You are on page 1of 2

Pangalan: Ryan Jester L.

Pamularco Petsa: Ika-4 ng Hulyo, 2013


Kurso at Seksyon: BSIT 1-4 Puntos:

IF YOU REALLY WANT TO DO IT, YOU DO IT. THERE ARE NO EXCUSES
Ni: PamuShaider
Walang dahilan ang maaaring katanggap tanggap kung ang
bagay na ating ginagawa o gagawin ay hindi natin
mapagtagumpayan sa kadahilanang kung itoy totoong gusto
nating gawin ay gagawa at gagawa tayo ng paraan matapos
lamang ito.
Napansin niyo na ang larawan sa kaliwa ay sadyang napaka-
komplikado at tila imposibleng magawa ng isang
pangkaraniwang tao, kung ito ay ipapaguhit sa iyo,
makakayanan mo ba? Maaring hindi mo kayaning gawin subalit
sa taong may gusto na itoy mapagtagumpayan ay hindi dahilan
ang pagiging komplikado ng isang bagay dahil sa mundo ay
walang imposible, ika nga sa kanta ni Rico Blanco na Antukin
kung ayaw may dahilan, kung gusto palaging merong paraaan.
Marahil nagtataka kung bakit ko nasabi na sa mundo ay walang
imposible, narito ang aking sagot, ang katagang imposible ay
karaniwang ginagamit upang tukuyin ang mga bagay na hindi
kayang gawin ng tao subalit sa aking pananaw ang salitang ito ay dapat na gamitin upang tukuyin
ang mga bagay na hindi gustong gawin ng tao sapagkat lahat ay posible, kung hindi ka naniniwala
na ito ay totoo, itoy magiging imposible dahil hindi ito ang gusto mong paniwalaan. Maaaring
maglaro sa iyong isipan ang napakaraming bagay na inaakala mo imposible, sabihin na nating
halimbawa nito ang tanong na Paano mo mahahawakan ang hangin gayong hindi ito maaaring
mahawakan? muli sasagutin ko ang katanungang iyan, ang hangnin ay isang bagay na ating
nadarama lamang, naisip nyo ba kung paano natin nararamdaman ang hangin kung itoy hindi
dumadampi sa ating balat? Ang katotohanan ay maaari nating mahawakan ang hangin, paano?
Simple lang, kapag ito ay naramdaman mong tumatama sa iyong balat, ito ay iyo nang hawak
hawak.
Sa ganang akin ay naniniwala ako na ang lahat sa mundo ay posible sapagkat hindi gagawa ang
ating Panginoon ng mga bagay na hindi natin kakayanin o walang nakalaang solusyon o paraan.
Halimbawa nito ang mga problemang ating kinakaharap sa tingin nyo ba magbibigay ang
panginoon ng mga pagsubok na hindi natin makakaya? Mahal tayo ng na sa itaas kung kayat lahat
ng problema o pagsubok na kanyang binigay ay may daan, sadyang mahihina ang loob ng mga tao
kaya agad na pumapasok sa ating mga isipan na ito ay imposible pero kung gugustuhin nating
malampasan ito ay may nakalaang paraan para diyan.
Kung gusto mong gawin, gawin mo. Wag na magdahilan. Dahilan ang ibinibigay ng mga taong hindi
nagtagumpay, nawalan ng pag-asa at kinulang sa sipag at tiyaga, Mga taong mabagal ang pag-unlad
nanatili ka bang isa sa kanila? O maniniwala ka nang lahat ay posible at bubulusok paitaas tungo sa
iyong magandang kinabukasan? Dapat na harapin ang pagsubok upang tayoy umusad hindi
sangkap ang dahilan sa pagkamit ng tagumpay bagkus ito ang pumipigil sa atin kaya nananatili
tayong na sa ibaba. Sige lang nang Sige hanggang sa maabot ang pangarap tigilan ang pagdadahilan
kung ayaw mong manatiling nangangarap lang.
Huling mensahe para sa lahat ng mambabasa, lagi nating itanim sa ating isipan na sa Diyos ay
walang imposible, Gawin ang nararapat na gawin tigilan ang pagbibigay ng walang kwentang
dahilan makawala lamang sa pagsubok na sa atin ini-atang.

You might also like