You are on page 1of 2

Belmark Ray Nalugon

1IT2
Fil1
10/01/2014

Talambuhay
Ako si Belmark Ray S. Nalugon. Ipinanganak sa
isang
maginaw at maunalan na gabi noong Enero 10,1994. Sa
isang
Maternity clinic dito sa syudad ng tagum ako pinanganak.
Ako po
ngayon ay nakatira sa Teachers Village, Baranggay Magugpo South, dito po sa syudad
ng Tagum. Kasama ko po dito ang aking mga magulang at kapatid. Unahin po muna
natin ang aking mga magulang. Ang aking ama na si Martin Nalugon ay isang
negosyante at isang masipag at napakabuting ama. Ang aking ina na si Belinda
Nalugon ay isang simpleng maybahay, siya po ay maasikaso sa aming lahat. Meron po
akong dalawang nakakabatang kapatid. Una ay si Kate Nalugon, siya po ay magaling
tumugtog ng Piano at guitara. Pangalawa po ay si Martin Nalugon Jr.Siya po ay
bihasa sa pagtugtog ng Octabina at aktibong tumutugtog sa mga kompitisyon kasama
ang kanyang mga ka-gropo. Ako lang po sa aming tatlong mag-kakapatid ang hindi
marunong tumugtog ng kung anong instrumento.
Magkaganunpaman mahal na mahal ko po ang aking mga kapatid at mga
magulang. At positibo rin po ako na gagaling rin ako sa larangan nga musika. Mahilig po
akong gumawa ng kung ano-anong desenyo basta ito ay ginagawa gamit ang
kompyuter. Hilig ko rin po ang pag-lalaro ng video games at panunuod ng Anime.
Ang pinaka paborito kong anime ay ang Sakurasou no Pet na Kanojo o sa wikang
ingles ay The Pet Girl of Sakurasou. Paborito ko rin ang pagkain ng adobo, Kalamay,
at kilawin. Ang pinaka paborito kong libangan ang pananaliksik kung paano ginagawa
ang mga Anime at Video games. Makikita po natin sa aking mga hilig at libangan ko
na palagi akong nakaharap at kapiling ang aking kompyuter. Habang yung ibang
kasing-edad ko ay kung saan-saan na nag-lalakwatsa. Ito po ay dahil wala akong
makitang magandang dahilan upang mag lakwatsa. Mas gugustuhin ko pang magkulong sa aking kwarto kaysa mag lakwatsa. Aksaya lang po ito ng oras at pera.

Pangarap ko pong mag-aral ng game design and development at


digital arts sa Japan. Doon po kasi moderno ang mga pasilidad at
pamaraan na ginagamit nila. Praktikal at nakapokus ang mga
tinuturo nila sa kung ano ang kailangan mo upang maging
matagumpay as korso na iyong pinili. Ito ang dahilan kung bakit
kilala sila sa larangan ng Entertainment. Ambisyon ko pong
maging Game designer. Dapat makamit ko ang mga ito at makapag
trabaho sa isang sikat na kompanya na gumagawa ng Video games. Sa
pamamagitan ng pag-sisikap pag-kukulong sa kwarto, pananaliksik at paghasa ng sarili sa mga gwaing ito, dinadalanggin ko na makamit
ko ang aking mga ambisyon at pangarap.

You might also like