You are on page 1of 2

TOMAMBO, Czaryl Adrian T.

1ALM

Magandang umaga, 1ALM! Napakaganda talaga ng ating seksyon kung iisipin, ano? 1
tapos A, sama na rin natin yung LM—Batas? Sa seksyon pa lang halatang nangunguna na tayo sa
lahat ng aspeto, maganda iyon. Nakakatuwang isipin na sa kung anong kina-cutie ng size ko, ganon
naman ang kina—haba ng pang bungad ko, syempre cute pa rin ang napili kong paksa, ganda ‘no?
wala pa nga eh. Oo na, alam kong nababagot na kayo, kaya A-andito na ako para ihayag ang aking
saloobin. Pero bago pala ang lahat, mahalagang paalala alam ko na alam niyo na ako’y puro lang
patawa, pero pakiusap naman oh, seryosohin niyo ako, kasi seryoso ako na di ako seryoso.

Pero ito seryoso na—seryoso na, na hindi ito kagaya ng ibang talumpati na seryoso, na may
maidadagdag sa inyong kaalaman; pero masasabi ko na ang talumpating ito ay napapanahon at isa
sa mahalagang aspeto ng ating buhay. Wala talaga akong konkretong paksa, ang nakapaloob
lamang sa talumpati ko ay randomness, kasiyahan, at wordplays; pero di na masaya ‘yon pag nilaro
mo na ang iyong salita.

Sabi nila likas daw sa ating mga Pilipino ang pagiging mabait sa lahat ng aspeto, sa kahit
sino pang tao, subalit kilala rin naman na hindi nagpapatalo ang mga Pilipino, lalo na kapag sila’y
na-aagrabyado na o kapag di na tama ang ginagawa sa kanila—isang halimbawa na rito ay ang
pagsakop sa atin ng mga dayuhan. Sabi rin ng nakararami, tamad ang mga Pilipino, patunay na
tayo diyan, sali ko na rin sarili ko. Pero lahat naman tayo ay may angking talino, sadyang iba-iba
lang talaga ang lebel ng ating pagiging bihasa sa iba’t-ibang larangan, may magaling sa sports, sa
musika, sa pagguhit, sa pang-akademiko, at iba pa—multiple intelligence, kumbaga. Lahat naman
tayo ay may kakayahang maging mahusay kung gugustuhin. Hindi ko masasabing tama o mali ang
katagang “Hindi kasalanan ang maging mahirap, pero kasalanan na kapag namatay kang mahirap.”
unang-una hindi lahat nabibigyan ng sapat na pangangailangan at oportunidad—maaari itong isisi
sa ating gobyerno, ngunit hindi naman lahat ng problema dapat natin isisi sa gobyerno, hindi ba?
Bakit hindi na lang tayo mas magsumikap nang kapag umunlad ang bawat isa, kung saan darating
ang araw na may posibilidad na magkaroon tayo ng mga mas angkop at may kakayahang lider sa
ating pamahalaan. Likas din daw sa ating mga Pilipino ang pagkakaroon ng Crab Mentality kung
saan pag nakakaangat na ang isa ay pilit naman ibinababa nang iba, dahil sa kaisipang “kung ‘di
ko makuha, ‘di mo rin makukuha”, bakit di na lang tayo magtulungan tungo sa kaunlaran.
Sabi nga ni Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, bakit hindi natin ito
patatohanan, nang umunlad ang bayan. Huwag na natin i-asa ang kaunlaran sa iba, kumilos tayo
sa ating sarili. Kung hindi tayo magbabago ngayon—kalian? Kung ‘di tayo—sino? Itigil naman
na natin ang pagpapabukas—ang pagiging ningas kugon. Oo, nakasanayan na natin ang mga
kaugaliang ito. Pero may tanong ako—lahat ba ng ating mga nakasanayan ay tama? Kung hindi,
ay itigil na. Minsan maling isipin na may tama kang pag-iisip—kaya kailangan mo ng magpapayo
sayo, isama mo na ‘ko. Kaya tama lang ang kasabihan na “tawanan mo ang problema” pero mas
tama ang “solusyunan mo ang problema, nang mas makatawa ka pa sa huli”

Iyon lamang mga kaibigan, hirap maging seryoso sa buhay, ano, kung mapagbiro naman
ang tadhana. Pero kaya natin ‘to. Naniniwala ako na magiging maunlad tayo sa buhay. Kaya kita-
kita na lang sa korte—hindi sa kadahilanang may kaso tayo, kundi tayo’y maghaharap bilang
mahuhusay na abogado.

You might also like