You are on page 1of 2

Ang 

akda ay nangangahulugan isang sulat o komposisyong nakalahad at


itinuturing na pinakapayak na paraan ng pagsulat. Ito ay ang pagsulat ng mga
natatanging karanasan, pagbibigay ng interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran
at puna sa mga nababasa at napanood. Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng mga
kaalaman, kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin, ideya at diwa ng mga
tao. Bilang isang sikat na media influencer, tungkulin ko na na magpalaganap ng ibat
ibang makabuluhang impormasyon at maging isang ihemplo sa mga tao.
Nagpapalaganap din ito ng mga positibong nginig sa ating mga katauhan.

Ang nangyayari sa ating buhay ay isang akda, akda na tayo mismo ang
sumusulat sa ating mga karanasan at kaganapan sa buhay. Maraming akda na akong
nabasa na sumasalamin sa aking mga karansan at kaganapan sa buhay.
Nagkakatulad minsan ang mga paraan ng pangunahing tauhan sa akda at paraan ko sa
paglutas ng mga suliranin tulad ng, pagtitiwala lang sa sarili, paggiging matatag kahit
ano mang hamon sa buhay, maging magpagpahalaga sa anumang bagay or pagsubok
sa buhay gawin itong inspirasyon para malampsan, at palaging manalig sa Diyos dahil
sa kanya lahat ng suliranin ay may kalutasan. Minsan rin sa ating buhay, may maiiba rin
talaga ng pakikitungo o relasyon, hindi talaga natin ito maiiwasan dahil araw-araw nag
iiba ang tungo sa atin ng tao, hindi basihan kung nagging mabuti ka or nagging
masama kung ito kay maimpluwensyahan sa mga taong may dinidibdib sayo ay
mahahaktak rin sila. Sa aking nabasang mga akda maaari kong maiugnay ang aking
pamilya sa pamamagitan ng buhay na laging may mga pakikibaka at hamon na
kakaharapin kapag ang pamilya ay magkasama ngunit kahit na may mga hadlang,
nanatili kaming buo upang harapin ang mga problemang iyon na magkakasama. Sa
komunidad, maaari kong maiugnay ito sa lahat ng panitikan na nabasa ko sa
pamamagitan ng pagtutulongan sa ano mang bagay, ang pamayanan ay "lahat para sa
isa, isa para sa lahat". Sa pamamagitan ng mga historya sa ating bansa at daigdig na
kaukit sa mga libro maiuugnay ko sila dito dahil yaman ng ating bansa at daigdig ang
mga akda na patungkol sa historya.
Tayo ang naghuhubog ng kalaparan natin sa buhay, kung anong ginawa o
ginagawa natin ay tiyak na may kaakibat na suliranin, kaya tayo’y maging matalino sa
pagpasya ng mga bagay-bagay. Ang mga pagsubok ay makatutulong sa iyo na maging
mas mabuti—anuman ang layunin ng mga ito—kung gagamitin mo ang mga ito upang
umunlad sa espirituwal, pisikal, kaisapan, o saan man. May mga pagsubok mang
dumating maging matatag lang at manalangin sa Panginoon, dahil hindi natin alam
kung ano ang luyinin nang isang suliranin. Ayon nga kay Chinkee Tan “Bawat pagsubok
ay may aral na matututunan. Bangon lang at may naghihintay sa atin na magandang
kinabukasan”, ang akda talaga kay hindi pwede walang suliranin, kagaya sa ating
buhay, pamilya, komunidad, bansa, at daigdig, ibat-ibang suliranin ang ating
nakakaharap. Bilang ang buhay natin ay isang halimbawa ng isang akda ito ay ating
pagyamanin, pahalagahan, at ituring na isang makabuluhang brilyante na hindi
mananakaw sa iyong buong buhay.

You might also like