You are on page 1of 2

Lana Somera | ABM 211 Argumentatibong Sanaysay | Hunyo 17, 2022

“Ayaw ko Sa Lahat ng Lalaki”

“I hate all men” o ayaw ko sa lahat ng lalaki ang isang kasabihan na pinaguugnay sa

feminismo. Kapag nilutas ang salitang feminismo, maaring puro negatibo na mapanakit sa

kalalakihan ang mga mauugnay ng karamihan dito. Hindi maikakaila na ang feminismo ay

maraming mga maling akala at mga negatibong pananaw, ngunit ito ay isang kilusan na

nakatulong sa maraming kababaihan at dapat malaman ng lahat na hindi ito nakakataas sa

lalaki, hindi lamang nakakatulong sa babae, at hindi negatibo at nakaka-korupt ng pagiisip.

Unang-una, ang feminismo ay hindi patungkol sa pagiisip na ang mga babae ay

masnakakataas sa mga lalaki. Ang feminismo ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng

lahat ng kasarian. Ayon sa merriam-webster, Feminismo ay ang “adbokasiya na naniniwala sa

pagkapantay-pantay ng mga kasarian,” (Feminism, n.d.). Hindi rin nakakataas ang mga babae

sa lipunan sapagkat ang mga lalaki ang tumayo sa taas, at ang mga babae ang nawalan ng

pagkakataon. Ang tawag sa dinamika na ito ay patriarchy o sistema ng mga ugnayang

pampulitika, panlipunan, at pang-ekonomiya… na pabor sa lipunan na nakakataas ang

kalalkihan,” (C.J. Nash, 2009). Hindi rin nakakataas ang babae sa lipunan dahil maraming

napinsala na kababaihan sapagkat sila ay hindi itinuturing kapantay ng kalalakihan. Batay sa

isang artikulo, ang mga babae ay namomoblema sa karahasan, hindi pantay na sahod,

diskriminasyon, at kulang sa representasyon sa lipunan, (UN Women, 2020).

Pangalawa, ang feminismo ay hindi para lamang sa mg kababaihan at hindi sila lamang

ang nakikinabang dito. Ang feminismo ay para sa kapantayan ng lahat, at kasama ang mga

kalalakihan at ibang kasarian. Ito rin ay nagtataguyod ng kaisipan na kung ano ang para sa

lalaki ay pwede rin sa babae, at itong ideya na ito ay maaaring isabuhay ng mga kalalakihan.

Galing sa sipi ni Hooks, “kapag tinanggap ng mga lalaki ang feminism…ang emosyonal na

kalusugan nila ay masaayos,” (nextgenmen.ca, 2022). Tangi sa roon, ang feminismo ay

nagbibigay ng pagkakataon ang mga babae na maipakita ang kanilang mga kakayahan, at ang
Lana Somera | ABM 211 Argumentatibong Sanaysay | Hunyo 17, 2022

lipunan ay nakikinabang dito. Ayon sa Britannica, “ang feminism ay nakatulong magbigay

oportunidad sa mga babae sa edukasyon, sa pagboto, sa pagdesisyon sa sarili at

nakapagbigay rin ng laban sa diskriminisyon,” (Brunell, n.d.).

Pangatlo, ang feminismo ay hindi isang negatibong kilusan na nakakapahamak sa

lipunan at nakaka-korupt ng isipan ng mga sumasangayon. Maraming kababaihan na

nahihirapan mamuhay sa lipunan, at ang feminismo ay nakakagawa ng pagbabago sa lipunan

upang hindi mapahamak at maapi ang mga kababaihan. Maliban roon, ang pagiintindi sa

kilusan na feminismo ay nakakapag lawak ng isipan. Batay sa isang artikulo, “ang kamalayan

sa feminismo ay nagpausbong din ng kamalayan sa ibang isyu sa lahi, klase, kasarian, at

oryentasyon pangseskswal,” (Council of Europe, n.d.).

Sa pangkalahatan, ang mga negatibong pananaw sa feminismo katulad ng mataas na

tingin sa babae, eksklusibo lang sa mga babae ang maitutulong ng feminismo, at negatibo at

nakaka-korupt ng pagiisip ito ay napatunayan ng mga nabibilang na ebidensya. Mainam na

malaman ng karamihan na ang feminismo ay nakakabuti sa lipunan.

Sanggunian:
feminism. (n.d.). The Merriam-Webster.Com Dictionary.
https://www.merriam-webster.com/dictionary/feminism
Nash, C.J. (2009). Patriarchy. ScienceDirect.com. https://www.sciencedirect.com/topics/social-
sciences/patriarchy

Six women’s issues explained with emojis. (2020, July 17). UN Women’s Headquarters.
https://www.unwomen.org/en/news/stories/2020/7/compilation-womens-issues-
explained-with-emojis
Admin, N. G. M. (2022, April 1). Why Men’s Relationships Benefit from Feminism. Next Gen
Men. https://www.nextgenmen.ca/blog/mens-relationships-benefit-from-feminism
Brunell, L. (n.d.). feminism - The suffrage movement. Encyclopedia Britannica.
https://www.britannica.com/topic/feminism/The-suffrage-movement
Council of Europe. (n.d.). Feminism and Women’s Rights Movements. Gender Matters.
https://www.coe.int/en/web/gender-matters/feminism-and-women-s-rights-movements

You might also like