
maglagay ng mga larawan para sa bawat hakbang
upang makita nang mambabasa ang dapat na kalabasan
sa bawat proseso. Marapat lamang na sundin ang mga
ito upang hindi magkamali at maging angkop ang
kinalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang
dokumentasyon ng mga ito upang higit na maging
madali para sa mga tao ang sumunod sa mga hakbang
na nakasaad dito.
2
• Sadyang mahalaga ang wasto at sapat na pagpapakilala at
pagbibigaykatangian sa isang produkto o serbisyo bago ito tangkilin ng
isang mamimili. Tiyak, wasto, at makatotohanan ang inaasahang
Deskripsiyon sa isang produkto.
• Marapat ding madali itong maunawaan ng mga mamimili sapagkat ito
ang maaaring magtakda kung ito ba ay tatangkilikin o hindi. Nakatutulong
din ito upang mailahad kung ano ang katangi-tangi o kaya nama’y
limitasyon ng isang bagay, gayundin kung paano ito gagamitin nang tama.

• Nakalagay rin ang mga espesipikong gamit


na kinakailangan upang mabuo at magawa
ang isang bagay bago ang mga hakbang sa
paggawa. Maaari ding maglagay ng mga
larawan para sa bawat hakbang upang
makita nang mambabasa ang dapat na
kalabasan sa bawat proseso.
20XX Pitch deck title 3
• ang dokumentasyon naman ng isang produkto ay isa
ring maikling sulatin na sadyang ginagawa upang
maging gabay kung paano gagawin ang isang bagay
o produkto upang maging maayos ang resulta at
maging kaayaa-aya at talagang may magandang
kalalabasan sa gagawing produkto.

• Ito ay isang pagkakasunod-sunod sa mga hakbang


sa paggawa. Tinatawag rin itong proseso sa
paggawa. Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang
produkto ay nagtataglay ng mga kakailanganin,
hakbang o prosesso ng paggawa. Isulat ito upang
maging gabay sa kung paano gawin o buuhin ang
isang bagay o produkto.
BATAY SA MGA BABASAHIN, TATALAKAYIN
ANG MGA KALIMITANG NILALAMAN NG ISANG
DESKRIPSIYON NG PRODUKTO:

1. DETALYADONG PAGLALARAWAN SA PRODUKTO NA


NAKABATAY SA MGA PANDAMA

2. ESPESIPIKONG PAGBANGGIT SA MGA KATANGIAN NG


MGA PRODUKTO NA MAAARING SUMAGOT SA MGA
KARANIWANG TANONG KATULAD NG:

 ANO ANG MGA KATANGIAN NG PRODUKTO?


 SAAN NABIBILI ANG PRODUKTO?
 KAILAN MAAARING MAGAMIT ANG PRODUKTO?
 SINO ANG MAAARING GUMAMIT SA PRODUKTO?

20XX Pitch deck title 9


1. ANG DESKRIPSIYON NG PRODUKTO AY NAGTATAGLAY NG
PAGLALARAWAN SA ISANG PRODUKTO.

2. SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON NG PRODUKTO,


MAHALAGANG PANATILIHIN ANG PAGIGING TIYAK SA MGA
KATANGIANG ILALAHAD SA DESKRIPSIYON.

3. MAHALAGA RING PANATILIHIN ANG PAGIGING PAYAK, TIYAK,


MAKATOTOHANAN, AT AKMA SA AKTUWAL
NA PRODUKTO ANG PAGKAKABUO NG DESKRIPSIYON NITO
UPANG MAIWASAN ANG KALITUHAN NG MAMBABASA.

4. KALIMITANG BINUBUO ANG DESKRIPSIYON NG TUWIRAN AT


DETALYADONG PAGLALARAWAN SA MGA PRODUKTONG
INAASAHAN NG MGA IBIG BUMILI O GUMAMIT NITO.

5. PORMAL ANG PAGGAMIT NG WIKA SA PAGSUSULAT NG


DESKRIPSIYON NG PRODUKTO AT MAAARING KAKITAAN NG
MGA SALITANG TEKNIKAL NA KINAKAILANGAN SA ISANG
PARTIKULAR NA TRABAHO.

20XX Pitch deck title 10


MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON AT
DOKUMENTASYON NG ISANG PRODUKTO SA PAGSULAT O PAGGAWA NG ISANG
DESKRIPSIYON NG ISANG PRODUKTO MAHALAGA ANG MGA SUMUSUNOD:

• Gagamit ng pandama upang higit na maipahayag ang paglalarawan sa


epektibong paraan.
 Ang isang deskripsiyon ay nagtataglay ng paglalarawan ng isang produkto.
 Mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa mga katangiang ilalahad ng
deskripsiyon.
Panatilihin ang pagiging payak, tiyak, makatotohanan at akma sa aktuwal
na produkto ang pagkabuo ng deskripsiyon upang maiwasan ang pagkalito
ng mga mambabasa.
Tuwid at detalyadong paglalarawan sa mga produkto.
Pormal angpaggamit sa wika at pagsusulat ng deskripsiyon ng isang
produkto. Maaaring kakitaan ito ng mga salitang teknikal na kinakailangan sa
isang particular na larangan o trabaho.

20XX Pitch deck title 11


SA PAGSULAT AT PAGGAWA NG ISANG DOKUMENTASYON NG ISANG
PRODUKTO MAHALAGA ANG MGA SUMUSUNOD:

Mahalagang panatilihin ang kronolohiya sa mga hakbang sa paggawa ng


isang bagay upang makapaghatid ng isang tamang impormasyon sa mga
mambabasa.

