You are on page 1of 2

“Ikaw? Saan ka Patungo?

Dito sa ating daigdig ang buhay ng isang tao ay parang hagdan lamang. Minsan tayo’ypaakyat kung
saan nauuna ang paghihirap bago pa makamit ang kaginhawaan, at pababa kung saanay nauuna ang
kaginhawaan patungo sa kahirapan kung saanika’y babagsak at habang buhay mongpagsisisihan ang
nagawang desisyon. Iisa lamang ang tanong ko, ikaw? Sa buhay mo, saan kapatungo? Isa
lamang ang sagot diyan, at dalawa lamang ang maaaring pagpilian iyon ay ang pataas opababa.

Kung ako ang papipiliin ay siyempre gusto kong pataas. Hindi na bale kung mahirapan manako sa una
basta’t alam ko na makakamit ko ang aking adhikain at ninanais sa buhay. Ang pagsubokay hindi
nawawala sa ating buhay, sapagkat tayo’y sinusubok lamang ng ating Panginoong lumikhaupang tayo’y
matuto at manalig sakanya. Siya ay lagi nating kaakibat sa lahat ng problema’t kahulilipang kanyang
pagmamahal sa atin.

Sa aking buhay ay marami na rin akong pinagdaanan at sigurado akong ikaw rin, diba?
Walang taong nabubuhay sa laging masayang pamumuhay, gaya nga ng sabi nila na ang buhay ng taoay
parang gulong minsan nasa ibabaw at minsan ay nasa ilalim ngunit nakadepende lang yan sa gustong
tao.

Wala ring taong perpekto, minsan nga’t tayo’y nadadapa at nawawalan ng pagasa
parabumangon muli, ngunit ang tanging lumikha ba sa atin ay nawawalan din ng pag-asa na
tayo’ymuling patawarin sa hindi na mabilang na naging kasalanan natin? Ang sagot sa tanong na iyan
ay,hindi. Basta’t tayo’y marunong humingi ng kapatawaran at magapatawad sa ating kapwa ay hinditayo
mawawalan ng pag-asa kapag tayo’y makakaranas ng matinding dagok sa buhay.

Malayo-layo na rin ang ating binabagtas, at marami-rami na rin ang ating natututunan atnaranasan
pero sapat na ba ito upang tayo’y mapagod sa hiram na buhay na ipinagkaloob sa atin?Kung marami na
tayong pinagdaanan sa buhay ay mas marami pa ang dapat nating maranasan atmararanasan pa.
Tanging ang lumikha lamang ang makakapagdesisyon kung kailan niya babawiinang buhay na ipinahiram
sa atin at wala tayong karapatan na magreklamo o mapagaod sa buhay namayroon tayo ngayon. Kung
nagsumikap ka ba naman ay hindi ka makakaranas ng matinding aghihirap sa buhay.

Sa aking hakbang pataas ay kaulayaw ko rin ang aking mahal na pamilya, sila ang mga unangtao na
sumoporta sa akin. Sila rin ang nagturo sa akin na manalig sa Panginoon sa oras
ngkasayahan,kalungkutan at kahirapan.

At sa aking paghakbang pataas para makamit ko ang aking pangarap at makapagtapos sa pag-aaral ay
dumaranas ako ng matinding pangungulila sa aking mga mahal sa buhay. Malayo man sila saakin ngunit
gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang sila’y aking mapasaya.

Habang pinagpapatuloy ko ang aking hakbang pataas ay marami pang tao ang nakapagpahinang aking
loob at nakapagpasakit ng aking damdamin. Ngunit hindi ako nawawalan ng pag-asa nalabanan ang mga
taong naging hadlang sa aking pinapangarap dahil alam kong iyon ay malalampasan ko. Lagi ko ring
pinapanalangin sa Panginoon na huwag akong pabayaan na malulong sa kahit anomang bisyo o
temptasyon sa buhay.

Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang tuluyan ko nang makamit ang aking adhikainsa buhay.
Kaya’t hanggang ngayon ay humahakbang pa rin ako pataas upang marating ko angliwanag
na naghihintay sa akin doon. Pipilitin kong hindi ako mahuhulog pababa dahil lamang sanaging mali kong
desisyon kung saan naroroon ang kadiliman at hindi ko mawari kung ano naroon samadilim na iyon.
Ngunit kung kagustuhan man ng Panginoon na ako’y mapupunta sa baba ay handaakong tanggapin
iyon. Dahil handa rin akong magsimula ulit ng panibagong hakbang paitaassapagkat alam ko
na mas maganda ang plano ng ating Panginoon kesa sa ating mga pinaplano sabuhay. Kailangan lang
nating manalig sakanya.

Muli, uulitin ko, Ikaw?Saan ka patungo?

You might also like