You are on page 1of 4

Ang Kabataan Bilang Tagapagmana ng Pilipinas

Isinulat ni Bb. Angela Vian I. Francisco

Natural na sa mga kabataan ngayon

Ang kumilatis ng panahon.

Mapa-chismis sa Facebook,

O mga nakasulat sa mga aklat.

Sa panahon ng teknolohiya,

Nahahasa ang mga bata.

Sa pag-usbong ng social media,

Tumatalim ang kanilang isipan at mata.

Litaw na sa plataporma

Ang aksyon ng mga bagong diwa.

Ukol sa mga balita

Na umiikot sa ating bansa.

Ayon sa mga kabataan,

Nasasalamin sa pananaw ng iba ang kanilang kaalaman.

Ang iba man ay malalim,

Samantalang ang iba ay mababaw.

Bukas ang mga bibig,

Isinisigaw ang hinanaing.

Mapa-agrikultura, edukasyon o medisina.

Hindi nakatakas pati ang politika.


Sabay-sabay na pinupunto,

Ang kamalian ng gobyerno.

May ilan mang hindi gusto ang aksyon na ganito,

Hindi sila puwedeng tawagin na “bobo”.

Pumirma ng petisyon kung saan,

Hindi puwedeng alisin ang kalayaan

Sa pagbatikos sa mga buwaya,

Na nagiging garapal para sa kwarta.

Petisyon para sa pangangalaga ng Inang Kalikasan,

Ipaglaban ang dahilan

Kung bakit maraming afam

Ang pumupunta sa ating bayan.

Ipaglaban ang pangangalaga sa agrikultura,

Ang Sierra Madre ay mawawasak na,

Patago itong sinisira,

Kapalit ng isang dam na Kaliwa.

Pagdating sa edukasyon naman,

#AcademicFreeze ang ipinaglalaban.

Ginawang trending ng kabataan,

Ngunit si Briones ay ‘di tinablan.

Mga nasa ilalim ng medisina,

Ay kitang binabalewala.

Mga nars at doktor ay nagkaisa,

Kasama ang mga kabataang may paki sa kanila.


Doon ay ibinahagi nang malakas,

Kung paano tratuhin ng nakatatatas.

Ang mga nagbubuwis ng buhay,

Upang ang mga positive ay hindi habangbuhay na humimlay.

Sa politika’y nahahati ang kabataan,

Para sa darating na halalan.

Pula ba o pink?

Saan ka papanig?

Sa pula ay sinasabing magnanakaw ang pamilya,

Nagdusa ang buong bansa dahil sa kanila.

#NeverForget at #NeverAgain

Sasailalim sa apelyido ni Blengblong.

Sa pink naman daw ay puro na lang lugaw,

Credentials ay hindi tinanggap ng mga utak-langaw.

Tuta raw ng mga dilaw,

Sinong hahawak sa kaniya kung halos lahat ay pumanaw?

Ngunit nandiyan naman ang mga kabataan,

Sa busog na busog sa kaalaman.

Naglalabas ng mga research sa Google o napag-aralan,

Na ang ilan naman ay katotohanan.

Ang dalawang panig ay patuloy na nagbabatuhan,

Ng mga gawa-gawang memes para ma-warshock ang kalaban.

Sa ngayon, ito ang estado ng batan-on sa bansa.


Magulo man, sa hinaharap nawa sila ay magkaisa.

You might also like