You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
DIVISION OF CAVITE PROVINCE
MUNTING ILOG INTEGRATED NATIONAL HIGH SCHOOL

Panagalan: _____________________________ Guro: Bb. Mushmee A. Detruz/


Gng. Sheera R. Loyola
Baitang/Pangkat: 9- Quarter: Ikatlo

QUARTERLY EXAMINATION IN ENGLISH 9


3rd Quarter, AY 2022-2023

I. Panuto: Suriin ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa


para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag
na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan

2. Mula sa elihiya “Sa Gabi ng Pagluluksa” ni Solimon Agulto Santos ay piliin ang angkop na
salita para mabuo ang elihiya.

Ngayong gabi,
nagluksa ang mga dahon ng akasya
na dati nating sinisilungan
pumatak ang ulan
paunti-unti hanggang hindi na mabilang.
(2)_____tayo pareho
at nangibabaw ang lamig sa paligid
mabuti na lamang at pinabaunan mo ako ng yakap
hinagkan ko ang iyong luha
mariin at sapat
para hintayin ang mga susunod na gabi
at ang paglitaw ng bagong liwanag

A. Naampiyasan
B. Nabasa
C. Naarawan
D. Nahalumigmigan
3. Ang may-ari ng ubasan ay may ginintuang-puso.
Ano ang nais ipakahulugan ng mga salitang may salungguhit?

A. Maglinis ng kapaligiran.
B. Ipaglaban ang pamayanan kung may mga mananakop.
C. Mag-aral nang mabuti upang makabahagi sa pag-unlad nito.
D. Magpatupad ng mga proyekto upang malutas ang mga problemang nagaganap

4. Mula sa elihiya sa kamatayan ni kuya may mga damdaming napukaw at naipakita dito. I
grupo ang mga damdamin na matatagpuan mula sa elihiya sa kamatayan ni kuya.

I. Pagibig II. Pighati III. Kalungkutan IV. Kasiyahan V. Pagkalugi

A. III, II, I, IV
B. I. II, III
C. II, III, IV
D. II, III, IV,V
5. “Nabalisa ako nang malaman kong nagkasakit ka.” Ano ang pinakamasidhing antas ng
damdamin ng salitang may salungguhit?

A. Natuwa ako nang malaman kong nagkasakit ka


B. kinilabutan ako nang malaman kong nagkasakit ka
C. nagimbal ako nang malaman kong nagkasakit ka
D. natakot ako nang malaman kong nagkasakit ka
6. Mula sa mga pangyayari sa maikling kwento ng Testimonyang Lila na nag mula sa bansang
Hongkong, pumili ng apat na pahayag sa ibaba na sa palagay mo ay naglalarawan sa
pinakamatitinding pagbabago at kasawiang sinapit ng kasambahay.
I. Bakit nakakaya niyang tumangis nang ganoong karami’t kadalas, umaapaw
at dumadaloy sa kanyang mga pisngi pababa sa kanyang baba
II. Sobra na talaga siya! Akala niya isa akong alipin, masahol pa saaso ang
trato niya sa akin!
II. Sinaktan ako ng babaeng iyon! Pinagbibintangan akong nilalandi ang
kanyang asawa!
IV. Buong gabi siyang humagulgol. Lagi ko siyang napapansing wala sa ulirat
at nananaginip nang gising. Bakante ang kanyang mga mata
V. Sabay na tumatawa’t lumuluha. May pagdurusa, may hinanakit at may
desperasyon.
VI. Demonyo! Demonyo talaga siya! Ginahasa niya ako!
VII. Kinikimkim niya ang lahat ng sugat sa kanyang puso. Pinagsasaluhan
namin lahat ng kanyang pasanin nitong mga nakaraang tatlong buwan. Walang matakbuhan
ang babae kundi ako, ako lang. Sa akin niya laging dinadaing ang lahat ng tiniis niyangpang-
aabuso

A. II, III, IV
B. I, II, III
C. IV, V, VII
D. III, V, VII

7. Tuwing Sabado lamang nagkikita sina Rebo at ang tagapagsalaysay. Ginamit ang Sabado sa
kuwento bilang pananda sa pagkakasunod-sunod sa mga huling linggo ni Rebo kapiling ang
tagapagsalaysay at iba pang mahal niya sa buhay. Ibuod ang mga naganap sa huling anim na
Sabado ni Rebo gamit ang numerik na presentasyon sa ibaba.

I. Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng


kaarawan kahit hindi pa araw.
II. Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado
namasisilayan siya ng mga nagmamahal.
III. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado.
IV. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit
ng ikaapat na Sabado.
V. Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktongkatapusan.
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak.
VI. Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya

A. I, II, III, IV, V, VI


B. I, VI, III, IV, V, II
C. VI, II, IV, III, I, V
D. VI, II, III, IV, I, V

8. Sinabi nila, “Isang oras lamang gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon
kaming nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw. Bakit naman pinagpare-pareho
ninyo ang aming upa?” Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang maihahalintulad sa pahayag
na ito?

A. maganda ang performance sa opisina na nabibigyan ng pagkilala


B. mga nagtatrabahong nag-o-over time sa opisina ngunit sakto pa rin ang kita
C. mga trabahador na maagang pumasok na ikinukumpara sa late pumasok sa trabaho
D. mga manggagawa sa isang opisinang nagrereklamo sa kanilang natatanggap na suweldo

9. Mula sa bahagi ng kwento ng Alamat ng Unang Sirena analisahing Mabuti ang pangyayari
na nagpapakita ng pangabay na pamanahon kung saan tinutukoy ang pakikipag negosasyon
ni Tirso sa hari ng dagat.

A. Sa ikatlong taong pagsasama ng mag-asawa saka pa naglihi si Vilma. Sa kanyang paglilihi


laging gustong iulam sa pagkain ay isdang bangus.
B. Galit na galit ang Haring Bangus.
C. “Bukas magsisimula ang rasyon. Bibigyan kita ng isda.”
D. “Kita’y tutulungan. Linggo-linggo o kahit araw-araw kita’y bibigyan ng bangus sa isang
kondisyon?”
10. Mula sa bahagi ng kwento ng Alamat ng Unang Sirena, ano ang posibleng naging
katapusan ng kwento?

“Magpakalalaki ka! Pahalagahan mo ang iyong pangako at ang ating


kasunduan!”
Nag-isip si Tirso. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isda
lamang kaya hindi nito kayang agawin o kunin si Marita kung ito’y malayo sa
dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na hindi niya tutuparin ang kanyang
pangako.
Siya’y nagtatakbo na walang kaputok mang sinalita.
Galit na galit ang Haring Bangus. “Oras na ang batang iyan ay pumarito sa
aplaya, siya’y aking dudukutin!” naibulong sa sarili.

A. Mula noon ay hindi na nakita sina Tirso, Vilma at Marita sa bay-bay dagat.
B. Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan.Nang dumating doon si Marita,
nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang lumapit sa bangka. Sa isang iglap siya ay
sinakmal ng dambuhalangalon.
C. “Bukas magsisimula ang rasyon. Bibigyan kita ng isda.”
D. Sila’y may namataang isang magandang babaeng mahaba ang buhok. Ito’y lumalangoy. Ang
kalahati ng kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay walang paa. Ang pinakapaa
ay puno ng kaliskis. Sa dulo ay palikpik.

11. Mula sa bahagi ng kwentong epiko ni “Tuwaang” “Dumaan muna si Tuwaang sa lupain ng
Binata ng Pangavukad. Dinulutan si Tuwaang ng itso (ikmo at bunga). Ang pagdudulot ng itso
sa panauhin ay kaugalian ng mga Muslim.” Anong kultura ng mga Muslim ang ipinakita sa
pangungusap na ito?
A. pagpapakita ng kabutihan sa mga panauhin
B. pagpapakita ng hindi pagtanggap sa mga panauhin
C. pagpapakita ng mainit na pagtanggap sa mga panauhin
D. pagpapakita ng pagtanggap sa mga panauhin
12. Mula sa kwento ng Tuwaang epiko ng mga Bagobo. Ilarawan ang taglay na katangian ng
pangunahing tauhan kung kaya’t nagwagi siya sa kanyang katunggali?