Maaari ring maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na
anyo ng produkttong ginagawa’

Upang hindi magkamali sa isang bagay napakahalaga ang pagsunod sa mga


hakbang na nasa dokumentasyon.

Pormal ang paggamit ng wika sa pagsulat ng dokumentasyon.

Inaasahang malinaw, payak, at tiyak ang pagkasulat ng mga hakbang upang


maging madali ang pag-unawa sa mga susunod ng mga hakbang o sa mga
mambabasa.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG DESKRIPSIYON AT
DOKUMENTASYON NG ISANG BAGAY O PRODUKTO
1. Karaniwan ang Deskripsiyon ng isang produkto ay isang maikling talata
lamang.

2. Maari ring gagamit ng bullet lists sa pagsulat.

3. Maikli lamang ang deskripsiyon.

4. Sa ikli nito, kailangang masabi ang mga kailangang ilarawan ng isang produkto.

5. Alamin ang target na mga gagamit dahil sila ang direktang kakausapin.

20XX Pitch deck title 13


FEASIBILITY
STUDY AT
NARATIBONG
ULAT

20XX Pitch deck title 14


BAGO TULUYANG LUMIKHA NG ISANG NEGOSYO O
PROYEKTO, NAGSASAGAWA MUNA NG FEASIBILITY
STUDY ANG MGA TAGAPAGTAGUYOD NITO.
NAKATUTULONG ITO UPANG MATIYAK ANG POSIBILIDAD
NA MAISAKATUPARAN ANG ISANG PLANONG GAWAIN.
KOMPREHENSIBO ANG GANITONG URI NG PAG-AARAL,
KATULAD NG IBANG PANANALIKSIK AT PORMAL ANG
PAGGAMIT NG MGA SALITA.MAY MGA ESPESIPIKONG
BAHAGI ANG ISANG FEASIBILITY STUDY, KATULAD NA
LAMANG NG PAMAGAT, PANGALAN NG GUMAWA,
ABSTRAK, BUOD O EXECUTIVE SUMMARY, PANIMULANG
PAGTALAKAY SA KALIKASAN NG PAKSA,
METODOLOHIYA, SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-
AARAL, PRESENTASYON AT PAGTALAKAY SA MGA
DETALYE AT DATOS NG PROYEKTO, GAYUNDIN ANG
RESULTA AT REKOMENDASYON

20XX Pitch deck title 15


KUNG TITINGNAN ANG MGA HALIMBAWA NG
FEASIBILITY STUDY, MATATAGPUAN DITO ANG MGA
SALITANG TEKNIKAL NA MAY KINALAMAN SA PROYEKTO
O PANGUNAHING PAKSANG GINAGAWAN NG PAG-AARAL.
KALIMITAN ITONG GINAGAMIT SA PAGNENEGOSYO O
KAYA’Y SA MGA PANANALIKSIK NA MAY KINALAMAN SA
AGHAM AT TEKNOLOHIYA, INHENYERIYA AT IBA PANG
KATULAD NA MGA LARANGAN. DAGDAG PA RITO,
DETALYADO ANG PAGTALAKAY SA MGA IMPORMASYONG
NILALAMAN NG ISANG FEASIBILITY STUDY DAHIL
NAKATUTULONG ITO UPANG MAKINITA ANG
KAHIHINATNAN NG ISANG NEGOSYO O GAWAIN.
KARANIWAN DING NILALAKIPAN NG MGA APENDISE ANG
GANITONG SULATIN UPANG LALO PANG MAGING
MALAMAN ANG ISANG FEASIBILITY STUDY

20XX Pitch deck title 16


SAMANTALA, NAKABABASA RIN TAYO NG MGA
NARATIBONG ULAT (NARRATIVE REPORT). MULA SA
PANGALAN NITO, ITO AY ISANG ULAT SA PARAANG
NARATIBO O PASALAYSAY. KADALASANG MAKAKAKITA
NG NARRATIVE REPORT MULA SA IBA’T IBANG AHENSIYA
O KOMPANYA NA NAGBUBUO NG MGA ULAT HINGGIL SA
ISANG GAWAIN O KAYA’Y MAHALAGANG PANGYAYARI SA
ISANG ORGANISASYON O INSTITUSYON. DAHIL
NARATIBO ANG PAGBUO NITO, MAHALAGA ANG
KRONOLOHIYA UPANG HIGIT NA MAKITA ANG KAISAHAN,
KAUGNAYAN, AT LOHIKA NG MGA PANGYAYARI. MAAARI
DIN NITONG LAMANIN ANG MGA NAKAMIT,
NAPAGTAGUMPAYAN, GAYUNDIN ANG NAGING
KALAKASAN O KAHINAAN NG ISANG AHENSIYA O
SAMAHAN. MAKATUTULONG DIN ANG GANITONG URI NG
ULAT AT DOKUMENTASYON BILANG SANGGUNIAN PARA
SA MGA GAWAIN AT TUNGUHIN NG INSTITUSYON SA
HINAHARAP.

20XX Pitch deck title 17


20XX Pitch deck title 18
20XX Pitch deck title 19
20XX Pitch deck title 20
20XX Pitch deck title 21
20XX Pitch deck title 22
20XX Pitch deck title 23
20XX Pitch deck title 24
20XX Pitch deck title 25
20XX Pitch deck title 26
20XX Pitch deck title 27
20XX Pitch deck title 28
20XX Pitch deck title 29
20XX Pitch deck title 30

You might also like