You are on page 1of 1

Lino and Jeany

Dumating na kayo sa punto ng buhay na tinahak niyo na ang


pinakamatapang na gagawin ng isang tao, ang magpakasal. Kumbaga sa
laro, sa lalake, GAME OVER ka na. Pero START GAME ulit sa panibagong
buhay na kasama ang iyong taong minamahal. Dito, 2 Players na. Sa
bawat laro ninyong dalawa, may mga stages na yang tinatawag. Sa una
madali, tapos, habang tumatagal, pahirap ng pahirap dahil sa dami ng
balakid sa buhay. Pero makakayanan niyo ito kasi dalawa kayong
magtutulong dito. Syempre nasa technology age na tayo, kaya dapat,
ikumpara ito sa laro o teknolohiya na meron tayo ngayon. Para mas
madaling maintindihan ng mga mas bata sa atin dito. Ito ang
pinakamatapang na gagawin ng lalake sa buhay niya, ang magpagapos
ng relasyon dahil nakita na niya, nakuntento na siya, at nasabi niya sa
sarili niyang “Ito na nga ang Reyna ng aking buhay!”. Sa babae naman,
ito ang pinakamatinding desisyon na sasagutin niya. Kumbaga sa test
paper, Yes or No na lang, o kaya naman True or False. Kaso nahihirapan
pa. Kailangan muna kasi rebyuhin para tama ang sagot. Baka kasi sa
oras na mali ang sagot, habangbuhay niya itong pagsisihan. At sa oras
na magka-anak kayo, ikwento niyo kung paano kasaya magmahal,
turuan sila ng magagandang asal, at higit, sa lahat palakihin sila na may
takot sa Diyos. Kaya sa inyong dalawang bagong kasal, alagaan niyong
dalawa ang isa’t-isa, mahalin ang isat-isa, at intindihin ang kahinaan ng
bawat isa. Kayo ang magsisilbing sandalan ng bawat isa sa oras ng
problema. Pinasok niyo ang mundo ng mag-asawa dahil alam ninyo sa
mga sarili ninyo na “kaya ko na”. Laging ninyong tatandaan, normal sa
mag-asawa ang may problema, kaya solusyunan agad ito hangga’t
maari. Normal lang sa mag-asawa ‘yan. Kaya sa bagong kasal. Mabuhay
kayong dalawa at maging maligaya. Lino and Jeany, Goodluck!
Matinding responsibilidad ‘yan! Pero alam kong kaya nyo ‘yang dalawa!
Again Congratulations and best wishes to both of you.

You might also like