You are on page 1of 3

B.

Panahon ng Kastila

Ang pagdating ng mga Kastila sa baybayin ng Pilipinas ay nagluwal ng isang panibangong buhay at anyo sa
kaslukuyang panulaang Pilipino.
Maraming pgbabago ng paksa at uri ang lumaganap sa panahong ito. Ang kanilang pananakop ay hindi
lamang ng lupain at estado.Kasamang nanakop ang mga prayle na siyang naging guro sa mga katutubong
Pilipino.Winiwika at sinasalita ng mga prayle ang ebanghelyo at magandang balita ng Diyos kung kaya
maraming nabighani at yumakap s Relihiyong Kristyanismo.

Mga Umusbong sa Panulaan sa Panahon ng Kastila

1. Pasyon - Ito ang pinaka popular sa panulaang Pilipino sa panahon ng Kastila.Isinalaysay nito ang buod ng buhay ng
ng Panginoong Hesukristo mula s kanyang kapanganankan,paghihirap at kamatayan,hanggang sa kanyang
muling pagkabuhay.

Halimbawa: O,Diyos sa kalangitan


Hari ng sangkatauhan
Mabait,lubhang maalam
At puno ng karunungan

2. Awit at Korido - Ang awit at korido ay tamang pumapaksa sa pag-ibig at romansa.Ngunit ang dalawang ito ay may
malaking kaibahan tulad ng mga sumusunod:

a. Ang awit ay higit na matayog sa diwa sapagkat humahango ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay.
b. Ang taludtod ng awit ay binubuo ng 12 pantig,apat na taludtod sa isang taludturan; samantalang ang korido ay
wawaluhing pantig lamang,liamng taludtod sa isang taludturan.
c. Ang pagkanta ng awit ay marahan.Sa musika ang kumpas na ito ay tinatawag na andante,smantalang ang pag-awit
ng korido ay may kabilisan.Ang kumpas na ito sa musika ay tinatawag na allegro.Ang marahang kumpas ng awit
ay nakalulungkot samantalang ang mabilis na kumpas ng korido ay nakaiindak.( Arrogante et al.,2004)

Halimbawa ng Awit:
Hango sa Florante at Laura
Ni: Francisco Baltazar

Kabanata 7 Ang Panganib sa Gubat

108
Di pa natatapos itong pangungusap,
may dalawang leong hangos ng paglakad,
siya'y tinutungo't pagsil-in ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.

109
Nangaawa mandi't nawalan ng bangis
sa abang sisil-ing larawan ng sakit;
nangakatingala't parang nakikinig
sa di lumilikat na tinangis-tangis.

110
Anong loob kaya nitong nagagapos,
ngayong nasa harap ang dalawang hayop,
na ang balang ngipi't kuko'y naghahandog--
isang kamatayang kakila-kilabot!

111
Di ko na masabi't luha ko'y nanatak,
nauumid yaring dilang nangungusap;
puso ko'y nanlambot sa malaking habag
sa kaawa-awang kinubkob ng hirap.

Halimbawa ng Korido:
Hango sa Ibong Adarna

Oh birheng kaibig-ibig ina naming


Nasa langit,liwanagan yaring isip
Nang laloy di malihis.
Akoy isang hamak lamang
Taong lupa ang katawan,mahina
Ang kaisipan at maulap ang pananaw.
Malimit na nakagawa ng hakbang
Na pasaliwa,kung mayari ay pahidwa.
Labis yaring pangangamba na
Lumayag na mag isa.baka kung
Mapalaot na ang mamangkay di makaya.
Kaya,Inang matangkakal
Akoy iyong patnubayan,nang mawasto
Sa pagbanghay nitong kakathaing buhay.
C.Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat

Ang panahong ito ang pinakamaikli sa lahat ngunit gumagawa ng napakalaking hakbang sa paagbabago ng
panulaang Pilipino.Isinilang sa panahong ito ang damdaming pinaigting at
dinuyan ng makabayang pananaw at paniniwala.Sa pamamagitan ng mga tula isiniwalat ng mga makata ang mga
diwang humuhulagpos dahil sa pananakop.

Ang panahong ito ay nahahati sa maimpluwensiyang grupo ng propaganda at himagsikan.


Pinangungunahan ni Dr. Jose Rizal, an gating pambansang bayani ang pagbabago. Sa tulong ni Graciano Lopez-
Jaena at Marcelo H. Del Pilar ay nagtatag sila ng samahan kung saan tanging panulat lamang ang kanilang
ginagamit upang tuligsain at pabagsakin ang mga prayle

Sa kabilang banda,nagging puhunan naman ni Andres Bonifacio ang lakas at tapang upang
Ipaglaban ang kapayapaan ng bansang Pilipinas.

