You are on page 1of 2

Ikaapat na Markahan – El Filibusterismo

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________________


Baitang at Pangkat: ______________________________________ Guro: _______________________________

Unang Bahagi: PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng malalalim na salita sa Hanay A. Piliin ang titik ng
may tamang sagot.
A B
1. Cubierta/Kubyerta a. buwis
2. Taripa b. inuming nakalalasing
3. Eminencia Negra c. opyo o halamang pinagmumulan ng ipinagbabawal na gamut
4. Cerbeza d. palapag/sahig ng barko
5. Afyan e. pinuno ng simbahan na tinatawag na pari o kura
f. tagapayo at tanungan ng Kapitan Heneral

Ikalawang Bahagi: PANITIKAN


1.Alin sa sumusunod ang ginawang pagpapakasakit o sakripisyo ni Huli para sa kaniyang ama?
A.Nanilbihan siya sa isang mayaman.
B.Sumama siya kay Basilio upang makaisang dibdib ang kasintahan.
C.Nanilbihan siya sa kumbento kapalit ang kalayaan ng kaniyang ama.
D.Iniwan niya ang kaniyang ama at nagtungo siya sa Maynila upang mag-aral.
2.Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagmamahal ni Huli kay Basilio?
A.pag-iingat sa agnos na ibinigay ni Basilio
B.pagnanais na matulungan si Basilio na makalaya
C.paninilbihan kay Hermana Penchang kapalit ng salapi
D.isinakripisyo ang sariling buhay para sa kasintahan.
3.Ano ang dahilan ng pagkamatay ni Huli?
A.Pagkakahulog mula sa tuktok ng kumbento
B.Napagbintangang kasapi sa tulisan at nabaril
C.Dinakip siya at pinarusahan hanggang sa mamatay.
D.Isinakripisyo ang sariling buhay para sa kalayaan ng ama.
4.“Isipin mo na lang na natalo ang tatlumpong piso mo sa sugal. O kaya, nah ulog sa ilog at kinain
ng buwaya.” Ano ang nais ipahiwatig ni Tata Selo kay Tales batay sa pahayag na ito?
A.Huwag nang labanan ang mga pari.
B.Kalimutan na ang kaniyang salaping tila nalaglag sa ilog.
C.Hanapin ang buwayang tinutukoy upang makuha ang salapi.
D.Huwag maging sakim sa kaniyang mga nasasakupan sa baranggay.
5.Ano ang ipinakikita ng pagdadala ni Kabesang Tales ng baril, gulok, at palakol sa pangangasiwa
ng kaniyang bukirin?
A.lalabang mag-isa sa mga mapang-alipin
B.handa siyang ipagtanggol ang kaniyang sinasaka
C.mahusay gumamit ng baril, gulok at palakol si Tales
D.handang manghuli ng mga ibon at mangahoy sa gubat
6. “Kung makikita n’yo lamang ang mga maralitang nakita ko, mga kahabag-habag na nagtitiis ng
hirap dahil sa pagkakasalang ’di sila ang may sala, mga pagpatay upang mapagtakpan ang
kasalanan ng iba, mga sapilitang paggawa, ah!” Ang uri ng pamahalaang tinutukoy sa pahayag
ni Simoun ay pamahalaang ___________.
A.may pagpapahalaga sa batas
B.tumutulong wakasan ang kahirapan
C. makatutulong sa pag-unlad ng bayan
D.malupit, makapangyarihan dahil sa salapi, mapagsamantala at mapang-abuso sa
karapatang pantao
7.“Walang makababatid sa kalooban ng Diyos. Ang nalalaman ko’y hindi Siya nagpabaya sa mga
sandaling ang bayan ay tumawag sa Kaniya.” Ang karanasang pansarili na tinutukoy ni Padre
Florentino sa kaniyang pahayag ay hindi ____________.
A.nagpapabaya ang Diyos
B.nakatutulong ang pananampalataya sa Diyos
C.nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng tao
D.pantay ang tingin ng Diyos sa Kaniyang mga anak
8.“Tinitigan niya ang bangkay, matinding hapis ang mababakas sa mukha, ang sakit ng isang buhay
na walang kabuluhan dala hanggang kamatayan.” Ang paglalarawan ng damdamin mula sa
bahagi ng pahayag ay ___________.
A.ang sakit ng isang buhay
B.tinitigan niya ang bangkay
C.isang buhay na walang kabuluhan
D.matinding hapis ang mababakas sa mukha
9. “Itago ka nawa ng kalikasan kasama ang mga perlas at korales sa walang hanggang lalim ng
dagat. Kung sa isang dakila at marangal na layon ay kailanganin ka ng mga tao, kunin ka ng
Diyos sa pusod ng dagat. Samantala, diyan ay hindi ka magliliko ng katuwiran at hindi mag-
uudyok ng kasakiman.” Ang kaisipang lumutang sa pahayag ay ___________.
A.pananalig sa kapangyahiran ng Diyos
B.pag-ibig ng Diyos sa Kaniyang mga anak
C.pagpaparusa sa mga walang pagpapahalaga
D.pagmamahal sa Diyos, bayan, pamilya, at kapuwa-tao
10.Tukuyin kung alin sa sumusunod na pangyayari ang sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino
noon na binigyang-diin sa nobelang El Filibusterismo.
A.Malaya ang mga Pilipino.
B.Masaya at payak ang pamumuhay ng mga Pilipino noon.
C.Kawalan ng katarungan at kalayaan ng maraming Pilipino.
D.Pagbibigay-pagkakataon ng mga fraileng Kastila na makapag-aral ang kabataang Pilipino.

Ikalawang Bahagi: GRAMATIKA


A. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa Hanay A. Piliin ang
titik ng may tamang sagot.
A B
1. makapal ang palad a. dumaranas ng sobrang
pahihirap
2. butas ang bulsa b. mahirap
3. kapit sa patalim c. masipag
4. pantay na ang mga paa d. namatay na
5. tinik sa lalamunan e. sagabal o problema
f. ubos na ang pera
B. Panuto: Suriin kung anong uri ng paglalarawan ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag.
Isulat ang K kung Kongkreto at A kung Abstrakto ang uri ng paglalarawan.
1. Simbilis ng hanging naglaho ang pagtingin niya kay Minerva.
2. Ang silid ay maliit, maayos, yari sa kahoy at may maliit na bintana.
3. Animo’y bathaluman, lumalakad ito nang taas ang noo, buong tiwala sa sariling tinutunton
ang daan.
4. Nagtago sa likod ng mga ulap ang buwan ngayong gabi.
5. Kitang-kita sa kinang ng kanyang mga mata ang kaligayahan.

Inihanda ng mga Guro sa Filipino 10

You might also like