You are on page 1of 6

FILIPINO 9

KUWARTER 1, LINGGO 8

Lingguhang Pilyego Ng Mga Gawaing Pampagkatuto


PAGSAGAWA NG SARBEY

Pangalan: __________________________________________ Seksiyon: _________


Paaralan: ___________________________________________ Petsa: _____________

Kasanayang Pampagkatuto:

Naibabahagi ang sariling pananaw sa resulta ng isinagawang sarbey tungkol sa


tanong na: “Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong
nagustuhan?” F9PB-Ii-j-44

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakasusulat ng isang paglalahat sa mga natutuhan sa buong modyul;


2. Nakabubuo ng isang malikhaing panghihikayat kung alin sa babasahin ng
Timog-Silangang Asya ang lubos na nagustuhan;
3. Naipapakita ang inaaasahang produkto o pagganap para sa gagawing
pagmamarka.

Batayang Konsepto:
Ang sarbey ay isang mabisang paraan ng pagpapakita ng pangkalahatang
pananaw, opinyon, prinsipyo, paninindigan, kalagayan, saksi, lawak o
kalagayan ng partikular na bagay o kaisipan. Ito ay malaking tulong upang
makapagtipon ng mga impormasyon kaugnay ng mga nabanggit.

Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Sarbey

•Gumawa ng listing ng mga tanong, pagkatapos ay muling ayusin


at pinuhin ang itinalang mga angkop na tanong para sa gagamitin
Una sa sarbey

•Pagtukoy kung sino at saan gagawin ang pagsasarbey.


Siguraduhing ang mga sasagot sa sarbey ay may sapat na
Ikalawa kaalaman sa paksa.

•Kunin ang resulta ng sarbey at suriin o bigyang-kahulugan ang


nalikom na datos. Kailangang maging matapat sa pagbibigay-
kahulugan sa mga datos at huwag paiiralin ang sariling
Ikatlo damdamin, palagay o kuro-kuro.

•Kapag nasuri na ang kahulugan ng sarbey ay bumuo ng


kongklusyon mula rito. Maaaring bumuo ng talahanayan, tsart at
Ikaapat grap na makapagpapatibay sa nabuong kongklusyon.

1
Narito ang isang halimbawa ng sarbey.

https://www.slideshare.net/Kate_JRG/survey-in-filipino-ii?next_slideshow=1(June 29, 2021)

Mahalagang maging magalang at maingat sa pagsasagawa ng sarbey. Bigyan ng


konsiderasyon ang mga taong pasasagutin. Siguraduhing hindi ito kukuha ng
malaking oras nila lalo na’t hindi ka nagtakda ng oras para sa kanilang pagsagot.

Gawain 1. Tanong Ko…Sagutin Mo!

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano-ano ang mga bagay na ginagawan ng sarbey?


2. Sino ang maaaring magsagawa ng pagsasarbey?
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat tandaan kapag nagsasagawa ng sarbey?
4. Ano-ano naman ang mga bagay na dapat iwasan kapag gumagawa nito?
5. Paano mo masasabing isang pakinabang ang pagsasarbey?
6. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang nagsasarbey? Isa-
isahin ang mga ito.
7. Bakit kailangang maging tapat sa pagsasagawa at pagpapakahulugan ng
sarbey na ginawa?
8. Sa iyong palagay, mahirap bang magsarbey? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 2. Naaalala Mo Ba?

Panuto: Pumili ng limang respondente mula sa iyong pamilya o mga kaibigan at


isagawa ang sarbey gamit ang mga katanungan sa ibaba.

2
Pangalan (Optional):_____________________________ Edad:____________
Address:_________________________________________ Kasarian: ______________

1. Naaalala mo pa ba ang pamagat ng mga babasahing ito? (magbanggit ng kahit isa o


dalawang pamagat lamang)
Oo Hindi Pamagat:____________________

2. Saang partikular na bansa sa Timog-Silangang Asya ito nagmula?

3. Alin sa mga babasahin ng Timog-Silangang Asya ang iyong nagustuhan?


Ipaliwanag.

4. Paano mo nalaman o nabasa ang mga babasahing ito?

5. Anong naidulot sa iyo ng nasabing babasahin?

Gawain 3: Interpretasyon mula sa Datos na Nalikom.


Panuto: Pagkatapos maisagawa ang sarbey, susuriin ang resulta at bibigyang-
kahulugan ang mga nalikom na datos. Maaaring gumamit ng graph, o tsart sa
paglalahad ng resulta.

Resulta at Kahulugan ng Datos


________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_

3
Repleksiyon:

Panuto: Bumuo ng isang kasabihan na halaw sa iyong natutunan mula sa mga


aralin o akda ng Timog-Silangang Asya na maaari mong ibahagi sa iyong mga
kaibigan. Maaari mo itong i-post sa pamamagitan ng “memes” sa iyong facebook
account.

Sundin ang mga sumusunod na pamantayan.


Rubriks sa Pagsagawa ng Kasabihan

PAMANTAYAN 5 4 3 2 1 Nakuhang Puntos

Nagpapahayag ng mga aral o


kagandahang-asal
Mabisa ang paggamit ng mga salitang
ginamit sa pagpapahiwatig
Sumasalamin sa buhay at magagamit
na gabay sa araw-araw na pamumuhay
Kabuuang Puntos

Interpretasyon:
Napakahusay 11 - 15 Puntos
Mahusay 6 - 10 Puntos
Nangangailangan pa ng pag-unlad 1 - 5 Puntos

4
Susi ng Pagwawasto:

Sanggunian

MELCS 2020-2021- pahina 177-179


Dayag, Alma M. et al. (2019), Pinagyamang Pluma 9. Phoenix Publishing House
Inc., Quezon City

Internet

http://bnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/FIL9Q1MOD26-
FINAL.pdf (June 14, 2021)
https://www.slideshare.net/Kate_JRG/survey-in-filipino-ii?next_slideshow=1(June
29, 2021)

Manunulat: CYRIL CHARM T. CALO


Paaralan: GUINABSAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Sangay: AGUSAN DEL NORTE
email address: agusan.norte@deped.gov.ph

You might also like