Halimbawa ng Tula sa panahon ng pambansang pagkamulat:

Sumikat na Ina sa sinilangan


Ang Araw ng pot ng katagalugan
Tatlong daang taong aming iningatan
Sa dagat ng dusa Ina karalitaan

Walang sinumang kaming iyong anak


Sa bagyong masasal ng dalitat hirap;
Iisa ang puso nitong pilipinas

Sa kapwa Inay wala kang kaparis


Ang layaw ng anak: dalitat pasakit:
Pag nagpatirapang sa iyoy humibik,
Lunas sa gamut mo ay kasakit-sakit.

-Mula sa katapusang Hibik ng Pilipinas ni Andress Bonifacio


D.Ang Panahon ng mga Amerikano

Tatlong wika ang ginamit ng mga makata sa pagsisiwalat ng kanilang damdamin at hinanakit sa
Panahon ng mga Amerikano.Ito ang wikang Kastila,Tagalog,At Ingles.
Ginawang Malaya ng mga Amerikano ang mga makata at manunulat sa paggawa ng mga tulang pumapaksa
sa pagkamakabansa,demokrasya,relihiyon,lipunan,at pulitika.
Nakilala sa pahanong ito si Jose Corazon de jesus na hari ng balagtasan at makata ng pag-ibig.

Halimbawa ng tula sa panahon ng mga Amerikano:

isang araw ang ina koy nakita kong namamanglaw


Naglilihis ng marumit mga lumang kasangkapan,sa
Pilak ng kanyang buhok na hibla na katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Nakita ko ang ina koy tila baga nalulumbay
At ang sabiitong piyano sa iyo ko ibibigay,
Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan,
Mga silyat aparador ay kay Tikong nababagay
Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.

Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha


Tainang kong magpatawa upang siya ay matuwa,
Subalit sa aking matay may namuong mga luha
Naisip ko ang ina ko,ang ina ko na kawawa;
Tila kami iiwan nat may yari nang huling nasa at
Sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita
Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata
Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika.
Ang ibig ko sana,Inay ikaw aking pasiyahin
At huwag nang Makita pang ikay nalulungkot mandin.
O,Ina ko,ano pa ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang naiiwan sa amin?

-Mula sa Ang Pamana ni Jose Corazon de Jesus


E. Ang Panahon Patungo sa Pambansang Krisis
Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa ng mga tula sa panahong ito na ipinamana pa sa atin ng
Amerikano at ang pagpapatuloy na pang-aangkin sa kolonyalismong mentalidad na nakuha natin
Sa mga kastila.
Ang mgga makata ay humihingi ng reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo.imperyalismo
At piyudalismo paraan ng pamumuno.
Sa panahong ito napatanyag ang makata ng manggagawa na si Amando V. Hernandez,nakilala siya dahil
sa kanyang makabayang tula at pagmamahal sa mga manggagawa.

Halimbawa ng tula sa panahon patungo sa pambansang Krisis:

Ang taot bathala ay di natutulog


At di habang araw ang api ay api,
Tanang paniniil ay may pagtutuos,
Habang may bastilyay may baying gaganti.

At bukas,diyan din, aking matatanaw


Sa sandipang langit na wala nang luha,
Sisikat ang gintong araw ng tagumpay,
Laying sasalubong ako sa paglaya!

-Mula sa isang Dipang Langit ni: Amando V.Hernandez

SALAMIN
Assunta Cuyegkeng

Walang kurap siyang titingin sa akin,itong kakambal ko sa salamin.


Pag-aaralan ang linya at pekas na unti-unti nang kumalat sa aking
mukha pag-aaralan pati ang mata kong kape pala ang kulay,hindi itim.
Walang kurap siyang nagmamasid,pag-aaralan ang takbo ng aking
Dibdib na kung minsan,kumakabog,kung minsan,natutu og.
Tatapatan niya ako,sisispatin mula paa hanggang ulo at
Ihaharap sa mga walang retoke,ang buo kong pagkatao.

ANG PINTOR
Jerry Gracio

Gumuhit siya ng ibon


Lumipad ito palayo
Gumuhit siya ng isda,
Lumangoy ito sa hangin.
Gumuhit siya ng bulaklak,
Nagkalat ang halimuyak sa dilim.
Iginuhit niya ang sarili,
At inangkin siya ng kambas.

You might also like