You are on page 1of 16

Peminismo /

FEMINISMO
Ang feminismo ay isang paniniwala o paninindigan na nagtataguyod sa
pantay na karapatan ng kababaihan at kalalakihan sa larang ng lipunan,
kabuhayan, at politika. Ito ay higit na naipahahayag sa pamamagitan ng
mga organisadong gawain na nagtataguyod sa interes ng kababaihan.
Tinatawag na feminista ang taong nagtataguyod ng feminismo. [1]
Ang feminismo ay mauugat sa simula ng sibilisasyon kung saan ang
kababaihan ay nakararanas noon pa man ng matitinding pagsubok sa loob at
labas ng kanilang pamamahay o komunidad. Ang estruktura ng lipunan
kung saan umiiral ang patriyarka (lalaki o ama ang namamahala sa isang
angkan o tribu) at ang mga taong lumikha nito ang sanhi ng hindi pantay na
trato sa pagitan ng kasarian, lahi, uring panlipunan, relihiyon, etnisidad, at
iba pang pagkakaiba-iba ng bawat inidbidwal. [2
Ang peminismo ay pagtitipon ng mga kilusan at mga
kaisipan na layunin ang magtakda, magtatag, at
maipagtanggol ang pantay na pampulitika, pangkabuhayan,
pangkultural, at panlipunang mga karapatan para sa mga
kababaihan. Nabibilang dito ang pagtatatag ng pantay na
mga pagkakataon para sa mga kababaihan sa edukasyon at
sa paghahanap-buhay. Ang isang peminista ay tumataguyod
o sumusuporta sa mga karapatan at sa pagkakapantay-
pantay ng mga kababaihan.
Ang peministang teorya, na lumitaw mula sa mga peministang
kilusan, ay lumalayong maunawaan ang pinagmulan ng hindi
pagkakapantay-pantay ng kasarian sa pamamagitan ng pagsuri sa
mga panlipunang tungkulin at natamong karanasan ng isang
babae; ito ay mga teorya sa samu’t saring mga sangay upang
matugunan ang mga suliranin tulad ng panlipunang
konstruksiyon ng kasarian. Ilan sa mga naunang anyo ng
peminismo ay pinuna dahil sa pagsasaalang-alang lamang sa mga
puti, nakaririwasa, at nakapag-aaral. Humantong ito sa
pagkakabuo ng tiyak na pang-etniko o multiculturalist na mga
anyo ng peminismo.
Ang mga peministang aktibista ay nagkakampanya para sa mga karapatan ng mga kababaihan –
tulad ng sa contract law, sa pag-ari, at sa pagboto – habang itinataguyod din ang mga karapatang
pang-integridad, pangpagsasarili, at pang-reproductive para sa mga kababaihan. Nabago ng mga
kampanyang peminismo ang mga lipunan, lalo na sa Kanluran, sa pagkakamit ng karapatang
bumoto para sa mga kababaihan, pagkakapantay-pantay ng kasarian sa mga tiga-Inglatera, pantay
na sahod para sa mga kababaihan, mga karapatang pang-reproductive para sa mga kababaihan
(kasama na ang pagkamit ng mga contraceptive at ng pagpapalaglag), at ang karapatang
makapagsagawa ng mga kasunduan at makapakaroon ng ari-arian. Ipinagtanggol ng mga peminista
ang mga kababaihan mula sa karahasan sa tahanan, sekswal na panggigipit, at paggagahasa.
Ipinagtaguyod din nila ang karapatan sa pinagtatrabahuhan, kasama na ang maternity leave, at
nilabanan ang mga anyo ng diskriminasyon laban sa mga babae.
Ang peminismo ay nakatutok, higit sa lahat, sa mga suliranin ng mga kababaihan, ngunit hamon
naman ng manunulat na si bell hooks, dahil layunin ng peminismo ang pagkakapantay-pantay ng
kasarian, kinakailangan na dapat din maisama ang pagpapalaya sa mga kalalakihan sapagkat
nasasaktan din sila ng sexism at gender roles.
Mga kahulugan

Kaugnay ng mga feminista o makababae (makapangkababaihan),
tumutukoy ang feminismo sa simulaing naghahangad ng pantay o parehas na
karapatan para sa mga babae.[1] Ito rin ang pagtangkilik o kilusang
tumatangkilik ng mga karapatan ng mga kababaihan.
Kasaysayan

