You are on page 1of 3

Anthony Isberto

Ang Salawikain ay ang isa sa mga katutubong tula na lumaganap sa Pilipinas bago pa
dumating ang mga mananakop na banyagang Espaol. Taglay ng salawikain ang malalim na pagpapahiwatig, o ang maligoy na paraan ng pagsasabi, upang ikubli ang ibig sabihin ng nagsasalita. Sa pamamagitan ng pagtuklas sa kahulugan ng isang salawikain, mauunawaan ng isang Pilipino and kaniyang sarili, pagkatao, at lalim ng kaniyang pang-unawa sa buhay. Karaniwan, ang isang salawikain ay nag-ugat sa isang karanasan at sa mahabang pag-uunawa at pagsisiyasat sa buhay ng tao. Ilan sa mga hindi malilimutang mga salawikain ay ang mga gumagamit sa isang uri ng hayop, gulay o prutas. Mga halimbawa: 1. Magandang pamintana, masamang pangkusina. Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na magandang idispley na siyota, pero tamad sa kitchen! O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o makisig pumorma. 2. Ang matuod nga katahom, makita sa tagiposuon. Paliwanag: Kawikaan ito ng Hiligaynon. Nakikita umano ng puso ang tunay na ganda o x-factor. Kaugnay nito ang loob na isa pang katutubong konsepto ng Filipino. Paano makikita ang tunay na ganda? Huwag magsalamin. Gamitin ang pag-ibig at pag-unawa. 3. Kadalasan, ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli Noong ibig ipahamak. Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ng Marimar. Ang pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao. 4. Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay. Paliwanag: Ang dangal at puri ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa honor sa Ingles. Kaugnay ng puri ang chastity, virginity, at respect ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan. Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan. 5. Maong ni makapoy a lupa Nen say makapoy a kanunutan. Paliwanag: Pangasinense ito, na ang ibig sabihin ay Mabuti na ang pangit na mukha, huwag lang pangit na pag-iisip. Ano ang pangit na pag-iisip? Maaaring ito ay pagbabalak ng masama, pagkabagabag ng loob, mahalay na pagnanasa, at iba pa.

6. Sa paggianan yo makas ta lapaorera, ay ana lamang yo ulag. Paliwanag: Mula ito sa Gaddang, na ang literal na salin ay Kung saan naroroon ang magagandang bulaklak, naroroon lagi ang uod. Bulaklak karaniwan ang talinghaga sa babae, at ang uod na nagiging paruparo ay panumbas naman sa lalaki. Hindi lahat ng paruparo ay lalaki; ang paruparong bukid mula sa awiting-bayan ay pasaring sa baklang transvestite. 7. Mabuti't masamang ginto Sa urian natatanto. Paliwanag: Makikilatis ang ganda ng isang tao o bagay kung iyong susubukin. Ito ang paalaala ng kawikaan. Kaya hindi dapat masilaw agad sa panlabas na anyo. Magpigil. Bago maloko ng peke. 8. Sa maliliit na damp nagmumula ang dakila. Paliwanag: Isang aspekto ng kagandahan ang kadakilaan. At gaya ng ipinapahiwatig ng salawikain, ang mga dakilang tao ay isinisilang na dukha. Gayunman, ang nasabing kahirapan ay hindi sagka upang makamit niya ang tagumpay. 9. Ang bayaning masugatan nag-iibayo ang tapang. Paliwanag: Ang bayani na tinutukoy dito ay malayo sa konseptong hero ng Estados Unidos o Europa, kung gagamitin ang pagdalumat ni Zeus Salazar. Hindi iisa ang bayani bagkus maramiang buong bayan. Kaya ang kawikaan ay magsisilbing inspirasyon sa lahat na magpatuloy sa pakikibaka kahit may digmaan o kahirapan. Ito ang tunay na kagandahan. 10. Minsan orai bolawan i oran Sa di ta inged na tomo den So tarintik sa tambira inged ami. Paliwanag: Umulan man daw ng ginto sa ibang bansa, walang makahihigit sa ambon sa sariling bayan. Sa salawikaing ito ng Maranaw, ang konsepto ng ganda ay hindi na lamang sa tao, bagkus naisalin sa bansa. Hindi umano maipagpapalit ang materyal na kaginhawahan sa ginhawang matatamo sa bayang sinilangan.

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.

Mga Halimbawa: 1. butas ang bulsa - walang pera - Palagi na lang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal. 2. ilaw ng tahanan - ina - Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto. 3. alog na ang baba - matanda na - Kayo ay alog na ang baba para magbuhat ng mabigat. 4. alimuom - baho - Ang alimuom naman po ninyo. 5. bahag ang buntot - duwag - Bakit ba bahag ang buntot mo? 6. ikurus sa kamay (o ibang bahagi ng katawan) - tandaan - Ikurus mo na sa noo mo, akong bahala sa iyo. 7. bukas ang palad - matulungin -Napakabukas-palad mo. 8. kapilas ng buhay - asawa - Ang aking ina ay may kapilas ng buhay. 9. nagbibilang ng poste - walang trabaho - Bakit ba siya nagbibilang ng poste? 10.basag ang pula - luko-luko- Napaka basag ng pula mo. 11.ibaon sa hukay - kalimutan - Huwag mo akong ibaon sa hukay. 12.taingang kawali - nagbibingi-bingihan 13.buwayang lubog - taksil sa kapwa 14.pagpaging alimasag - walang laman 15.tagong bayawak - madaling makita sa pangungubli 16.pantay na ang mga paa - patay na 17.mapurol ang utak - mahina sa larangan ng pag-iisip o mabagal mag-isip 18.maitim ang budhi - tuso 19.balat-sibuyas - mabilis masaktan 20.pusong bakal - di marunong magpatawad 21.putok sa buho - anak sa labas 22.may bulsa sa balat - kuripot 23.balat-kalabaw - matigas 24.patabaing-baboy - tamad

You might also like