A. Ang pangunahing tauhan sa Tuwaang ay nagpakita ng katapangan, katalinuha at


kalakasan
B. Ang pangunahing tauhan sa Tuwaang ay nagpakita ng Katalinuhan, katapangan at
mapagpakumbaba
C. Ang pangunahing tauhan sa Tuwaang ay nagpakita ng kabutihang loob, kalakasan at
pagiging duwag
D. Ang pangunahing tauhan sa Tuwaang ay nagpakita ng kaduwagan, pagiging sakim at
humihingi ng kapalit sa nagawang kabutihan.

13. Mula sa piling bahagi ng kwento ng Alamat ng Buhangin. “Naghintay nang naghintay si
Beha sa mabatong dalampasigan,lumipas na ang tatlo,apat,limang buwan hanggang
umabot na sa taon ang kaniyang paghihintay, ngunit ni anino ni Tonio ay di na nagpakita,
unti-unting nalungkot si Beha sa ginawa ni Tonio ang kaisa-isang lalaking kanyang minahal
ng higit pa sa kanyang sarili ay di tumupad sa mga pangakong kanyang binitawan. Ibigay
kung anong klaseng panguri ang ginamit para mailarawan ang karakter ni Beha.

A. Ang mga salitang may salungguhit ay nagpapakita ng pang uring pamilang na panunuran
dahil ipinakita ang pagkaka sunod-sunod ng taon ng pag hihintay ni Beha
B. Ang mga salitang mga salunguhit ay nagpapakita ng pang uring pamilang na patakaran
dahil ipinakita ang aktuwal na bilang ng buwan ng paghihintay ni Beha kay Tonyo.
C. Ang mga salitang may salunguhit ay nagpapakita ng pang uring pamilang na pamahagi
dahil ipinakita nito ang pagkakabagi ng pagaantay ni Beha kay Tonyo.
D. Ang mga salitang may salunguhit ay nagpapakita ng pang uring pantangi dahil ipinapakita
dito ang pagiging kabahagi ni Beha sa kulturang Eoropano.

14. Mula sa piling bahagi ng kwento ng Alamat ng Buhangin. “Habang naglalakad ang lalaki
patungo sakubo nakita niya si Beha na nangunguha ng saging sa tabi ng kubo, siya'y
nangusap. Nagulat na lamang si Beha sa lalaking iyon at agad tumakbo paloob ng kubo.
Nagtaka at natawa na lamang ang lalaki sa inasal ni Beha kaya sinundan na lamang niya ito
sa munting kubo. Marahan siyangkumatok at nagsalita..."Binibini, maaari bang magtanong?”
Ibigay kung anong klaseng kultura ang meron sa Turkey base sa inasal ni Beha sa binatang si
Tonyo.

A. Ang pangyayaring may salunguhit ay nagpapakita ng pagiging palakaibigan ni Beha.


B. Ang pangyayaring may salunguhit ay nagpapakita ng pagiging mailap ni Beha sa mga tao.
C. Ang pangyayaring may salunguhit ay nagpapakita ng pagiging mailap ni Beha sa mga taong
hindi niya lubos na kilala.
D. Ang pangyayaring may salunguhit ay nagpapakita ng pagiging suplada ni Beha sa mga
taong hindi niya gusto.

II. Panuto: Suriin ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang sagot.

1. “Maitutulad sa isang taong lumabas nang maagang-maaga upang humanap ng manggagawa


para sa kaniyang ubasan.” Alin sa mga sumusunod ang magbibigay-patunay na ang pahayag
na ito ay nangyayari sa totoong buhay?
A. may mga taong naghahanap ng mauutusan
B. may mga taong nagbabahagi ng kanilang biyaya
C. may mga taong buong-pusong tumutulong sa kapwa
D. may mayayamang humahanap lamang ng trabahador upang pahirapan

2. Ano ang nais ipakahulugan ng talinghagang, “Gayondin naman, ayaw ng iyong Amang nasa
Langit na mawala isa man sa maliliit na ito” –Mateo 18:14?
A. maliit man, may bilang din sa Panginoon
B. mahalaga sa Panginoon ang kaniyang mga anak
C. lahat ay pantay-pantay sa paningin ng Panginoon
D. lahat ng kasalanan ng tao ay kayang patawarin ng Panginoon

