You are on page 1of 8

Panahon ng Balangay: Rebyuwer Para sa Mahabang Pagsusulat Blg.

1
(2.21.20)

Come, butterfly
It’s late—
We’ve miles to go together.
— Bashō Matsuo

I. Dasein
Ang paunahing tanong para sa kabanatang ito:
Bakit kailangan aralin ang mga panitikan ng mga katutubong Pilipino?
Bakit “panahon ng balangay” ang pamagat ng kabanatang ito?
Ano ang paunahing tesis ng kabantang ito (at sa pangkalahatan, ang librong Pasakalye)?

Lahat ng mga tanong sa itaas ay maisasagot sa konseptong Dasein ni Martin Heidegger.


1. Ayon kay Heidegger, ang pag-iiral ng mga tao ay isang pagkatapon ng kamalayan sa
mundo—isang pagbubukas, paglalayag, at paglalakbay. Isang balintuna o paradox ito,
sapagkat ang pisikal na katawan natin ay may limitadong hangganan.
2. Ang Dasein ay “nagbubukas” sa kamalayan. Ang kondisyon ng Dasein ang nagpapayag
sa karamiramihang ka-hulog-an na umiiral sa isang teksto.
3. Pinapalawak ng Dasein ng paningin natin; pinapalaki niya ang ating abot-tanaw. Ito ang
motibasyon ng mga sinaunang tao, na siyang tumayo, at lumakbay upanag mas maging
may-alam sa mundo.

The main concerns and questions of the first chapter of the book are:
Why do we need to study the literatures of the native precolonial Filipinos?
Why is “panahon ng balangay” the title of this chapter?
What is the primary thesis of this chapter (and indeed, for the entire book)?

All these questions can be answered by the concept of Dasein formulated by Martin Heidegger.
1. According to Heidegger, Dasein is a state of being whereby one projects one’s
consciousness into the world. It is thereby an opening up, a journey, and a mode of
transportation. At the same time, it is also a paradox, because the physicality of our
bodies designates a certain limit beyond which we cannot physically reach.
2. Dasein is an opening up of consciousness. The condition of Dasein allows for one to
experience the multiplicity of meanings (or, as the Tagalog word kahulugan suggests, a
state of being grasped) that exists within a particular text.
3. Dasein widens our scope of vision and enlarges our horizon. This forms the motivation
for the natives to stand up, travel, and ultimately, gain a deeper knowledge of the world
they inhabit.
For additional information on Dasein, check out Dr. Devilles’ notes in the Google Class.

II. Mga Katutubong Tula: Bugtong, Salawikain, Tanaga

Mga gabay na tanong para sa parting ito:


Ano ang bugtong? salawikain? tanaga? Ano-ano ang mga kaibahan nila sa isa’t-isa?
Paano natin masasabi na ang bugtong, salawikain, at tanaga, ay isang klaseng modernong tula?
Ano ang implikasyon ng mga sagot sa itaas sa pangkalahatang ideya ng libro?

Bugtong
1. Ang bugtong, o riddle, ay isang klaseng katutubong tula na gumagamit ng
matinghalagang paghahambing upang mapaglarawan ang kalikasan
2. Hinugutan ang mga katutubong tula galing Vocabulario dela Lengua Tagala ni Pedro de
Sanlucar at Juan de Noceda

Mga ilang halimbawa ng bugtong:

Bumbong sa umaga, dagat sa gabi. Banig.


A bamboo tube by day, at night a sea.

Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit. Mata.


Two balls of yarn that reaches the skies.

Langit sa itaas, langit sa ibabaw, may tubig sa bot-nga. Niyog.


A sky above; a sky below; in the middle, water.

Apat cacapang comot, di natacpan ang tohod. Balang.


The sheet is four measures wide, but the knees are still exposed. Grasshopper.

Sinantanan sa holo, hangin ang tinalaro. Bahoan.


Where the river begins, a weighing rod weighs the wind. Sail.

Isda sa quilaoquilao di mahulit may patao. Dila.


