You are on page 1of 3

UNANG PANDAIGDIG NA ARAW NG MGA NAKATATANDA

AT MGA LOLO AT LOLA


Hulyo 25, 2021

MGA DAGDAG NA KAHILINGAN SA PANALANGIN NG BAYAN

- Para sa lahat ng mga nakatatanda at mga lolo at lola; upang hanggang sa


dapit-hapon ng kanilang buhay, manatili silang tagapagpatunay sa mga
pagpapahalagang Kristiyano at paninindigan na siyang matatag na sandigan ng
bawat lipunan, manalangin tayo sa Panginoon.

- Para sa mga nakatatanda nating may dinadalang sugat sa kalooban at


tinalikuran ng pamilya, ang mga nalulumbay at maysakit; upang makatagpo sila
ng kagalingan at pagkalinga, kapanatagan at pagpapatawad, kapayapaan at
pagdamay sa loob ng sambayanan, manalangin tayo sa Panginoon.

- Para sa ating lahat, upang tumatag ang ating paninindigan sa halaga ng


bawat buhay mula sa paglilihi hanggang sa kamatayan at maging masigasig na
itakwil ang kulturang “pagtatapon” na itinuturing ang mga matatanda at
mahihina na kinupasan na nang halaga at samakatuwid, maaari nang
ipagwalang-bahala, manalangin tayo sa Panginoon.
PANALANGIN PARA SA MGA NAKATATANDA AT MGA LOLO AT LOLA

Ama naming mapagmahal,


Bukal ka ng buhay at lahat ng biyaya.
Buong pagkalinga mo kaming itinataguyod
Sa bawat yugto ng aming buhay
at binibigyan mo ito ng kaganapan
kay Hesus na iyong anak at aming kapatid.
Nagpapasalamat kami sa pagbibigay mo ng aming mga lolo at lola
at mga nakatatanda
upang maging aming gabay
sa pagbabahagi nila ng kanilang mayamang karanasan
at karunungang natamo sa pagdaraan ng mga taon.
Pinasasalamatan ka namin sa kanilang patotoo
ng iyong pananatili at pagkalinga sa bawat kaganapan at pagbabago sa aming buhay.
Basbasan mo sila ng tuwa at kapanatagan,
ng kasiyahan sa mga bunga ng kanilang pagpapagal,
at ng tapat na pagmamahal ng kanilang pamilya.
Patatagin mo sila sa pagtitiwala sa iyong mapagpagaling na awa
sa harap ng mga pagkakamali at kasalanan ng panahong nagdaan.
Maging maligaya nawa sila sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Ipag-adya mo sila sa lahat ng panganib at kasamaan
na magkukubli sa walang hanggang kapayapaaan at galak sa iyong kaharian.
Pagkalooban mo sila ng tiyaga at katatagan
na pasanin ang krus ng sakit at kahinaan ng katawan.
Tulungan mo silang tingnan ang kanilang mga hirap at pagtitiis
bilang pakikiisa sa Misteryo Paskwal ni Kristo.
Ipagkaloob mo sa aming kanilang mag-anak at mga kaibigan
ang matatag na paninindigan at pananalig
sa halaga at karangalan ng bawat tao
na nilikha na iyong kalarawan
at tinubos ng sakrispisyo ng iyong Anak sa krus.
Makatulong nawa ito na lagi namin silang alalayan, igalang, at mahalin.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo
Kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen

You might also like