Hinati ng mga feminista at mga iskolar ang kasaysayan ng kilusan


sa tatlo. Ang una ay tumutukoy sa mga kilusan ng mga kababaihan
na bumoto noong ikalabinsiyam at unang bahagi ng
ikadalawampung siglo. Ang ikalawa ay tumutukoy sa mga ideya at
aksiyong may kaugnayan sa kilusan ng mga kababaihanng
kalayaan simula noon dekada sisenta (na nagkampanya para sa
legal at panlipunang pagkakapantay-pantay para sa
mgakababaihan). Ang ikatlo ay tumutukoy sa pagpapatuloy at
reaksiyon sa malinaw na pagkabigo ng ikalawang kilusan ng
peminismo simula sa dekada nobenta.
Halimbawa, ang sinaunang lipunang Romano ay nahahati sa dalawang uri
—ang patrician at ang plebeian. Ang mga patrician ay itinuturing na
pinakamataas na uring panlipunan o ang mga kasapi ng aristrokrasya. Ang
mga plebeian naman ay mga karaniwang mamamayan na nagmula sa uring
manggagawa at hindi nakapag-aral. Pamilya naman ang pinakamahalagang
bahagi ng lipunang Romano. Patriyarka o ang pinakamatandang lalaki na
kasapi ng angkan ang itinuturing na pinakamakapangyarihan. Siya ang
nagdedesisyon para sa ikabubuti ng kaniyang sambahayan. Ang anak na
lalaki ang inaasahang tagapagmana ng kung anuman ang maiiwan ng
kaniyang ama. Dahil patriyarka, hindi gaanong nabibigyan ng
pagkakakilanlan ang kababaihang Romano. Gayunman, kung ang isang
babae ay isang patrician, higit pa rin siyang nakaaangat sa kababaihang
plebeian.
Ang peminismo ay hinati sa
apat na yugto o wave
Ang first wave ay nagsimula ito sa katapusan ng ika-19 siglo at nagtagal
hanggang sa simula ng ika-20 siglo kung saan ang kababaihan ay
lumaban para sa kanilang karapatan na bumoto at ang kanilang
karapatan na pumasok sa politika upang magkaroon ng mga reporma na
lulutas sa mga isyu hinggil sa seksuwal, katayuan sa pamilya,
reproduksiyon, at ekonomiya. Ang mga babaeng organisadong
nagprotesta sa mga lansangan upang marinig ang kanilang mga hinaing
ay tinatawag na “suffragette.”
Ang second wave, na tumagal mula dekada 1960 hanggang 1989, ay
sumaksi sa malawakang panawagan at protesta ng mga feminista
mula sa pagtutol sa mga digmaan at pagsusulong ng mga karapatang
sibil hanggang sa pagrepresenta at pagbuo ng mga alyansa ng mga
grupo ng mga bakla at tomboy. Sa mga panahong ito, marami na ang
tumutuligsa sa kapitalismo, patriyarka,
at heteronormativity (paniniwala na ang babae ay para sa lalaki at ang
lalaki ay para sa babae lamang).
Ang third wave ay nagsimula noong dekada 1990 kung saan
tinutuligsa ang sapantaha na ang pagiging babae o pagkababae ay
universal. Ipinaglalaban dito na ang may pagkakaiba-iba pa rin sa
pagitan ng mga babae, mas lumawak at dumami ang perspektibo,
at binibigyan ng kalayaan ang kababaihan na bigyan ng sariling
kahulugan ang kagandahan. Maraming kababaihan, na may iba’t
ibang kulay at kasapi ng LGBTQIA+ community ang lumadlad at
nagkaroon ng mga oportunidad.
Ang fourth wave ay digital. Pinalalaganap sa Internet ang iba’t
ibang hashtag at walang takot na paglalahad upang maipalaganap
ang mga kampanyang magsusulong sa feminismo. Ang
kababaihan ay hinihikayat na magsalita, kumilos, at tulungan ang
isa’t isa para sa kapakanan ng bawat isa. Kilala rin ang fourth
wave na ito sa sex and body positivity at pagkakaroon ng mas
ligtas na espasyo sa mga may itim na balat at sa mga miyembro
ng LGBTQIA+ community.
Unang Feminsitang Grupo sa Pilipinas

Sa Pilipinas, kinikilala ang Asociacion Feminista Filipina bilang


kauna-unahang samahan ng kababaihan na nagtataguyod sa
makalipunang kapakanan ng kababaihan at paghihikayat sa mga
ito na makilahok sa mga panlipunang usapin. Naitatag ito noong
30 Hunyo 1905 sa Maynila sa pangunguna ni Concepcion Felix
de Calderon at sa pakikipagtulungan nina Trinidad Rizal,
Clemencia Lopez, Bonifacio Delgado De Barretto, Maria
Arevalo, Sofia Reyes, Helen Wilson, Paz Natividad, Maria de
Villamor, Teresa Solis, Agueda and Jacoba Paterno.
Ang Kwento ni Mabuti

Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento


mula sa punto de vista ng isa sa kanya ng mga estudyante.
Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod
dahil lahat ng kaniyang mga salita ay naglalaman ng mga kabutihan.
Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga sinasabi niya.
Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-
aklatan, nakita siya ni Mabuti at inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya
alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin nagkataon
lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang
umiyan rin
Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang
estudyante kahit na napaka babaw lamang ng iniiyak nito.
Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng
kaniyang buhay, liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga
pangarap ng kabutihan ang kaniyang anak, halata sa mga kwento niyang patungkol
dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.
wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang
dinadala ay patuloy pa rin ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay
patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng kalungkutan. 

You might also like