The fish in Quilaoquilao can’t be caught because a weight holds it down.

Quinain na,t, naobos, laboboo pang lobos. Buwan.


It has been eaten, totally consumed, but it becomes whole again.

Nonganang cohol, at binti cahoy na cucupicupi. Binticohol, isang klaseng puno.


It bore cohol [snails] and binti [legs], this tree folded many times over.
Nagcocomot nang puyat, sac ana nahalachac. Bulaklak.
After a sleepless night, it covers itself with a sheet, and then roars with laughter.

Isang bogtong na bata di mabilang ang diua. Bugtong.


A child who is bogtong [the only one] has numberless ideas.

Cacabaac na niyog, magdamag inilipot. Buwan.


A mere half of a coconut, but it took all night to budge it.

Quinalag ang balsas sumayao nang ilagpac. Balak.


Its winding sheet undone, it started dancing when dropped. Top.

For more riddles, check the book and the PPT presentation.
You can also go to the net to look for riddles not in the book/PPT.

Salawikain
1. Ang salawikain ay isang klaseng katutubong tula na kadalasan ay nagbibigay ng payo sa
bagay-bagay.

Mga ilang halimbawa ng salawikain:

Ang bibig ng ilog, iyong masasarhan, ang bibig ng tao’y di mo matatakpan.


You can close off the mouth of a river, but a man’s is hard to cover.

Ang isda sa kanyang bibig nahuhuli at ang tao nama’y sa salita’t sabi.
A fish is caught by its mouth, while a man is caught by words and rumors.

Nuti ang gurnamila, nula ang sampaga.


The hibiscus flower turned white. The jasmine turned red. (Lesson: one must be unexpected in
life.)

Mey malaquing halaghag, mey monting di mabuhat.


There are big things that are light, small on- that cannot be lifted.

Mayaman ca man sa sabi, duc-ha ca rin sa sarili.


In word, you may be rich; in fact, you remain poor.

Caya ipinacataastaas nang domagondong ang lagpac.


It was raised to such a height that it might have a resounding fall.

Ang marahang bayani nagsasaua nang huli.


The man who has many nets catches plenty of fish.
Con ga cauaya,i, tonglan, Con ga tugui banlogan.
Like a bamboo tree with a bent top, like tugui that cooking can't make tender.

For more proverbs, check the book and the PPT presentation.
You can also go to the net to look for proverbs not in the book/PPT.

Tanaga
1. Ang tanaga ay isang kalseng katutubong tula na sa karaniwa’y mas mahaba sa salawikain
at bugtong. Taglay sa tanaga ang tinatawag ng dramatic situation.

Mga ilang halimbawa ng tanaga:

Londay cong aanod-anod


Pinihao ng balaklaot
Kaya lamang napanolot
Nang humihip yaring timog
(My boat had been set adrift.
Driven by the northeast wind;
It was able to follow its course
Only when the south wind blew.)

Mga katutubong tula sa kasalukuyan


1. Ang mga hugot lines ay nagsisilbing ka-tutubong tula sa kasalukuyan. Kagaya ng mga
bugtong, salawikain, at tanaga, ang mga hugot lines at katutubonog tula ay may:
i. Aspetong Defamiliarization, kung saan ang mga ordinaryong bagay ay nabibigyan ng
ibang perspektib;
ii. Aspetong Objective Correlative, kung saan ang matalinghagang paglalarawan sa isang
bagay ay nagbibigay ng impresyon ng isang obhektibong emosyon o konsepto (i.e. ang
ulan na naguudyok ng kalungkutan sa mambabasa);
iii.Ritmo
iv. Personipikasyon
v. Matalinghagang Paglalarawan/Pagahahambing
vi. Kabalintunaan (irony)

III. Katutubong Awit


1. Ang mga katutubong awit ay kadalasang may temang pag-ibig, paghihiwalay, pag-asa, o
pagpuri sa kalikasan
2. Mayroong iba’t-ibang klaseng awit, base sa konteksto ng pag-aawit