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay;
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

3. Anong kaisipan ang nais iparating ng bahagi ng elehiyang nasa itaas?


A. pagkagalit
B. pagpapasakit ‘
C. paghihiganti
D. pag-alala sa namayapa

4. Sino ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya?”


A. kuya
B. nanay
C. manunulat
D. nakababatang kapatid

5. “Naliligayahan akong malaman na isa ka sa mga magtatapos sa Marso.” Tukuyin sa


pangungusap ang ginamit na salitang nagpapakita ng masidhing damdamin.
A. isa
B. magtatapos
C. malaman
D. naliligayahan

6. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at


pagkabagot. Anong tunggalian ang isinasaad ng pahayag?
A. tao vs. tao
B. tao vs. sarili
C. sarili vs. tao
D. sarili vs. sarili
7. Alin sa mga pangungusap o pahayag ang nagpapakita ng transpormasyon na nakayang
magtagumpay ng pangunahing tauhan laban sa malalakas na pwersa sa lipunan?
A. Agad niyang dinala ang sulat sa hepe ng pulisya.
B. Napagtanto ng limang lalaki na sila ay napagkaisahan ng isang babae.
C. Dahil sa katagalan nang ‘di pag-uwi ng lalaki, nakadama siya ng kalungkutan at
pagkabagot.
D. “Kung talagang gusto mo, doon na lamang sa aming tahanan, tayo lang doon, hindi naman
kalayuan ang aking bahay.”

8. . “Subukin mo ngang pumasok at hindi ka kakasya riyan.” Pumasok nga ang karpintero sa
ikalimang compartment. At sinaraduhan ito ng babae. Sa ipinakitang tunggalian sa pagitan ng
babae at karpintero, anong kasabihan ang mas angkop na ilapat dito?
A. Daig ng masipag ang maagap
B. Kung ano ang itinanim, ‘yun din ang aanihin
C. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala
D. Matalino man ang matsing, napaglalalangan din

9. Naninirahan sa dulo ng Barangay Matahimik ang pamilya nina Mang Nelson at Aling Nelia.
Ang salitang barangay ay nagmula sa lumang bangkang Malay na tinatawag na
_______________.
A. balangay
B. balanghai
C. batangay
D. batanghay

10. Mula sa bahagi ng kwento ng Alamat ng Unang Sirena, ano ang posibleng naging dahilan
ng sobrang galit ng hari ng isda?

“Magpakalalaki ka! Pahalagahan mo ang iyong pangako at ang ating


kasunduan!”
Nag-isip si Tirso. Pumasok sa kanyang loob na ang kanyang kausap ay isda
lamang kaya hindi nito kayang agawin o kunin si Marita kung ito’y malayo sa
dagat o sa dalampasigan. Ipinasya niya na hindi niya tutuparin ang kanyang
pangako.
Siya’y nagtatakbo na walang kaputok mang sinalita.
Galit na galit ang Haring Bangus. “Oras na ang batang iyan ay pumarito sa
aplaya, siya’y aking dudukutin!” naibulong sa sarili.

A. Si Tirso ay malugod na tumupad sa kanilang usapan ng hari ng mga isda.


B. Si Tirso ay may malaking utang sa hari ng isda.
C. Si Tirso ay hindi tumupad sa usapan nila ng hari ng mga isda.
D. Si Tirso ay may atraso sa hari ng isda.

11. Ang bunsong anak ni Mang Fidel ay mabait at mahinhin. Ang pariralang may salungguhit
ay halimbawa ng _______________.
A. gawi
B. karakter
C. kilos
D. pananaw

12. Mula sa alamat ng Buhangin. Nagulat na lamang si Beha sa lalaking iyon at agad
tumakbo paloob ng kubo. Anong sitwasyon sa tunay na buhay ang maihahalintulad sa
pahayag na ito?

