You are on page 1of 2

Ikaapat na Markahan – El Filibusterismo

Unang Lagumang Pagsusulit sa Filipino 10

Pangalan: ______________________________________________________________ Petsa: ______________________________________


Baitang at Pangkat: ___________________________________________________ Guro: ______________________________________
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng may
tamang sagot.
Unang Bahagi: PANITIKAN
1. Ang itinuturing na Pambansang Bayani ng Pilipinas at manunulat ng nobelang El Filibusterismo.
A. Andres Bonifacio B. Apolinario Mabini C. Francisco Balagtas D. Jose Rizal
2. Ang salin sa wikang Filipino ng pamagat ng nobelang El Filibusterismo.
A. Ang Filibusterismo C. Ang Pilibustero
B. Ang Paghahari ng Kasakiman D. Huwag Mo Akong Salingin
3. Inalay ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa ________?
A. Inang Bayan B. Kanyang mga kababayan C. GomBurZa D. Leonor Rivera
4. Naipalimbag ang El Filibusterismo sa tulong ng kaibigang si__________na nagpahiram ng salapi.
A. Ferdinand Blumentritt C. Maximo Viola
B. Jose Basa D. Valentin Ventura
5. Natapos isulat ni Rizal ang El Filibusterismo noong _________.
A. Marso 22, 1891 B. Marso 29, 1891 C. Setyembre 22, 1891 D. Setyembre 29, 1891
6. Naipalimbag ang El Filibusterismo sa Ghent, Belgium noong _____________.
A. Marso 22, 1891 B. Marso 29, 1891 C. Setyembre 22, 1891 D. Setyembre 29, 1891
7.Ang sumusunod ay mga sakripisyo at kahirapang naranasan ni Dr. Rizal habang isinusulat niya ang nobela maliban
sa isa.
A.Minsa’y makalawa lamang siyang kumain maghapon.
B.Napilitan siyang isanla ang lahat ng kaniyang alahas.
C.Ang mga magulang niya at mga kapatid ay pinag-usig ng pamahalaang Kastila.
D.Napilitan siyang makipaghiwalay sa kaniyang katipan upang bigyang-pansin ang pagsusulat.
8.Ang mga ito ay kondisyong umiral sa lipunang Pilipino noong panahong iyon kaya sinikap ni Dr. Rizal na matapos
ang pangalawa niyang nobela maliban sa isa.
A.Pinapatawan ng kamatayan ng mga Espanyol ang sinomang Pilipinong nais nilang mamatay.
B.Sapilitang pinagtatrabaho sa mga pagawaan ng pamahalaang Espanyol ang mga Pilipino.
C.Sinomang sumubok na sumuporta at tumulong sa kaaway ng mga Espanyol ay parurusahan din.
D.Pinahahawak ng mataas na puwesto sa pamahalaan ang mga Pilipino kapalit ng buwis na kailangan nilang
bayaran.
9.Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit mahalaga ang papel na ginampanan ng nobelang El Filibusterismo sa
kasaysayan at pamumuhay ng mga Pilipino maliban sa isa.
A.Pinasigla at pinatibay nito ang loob ng mga Pilipino sa pakikidigma laban sa Espanya.
B.Nakatulong ito nang malaki kay Andres Bonifacio at sa Katipunan sa Paghihimagsik noong 1896.
C.Binuksan nito ang isipan ng mga mananakop upang ipagkaloob na ang ganap na kalayaan sa mga Pilipino.
D.Ito ang nagturo sa kapilipinuhan ng pagkabihasa, ng pagbabagumbuhay, at ng landas tungo sa kaligtasan.
10.Nagbalik si Simoun sa bansa upang ipagpatuloy ang hangaring makamit ang kalayaan mula sa malupit na kamay ng
mga banyaga. Si Simoun ay isang mamamayang __________.
A.may malasakit sa bayan C.nagngingitngit na gumanti sa kaaway
B.namumuhi sa sariling bayan D.gagawin ang lahat para sa minamahal
11.“Ako po’y naging masamang anak at kapatid, G. Simoun. Nilimot kong pinatay ang aking kapatid at pinahirapan ang
aking ina. Wala nang nalalabi sa akin kundi gantihan ng sama ang sama, pagpatay ang pagpatay, pamamaslang ang
pamamaslang,” saad ni Basilio. Ang paksang pangungusap na angkop sa pahayag ay __________.
A.papaslang ako kung kinakailangan C.ako ay naging masamang anak at kapatid
B.nais kong gumanti sa mga kalaban D.nilimot kong pinatay ang kapatid ko at pinahirapan ang aking ina
12.Hindi tumigil si Simoun hanggang hindi pumapayag si Basilio na makipagtulungan sa kaniya na maghimagsik laban
sa mga kaaway. Si Simoun ay __________.
A.naghahanap ng kakampi sa paghihimagsik
B.determinado sa kaniyang mga nais sa buhay
C.ginigising ang diwa ng mga kabataan upang makipaglaban
D.inuudyukan ang mga kabataang kalabanin ang pamahalaan
13. “Tayong lahat, Ama, ay uuwi sa alabok at isinilang tayong walang damit,” ano ang kahulugan ng pahayag na ito ni
Kabesang Tales?
A. Pare-pareho lamang ang bawat tao nang isinilang.
B. Magkakatulad lamang ang bawat tao na may hangganan ang buhay.
C.Pantay ang karapatan ng bawat isa mula sa pagsilang hanggang sa kamatayan.
D.Iwanan man ang magulang ng kanilang anak ay babalik at babalik pa rin ito sa kanilang tahanan.
14.Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaagaw ng korporasyon sa lupain ni Kabesang Tales?
A.pagiging mabuting kabesa ni Tales
B.kasamaang umiiral noong panahon ng Kastila
C.kabutihan ng mga prayle sa ibang mamamayan
D.pamimigay ng lupaing binungkal ni Kabesang Tales sa ibang mamamayan
15.“Si Huli ay may ulong parang salaan – puno lamang habang nasa tubig.” Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng
pahayag na ito?
A. Mahina ang kaniyang pag-unawa. C.Nag-uumapaw sa kaalaman si Huli.
B.Wala siyang maisaulo sa binabasa. D.Mabagal siyang magproseso ng binabasang aklat

