You are on page 1of 3

FILIPINO

PANGALAN_____________________________________________ PETSA______________________________________

PANGKALAHATANG PANUTO: ISULAT ANG LETRA NG TAMANG SAGOT NG LAHAT NG AYTEM SA SAGUTANG
PAPEL:
I. TUKUYIN ANG ANTAS NG WIKANG GINAMIT SA KABUUAN NG TALATA, BIGYANG PANSIN
ANG MGA SALITANG MAY SALUNGGUHIT:
A.PAMPANITIKAN B. PAMBANSA C. KOLOKYAL D. LALAWIGANIN E. BALBAL
Sa pagdating ng panahon lahat tayo ay may tinitingalang 1.pangarap. Simulang magkaisip2. meron
ng larawang 3.nakapinta sa ating mga 4.guniguni. Ito ay mga ambisyon at 5.adhikain nating nais
makamit.Maaaring pangunahin dito ang kani-kaniyang 6.propesyon..May gustong maging doctor, abogado,
guro, artista, sundalo o maging 7.alagad ng batas at iba pa. Ang iba ay nag-aambisyon ng materyal na
bagay gaya ng 8.tsikot, bahay, alahas, at marami pang bagay na tunay nating 9.kinahuhumalingan. Kahit
na nga si Inday, tsong at 10.tsang ay 11.nanunungkit sa buwan ng inaasam na pangarap. Nagiging
makulay at 12.kapana-panabik ang buhay dahil sa ating mga pangarap. Nakatutulong sa 13.paghubog ng
ating pagkatao ang 14.tinutumbok na pangarap. 15.Pano ba natin makakamtan ito? Mistulang bahaghari
itong nagtataglay ng iba’t ibang kulay at 16.ubod ng tayog na pinagsusumikapan nating abutin.
17.Tara na humayo tayong lahat, magsumikap, 18.magpunyagi upang ang pangarap na minimithi
ay di lamang maging isang panaginip, di lamang adhikaing 19.suntok sa buwan . Sa halip, isang umaga,
sa pagmulat ng ating mata, 20.abot-tanaw na natin ang bituing pinapangarap.
II. TUKUYIN ANG TUNGKULIN NG WIKA NA GINAMIT SA SUMUSUNOD NA PAHAYAG:
A.PANG-INTERAKSYUNAL B.PANG-INSTRUMENTAL C.PANGREGULATORI
D.PAMPERSONAL E.PANG-IMAHINASYON F.PANGHEURISTIKO
G.PANG-IMPORMATIB
21.Magandang dalaga pwede bang magdala ka ng maraming pagkain lalo na kutkutin?Sabi niya.
22.Maaari bang magdala ka rin ng mangga at bagoong, hiling pa ng isa.
23.Nag-usap-usap pa kami para sa iaambag sa pagkain.
24.Tuwang-tuwa talaga kami habang nag-uusap sa masayang trip namin
25.Alam nyo lalong maganda ngayon ang Picnic Grove sa Tagaytay dahil sa idinagdag na mahabang
tulay. Lalong tumingkad ang ganda ng Taal, dagdag pa ng isa sa amin.
26.Talagang ang Tagaytay ay isa sa ipinagmamalaking lugar sa Pilipinas.
27.Sabi ng nakatatandang kasama namin kaya nga ang sarap talaga mamasyal doon.
28.Noong minsan nga ako ang naatasang magbahagi, na maipagmamalaki ang ganda ng Tagaytay at
mga produktong matatagpuan dito. Nakinig talaga ang mga mag-aaral na naroroon, dagdag pa ng isa.
29.Naku mali! Doon ka lumiko sa kaliwa at malapit na tayo.
30.Salamat! Narito na tayo. Sabay-sabay talaga kaming
nagsigawan sa sobrang kasiyahan.
III PILIIN ANG SALITA SA LOOB NG PANGUNGUSAP NA KASINGKAHULUGAN NG MGA SALITANG MAY
SALUNGGUHIT: ISULAT SA PATLANG ANG TAMANG SAGOT.
31__________ Minamasdan nila pati pagtulog mo habang tinitingnan ka nilang nakahiga.
32__________ Ngayon nga’y malaki ka na at nais mong maging malaya hindi man sila payag,
nagpupumilit kang makawala sa kanilang pangangalaga.
33__________ Ang payo nila ay sinuway mo at lalong sinalungat ang kanilang gusto.
34__________ Nais mong masunod ang layaw mo kaya’t binigyan mo ng prayoridad ang mga luho.
35__________ Ang landas mo’y naligaw at ang kapalaran mo’y tuluyang nalihis ng landas.
36__________ Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo at halos mabaon sa pagkakasala.
37__________ Nagising ka at nilapitan ang ina mong lumuluha at napagmasdan mo ang iyong ina at ang
kanyang pag-iyak.
38__________ Hindi mo alintana ang lahat habang ang iyong mga mata ay lumuluha ng hindi mo pansin.
39__________ Pagsisising nadama mo sa nagawang kasalanan, ngunit ang mahalaga ay naituwid ang
mga kamalian mo.
40._________ Ang kamay ng magulang ay mapagkalingang palap na humahaplos sa anak.
IV.BASASAHIN AT SURIING MABUTI ANG MGA PANGUNGUSAP, ISAAYOS ANG MGA ITO UPANG MATAMO
ANG WASTONG DALOY NG MGA PANGYAYARI. ISULAT ANG
LETRA A - E.
UNANG TALATAAN
_______41. Ang iba ay napipilitang magtrabaho sa ibang bansa. Ang mga kabataan naman na
galing sa mahihirap na pamilya ay nagtatrabaho habang nag-aaral.
_______42. Hindi rin nagpapabaya ang pamahalaan. Naglalaan ito ng mga programang pang-
edukasyon.
_______43. Ayon sa mga mananaliksik at tagamasid, isa sa mga katangian ng lahing Pilipino ang
pagpapahalaga sa edukasyon.
_______44. Maraming mga magulang ang nagpupunyaging maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga
anak.
_______45. Kadalasan, ipanagbibili ang kanilang mga ari-arian upang mapag-aral lamang ang mga ito.
PANGALAWANG TALATAAN
_______46. Nahihiya rin tayong makita ng ibang tao na marami ang pagkaing kinuha natin.
______47. Ang ugaling hiya ay masasabing bahagi na ng ating pagka-Pilipino. Kapag hindi natin kilala
ang isang tao, nahihiya tayong kauspin siya, nahihiya din tayong magtanong ng mga bagay na
may pagka-personal at maaaring makasakit ng loob sa ating kausap.
_______48. Sa mga handaan o kainan naman, nahihiya tayong mauna sa pagkuha ng pagkain.
_______49. Tunay ngang ang ating pagkamahiyain ay bahagi na ng ating buhay-Pinoy.
_______50. Gayundin, ang mga bagay na may kinalaman sa ating sarili o tungkol sa mga katangian natin
V.DIREKSYON: Basahin nang tahimik at unawaing mabuti ang tula, pagkatapos ay sagutin
ang mga katanungan.