A. Maligaya ang mga tao na makakita ng bagong muka sa kanilang lugar kaya pinatuloy nya
kaagad ito sa kanilang kubo.
B. Maraming estranghero ang naliligaw lalo pa at hindi alam ang lugar na puountahan.
C. Kadalasan sa mga tao ay natatakot makipag usap sa taong hindi kilala.
D. Mraming tao ang nagpapakita ng pagiging suplada lalo pa at hindi kilala ang kausap.
13. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang may tamang pag gamit ng pang-abay na
“buhat ng dumating” ?

A. Buhat nang dumating ang kaniyang kasintahan ay nag-iba na ang kaniyang pag-
uugali.
B. Buhat nang dumating ay natulog na lamang.
C. Buhat nang dumating naglaba na lamang mag hapon.
D. Buhat ng dumating ay walang ginawa sa buong araw.
D. buhat nang dumating ay nag liwaliw na lamang sa mag hapon ang inatupag.

14. Tuwing Sabado lamang nagkikita sina Rebo at ang tagapagsalaysay. Ginamit ang Sabado
sa kuwento bilang pananda sa pagkakasunod-sunod sa mga huling linggo ni Rebo kapiling ang
tagapagsalaysay at iba pang mahal niya sa buhay. Analisahin ang mga naganap sa huling
anim na Sabado ni Rebo gamit ang numerik na presentasyon sa ibaba at alamin ang huling
pangyayari sa kanyang buhay.

I. Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang magdiwang ng


kaarawan kahit hindi pa araw.
II. Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling Sabado
namasisilayan siya ng mga nagmamahal.
III. Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado.
IV. Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking anak pagsapit
ng ikaapat na Sabado.
V. Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktongkatapusan.
Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking anak.
VI. Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya

A. I & II
B. I
C. II
D. III & IV
15. Mula sa piling bahagi ng kwento ng Alamat ng Buhangin. Pagkababa pa Lamang ni Tonio
sa barko ay napatakbo si Beha sa pagkagalak masilayan ulit si Tonio.
Napayakap si Beha sa kanya na siyang ikinagulat ni Tonio..."Oh, Beha ganyan ka ba kasabik
na makita ako?" gulat at pabirong sabi ni Tonio kay Beha "Paumanhin, nabigla lamang
ako,matagal na rin mula ng huli kitang nakita". "Ako rin Beha masaya ako na muli kitang
makita, naaalala mo pa ba noong unang akong mapadpad dito, nakatuwa ang iyong mga
inasal at oras na tayo'y masayang nag-uusap, tila ba
nahulog na ata ako sayo Beha, nagbalik lamang ako upang maihayag ko ang nararamdaman
ko sayo Beha" Ibigay kung anong klaseng kultura ang meron sa Turkey base sa inasal Beha
kay Tonyo.

A. Ang pangyayaring ay nagpapakita ng pagiging palakaibigan ni Beha.


B. Ang pangyayaring ay nagpapakita ng pagiging malalahanin ni Beha.
C. Ang pangyayaring ay nagpapakita ng pagiging mapusok ni Beha.
D. Ang pangyayaring ay nagpapakita ng mapagmahal ni Beha.

16. Sinabi niya kay Sohrab na mahalin at ingatan ang regalo sapagkat nagmula ito sa
kaniyang ama. Anong kaugalian ang sinasalamin sa bahaging ito?
A. mahalaga ang pagreregalo sa kapwa
B. ipinamamalas ang pagiging mapagpasalamat
C. ugali ng pagiging maaalalahanin sa lahat ng oras
D. ipinapakita sa tagpo ang kahalagahan ng pagpapahalaga
17. Inanyayahan ng Hari na tumuloy sa kaniyang tahanan si Rostam upang
makapagpahinga at doon ay mamalagi muna. Anong kaugalian ang masasalamin sa
tagpong ito?
A. mapanuri sa kapwa
B. palakaibigan sa kapwa
C. mapagkumbaba sa kapwa
D. pagiging handang tumulong sa kapwa

18. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang bayani?


A. maganda o pogi
B. maraming kaibigan
C. matalino at matapang
D. may karisma sa madla

Prepared by: Checked & Noted by: Approved by:

Mushmee A. Detruz, TI Ermelina P. Asuncion Norielyn C. Narciso


Head Teacher III Principal IV
Sheera R. Loyola, TIII
Subject Teachers

You might also like