Tawag sa Katutubong Awit Konteksto


Soliranin Pagmamangka o Pakikidigma
Uyayi Pampatulog
Diona o Dalit Panambitan at Pananalangin
Ilang halimabawa ng katutubong awit:

Paghihiwalay

Ay…pababa ka sa Dinug,
kikiling ka sa Yambagu.
Susuklayin ko muna ang iyong buhok,
aayusin ko ang iyong buhok.
Dahil sa pagbabalik mo
mahahawakan ko,
susuklayin ko ang iyong buhok
at mahahawakan ko
ang iyong mahabang mahal na buhok.
Ang humahawak lamang
ang dilaw na sinag ng araw.
Sa aking lugar ililibot ko
sa iyong tinitirhan.
Pananatilihin ko lamang
laban sa sinag ng araw,
kapag ako ay namamatay sa kalungkutan.
Sa lugar ay pupuntahan ka sa ibayo,
sa pook doon ka titira.

Ili Ili Tulog Anay

Ili ili tulog anay


wala diri imo nanay
kadto tienda bakal papay
Ili-ili tulog anay.
Mata kana tabangan mo.
ikarga ang nakompra ko.
kay bug-at man sing putos ko.
tabangan mo ako anay.

Sleep a while, little one.


Your mom’s not here
She went to the store to buy some bread
Sleep a while, little one.
You are awake,
come and help
carry the things I bought
because it is heavy
help me little one

For more folk songs, check the book and PPT.

IV. Katutubong Kwento


1. Pwede ihati ang katutubong kwento sa tatlong kategorya: mito (myth), alamat (legend), at
katutubong kwento (folk tales).
2. Ang mito ay ukol sa cosmolohiya at pinagmulan ng muno. Ang alamat naman ay
kwentong may kinalaman sa pinagmulan ng bagay-bagay o mga pangyayari na nakikita
natin sa araw-araw. Ang katutubong kwento ay kwentong masa; kadalasan ito’y mga
trickster stories.
3. Ang mga katutubong kwento ay nagsisilbing wish-fulfilment, kung saan ang mga
suliranin sa totoong buhay ay nagkakaroon ng resolusyon sa kwento. Ipinapakita sa mga
kwentong ito ang katalasan ng isip ng mga taong masa at kung papaano naloloko ang
mga may kapangyarihan. Kaya ang kwentong bayan ay nagiging subersibo.
4. Ang kasalukuyang porma ng katutubong kwento ay makikita sa mga susunod:
i. Mga jokes
ii. Mga kwentong katatakutan
iii.Mga effigies

Mga ilang halimbawa ng katutubong kwento (lahat ay mahahanap sa libro):


1. Tingkung Langit at Alunsina (Mito)
2. Alamat ng Paglikha sa Mundo ayon sa mga Mangyan at Negrito (Mito/Alamat)
3. Alamat ng Lawa ng Palay (Alamat)
4. Si Juan Pusong at ang Hari (Kwentong Bayan)
5. Si Juan Pusong at ang Tumatalong Palaka (Kwentong Bayan)

V. Epiko
1. Ang mga epiko ay isang klaseng katutubong tula na nagsasalaysay ng buhay ng isang
bayani (kadalasan ay lalaki). Ang epiko ay hindi sinusulat, kundi inaawit ito tuwing pista
o tuwing may ritwal. Sinasalamin ng epiko ay kultura at kasasayan ng grupong
binabahagi nito.
2. Mga epiko ng katutubong Pilipino:
3. Ayon kay Joseph Campbell, may istruktura ang naraptibo ng mga epiko, at ito ay ang
sinasabing Hero’s Journey.

4. Ang mga larong pambata, palabas ng Marvel, DC, at iba pa, maging ang paglalaro ng
basketball at Janus Silang ay nagbabahagi sa kamalayang epiko (epic consciousness) ng
sinaunang Pilipino.
Ut in omnibus glorificetur Deus
That in all things, God may be glorified.

You might also like