HIGPITAN MO ANG KAPIT SA AKING MGA KAMAY


Higpitan mo ang kapit sa aking mga kamay.
Damhin mo ang init ng aking bawat dantay
Hayaan mong dumaloy ang silakbo ng aking dugo
Lalo na sandaling balot ka ng siphayo.

Sa gitna ng dilim, iwaksi mo ang pangamba,


sa aking mga yakap ay aaluin kita.
Sa gitna ng liwanag ay di ka masisilaw.
Sa aking piling ay may lilim kang matatanaw.

Hayaan mong sa mga halik ko maipahayag


ang mga katagang di mabigkas ng hayag.
Hayaan mong mangusap ang malambing kong haplos
dahil minsan, diksyunaryo man ay kinakapos.
Kung may sigwa ay huwag kang bibitiw.
Pakatandaang buhawi man ay nagmamaliw.
Huwag mong hayaang tayo’y papaghiwalayin
Kahit pa ng lintik o habagat na hangin.

Lipunan man madalas ay napakaramot,


huwag mong hayaang gapiin ka ng takot.
Kahit pa ang daigdig ay sadyang mapangutya,
magkasama nating kabakahin ang lupit ng tadhana.

Sapagkat…lakas ko’y nasa iyo,lakas ko’y ikaw.


Kung nag-iisa, ‘di ko mababata ang panglaw.
Mundo ko’y may buhay,buhay ko’y may kulay
kung lagi kang nakakapit sa aking mga kamay!
51. Ang salitang higpitan ay nangangahulugang
a. hawakang mabuti b. makipagkamayan c. kapitan ang kamay d. isara ang kamay
52.Ang salitang sigwa ay nangangahulugang
a. problema b. bagyo c. trahedya d. away
53.Mundo ko’y may buhay, buhay ko’y may kulay, ay nagsasabing
a. masigla ang buhay b. nagmamahal ang buhay c. makulay ang buhay d. kulay pag-ibig
54.Ang ikalawang saknong ay nagpapahayag ng
a. lubos na pagkalinga ng isang nagmamahal
b. huwag kang matakot sa dilim at sikat ng araw
c. pag-asa ng isang nagmamahal
d. laging magkasama ang nagmamahalan
55.Ang ikaapat na saknong ay nangangahulugang
a. hindi maghihiwalay ang nagmamahalan
b. kahit anumang balakid ay ‘di makahahadlang sa nagmamahalan
c. wagas na pagmamahalan
d. walang iwanan
56.Ang salitang aaluin ay nangangahulugang
a. sasambahin b. pasasalamatan c. bibigyan d. aalagaan
57.Ang ikatlong saknong ay nagsasabing
a. ang pagmamahal ay ‘di kailangang bigkasin ng bibig
b. ang kilos ay higit na nagpapahayag ng damdamin
c. wala sa binibigkas ng bibig ang pag-ibig kundi sa sinasabi ng puso
d. kailangang sabihin ang nilalaman ng puso
58.Sa kabuuan ang mensahe ng tula
a. mahigpit na pagmamahalan b. sa tuwina’y magkasama c. wagas na pagmamahalan
d. ang pag-ibig

You might also like