Ikalawang Bahagi: GRAMATIKA


16. Ito ay isang mabisang paraang maaaring gamitin sa paghahanay ng mga pangyayaring naganap sa isang
kasaysayan.
A.diary o talaarawan C. grapikong pantulong
B.flashback o balik-tanaw D. timeline o talatakdaan
17. Ang sumusunod ay mga batis ng impormasyon o sangguniang maaaring gamitin upang makapagtala ng
mahahalagang impormasyon tungkol sa kaligirang pangkasaysayan kung ang kailangan ay mga orihinal na
pahayag at obserbasyon maliban sa isa.
A.awtobiyograpiya B.diary C.encyclopedia D.rekord ng tanggapan ng gobyerno
18.Sa paghango sa iba’t ibang sanggunian/reperensiya/batis ng impormasyon ng kaligirang kasaysayan ng El
Filibusterismo, ang sumusunod ay mahahalagang impormasyong mapupulot dito maliban sa isa.
A.mga datos na kailangan sa kasaysayan
B.pinanggalingan ng mga katunayan hinggil sa kasaysayan
C.mga halimbawa ng facts at figures kaugnay ng kasaysayan
D.kasagutan sa mga tanong mula sa taong kasangkot sa kasaysayan
19.Ang tamang pagbabantas, pagbaybay at paggamit ng malaking titik ay mga __________ sa pagsulat.
A.layunin B.mekaniks C. pamantayan D. salik
20.Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagbubuod, maliban sa isa.
A.Tukuyin ang paksang pangungusap o pinakatema at mga susing salita.
B.Isulat ang mga kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap.
C.Magsaliksik ng mga karagdagang detalye tungkol sa paksa mula sa internet.
D.Pag-ugnay-ugnayin ang mga detalye upang mabuo ang pangkalahatang kaisipan.
21.Ang sumusunod ay wasto tungkol sa pagbubuod maliban sa isa.
A. Ito ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto o akda.
B.Ang buod ay ang unang impresyong makukuha sa unang pagbasa ng akda.
C.Ang buod ay maikli ngunit malaman; ito ay nagpapahayag ng buong diwa ng orihinal na akda.
D.Pinipili sa buod ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideyang isinusulat sa sariling salita o
pangungusap.
22.Habang nagbabasa ay isinusulat ni Jam ang mga importanteng punto mula sa teksto. Ang kasanayan sa pagbubuod
na ipinakita ni Jam ay ang __________.
A.pagbasa sa akda
B.pagtukoy sa paksang pangungusap o pinakatema at mga susing salita
C.pagsulat ng sariling kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap
D.pag-uugnay-ugnay ng mga detalye upang mabuo ang pangkalahatang kaisipan
23.Maaaring basahin nang paulit-ulit ang teksto o akda bago sumulat ng buod. Ang pahayag ay __________.
A.mali, sapagkat uubos ito ng maraming oras
B.mali, sapagkat ang pagbubuod ay ginagawa batay sa unang impresyon sa akda
C.tama, sapagkat hindi mo malilimutan ang daloy ng kuwento habang nagsusulat ng buod
D.tama, sapagkat makatutulong ito upang maunawaan nang mabuti ang akdang ibubuod
24. Mahalaga ang wastong pagbabantas sa pagsulat sapagkat __________.
A.ito ay palamuti sa isang pangungusap C.nagdaragdag ito ng kahulugan sa pangungusap
B.napalilinaw nito ang kaisipang nais ipabatid D.nagbibigay ito ng magandang istruktura sa
pangungusap
25.Gumagamit tayo ng mga wastong pang-ugnay sa pagsulat ng buod upang __________.
A.mabago ang kaisipang nilalaman ng buong akdang ibinuod
B.mapaganda ang anyo ng pangungusap na naglalahad ng buod
C.mapahaba at maging kaaya-aya sa pandinig ang paglalahad ng mga pangyayari
D.maging malinaw ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari o magbigay-hudyat sa pagbabago ng pangyayari

Inihanda ng mga Guro sa Filipino 10

You might also like