You are on page 1of 2

Pagsubok: Bulkan at Pandemya

Ni. John Eric A. Rosare

Bago pa dumating ang pandemya,


Kaming mga Batangueño’y sinubok na.
Pumutok itong nananahimik na bulkan,
Na naghatid ng takot at kasadlakan.

Dahil sa takot naming mamamayan,


kami’y napilitang magsi-alisan.
Totoo nga! Dumating na ang aming kinakatakutan,
ang pagputok ng bulkan.
Ngunit sa pagputok nito, sumabog naman ang pagtutulungan.

Makalipas ang tatlong buwan,


isang sakuna’y ‘eto na naman.
Sinusubok talaga, ang aming katatagan.
Pero hindi nila alam, kami’y mga palaban.

Dumating ang pandemya,


ikinulong ang bawat isa.
Hindi makalabas, patuloy na nangangamba.
Itong virus na kumakalat, sana’y matapos na.

Nang dahil sa pandemya,


maraming buhay ang nawala,
mayroon ding nawalan ng pag-asa,
hatid ng kalungkutan at pangamba.

Kaya dasal at kalusugan,


ang tanging puhunan,
upang malabanan,
Itong ating pinagdaraanan.
Pagsubok: Sa Aming Paglaban
Ni: John Eric A. Rosare

Bago pa dumating ang pandemya,


Kaming mga Batangueño’y sinubok na.
Pumutok itong mahal naming bulkan
at nag iwan sa amin ng kalungkutan.

Dahil sa takot naming mamamayan,


kami’y napilitang magsilisan at iwan ang aming bayan.
Totoo nga! Dumating na ang aming kinakatakutan,
nalugmok, nasira, na tila’y walang kinabukasan.
Ngunit sa pagputok nito, sumabog ang pagmamahalan
at muli kaming nagtulungan.

Makalipas ang tatlong buwan,


isang sakuna’y ‘eto na naman.
Sinusubok ang aming pananampalataya’t katatagan,
hindi nila alam, kami'y isinilang na palaban.

Dumating ang pandemya,


At ikinulong ang bawat isa.
Hindi makalabas, patuloy na nangangamba.
Itong virus na kumakalat, sana’y matapos na.

Nang dahil sa pandemya,


maraming buhay ang nawala,
mayroon ding nawalan ng pag-asa,
hatid ng kalungkutan at pag luluksa.

Kaya't lakas ng loob at panalingin


ang aming puhunan,
upang malabanan
Itong pagsubok na kinahaharap ng bayan.

You might also like