You are on page 1of 66

LECTURE 1:

SI JOSE P. RIZAL
BUONG PANGALAN
NI RIZAL

DR. JOSE PROTACIO


RIZAL MERCADO Y
ALONZO REALONDA
Dr.
-siruhano o maninistis ng
mata
-nag-aral ng Medisina sa
Unibersidad ng Sto.
Tomas at natapos sa
Unibersidad Central de
Madrid
JOSE
-deboto ni San
Jose Obrero ang
kanyang ina
PROTACIO
-ang pangalan ng
patron sa kalendaryo
kung saan natapat ang
pista ni San Protacio sa
kaarawan ni Jose (ika-
19 ng Hunyo)
RIZAL
-hango sa Espanyol na salita
“ricial" na ang ibig sabihin ay
luntiang bukirin
-ito rin ay bilang pagsunod sa
Batas Claveria noong 1849 na
ipinatupad ni Gobernador Heneral
Narciso Claveria, kung saan ang
bawat pamilyang Pilipino ay pipili
ng apelyido base sa listahang
naaayon sa wikang Espanyol
MERCADO
-tunay na apelyido ng
kaniyang ama na unang
ginamit ni Domingo
Lamco
-hango sa Espayol na ang
kahulugan ay palengke o
pamilihan
ALONZO
-orihinal na apelyido
ng kanyang ina
REALONDA
-ginamit ng mga
Alonzo bilang pagtupad
sa Batas Claveria
-hango sa ninang ni
Teodora
EDUKASYON NI RIZAL
-tanging lampara lamang ang
ilawan subalit buong-tiyagang
tinuruan ng kaniyang ina at
madalas na may kuwento upang
maturuan siya ng kabutihang-
asal
-tatlong taon pa lamang siya ay
kabisado na ang abakada
-sa edad na lima, marunong
nang bumasa at sumulat
EDUKASYON NI RIZAL
-noong siyam na taong gulang
na, pinag-aral siya sa Biñan,
Laguna sa ilalim ng maestrong si
G. Justiniano Aquino Cruz
-kaya lang ilang buwan lamang,
pinayuhan niya ang kanyang ina
na iluwas si Rizal sa Maynila at
doon pag-aralin dahil lahat halos
ng itinuturo ng guro ay alam
niya na
EDUKASYON NI RIZAL
-kaya inilipat siya ng kanyang ina
sa Ateneo Municipal De Manila
kung saan siya ay nakatapos nang
may notang sobresaliente at
pinakamataas na karangalan
-sumunod ay nag-aral naman siya
ng Medisina sa Unibersidad ng
Santo Tomas dahil nalaman niyang
ang kaniyang ina ay tinubuan ng
katarata at nais niyang siya mismo
ang magpagaling dito
EDUKASYON NI RIZAL
-inilipat siya ni Paciano sa
Unibersidad Central De Madrid
sa Espanya upang doon
ipagpatuloy ang pag-aaral ng
Medisina
-ito ay lingid sa kaalaman ng
kanilang ama at ina dahil alam
nilang hindi siya papayagan
dahil siya ay nag-iisa lamang
EDUKASYON NI RIZAL
-madalas ay hindi dumarating
sa oras ang padalang salapi ng
kaniyang kapatid kaya
kinailangan niyang magtipid
-doon niya natapos ang
kursong medisina at
nagpakadalubhasa rin siya sa
paggamot sa sakit sa mata sa
Pransya
EDUKASYON NI RIZAL
-nang sapat na ang kaniyang
kaalaman, umuwi siya sa
Pilipinas at matagumpay
niyang inoperahan ang mata
ng kaniyang ina
-walang kasinligaya ang
naramdaman niya nang oras
na iyon dahil siya mismo ang
nakapagdulot ng kagalingan
sa mahal niyang ina
ANG PAG-IBIG NI RIZAL
SEGUNDA KATIGBAK
-siya ay ang puppy love ni Rizal
-siya ay 14 na taong gulang na dalagita
na kapatid ng kaklase at kaibigan ni Pepe
na si Mariano Katigbak
-Kolehiyo ng La Concordia ang kanyang
paaralang pinasukan kung saan rin nag-
aral ang kapatid ni Rizal na si Olympia
ANG PAG-IBIG NI RIZAL
LEONOR RIVERA
-katipan ni Rizal
-hindi sang-ayon sa kanilang pag-iibigan
ang pamilya dahil sila raw ay malayong
magpinsan
-ipinagpatuloy nila nang lihim ang kanilang
ugnayan kahit siya’y nasa Europa sa
pamamagitan ng pagpapalitan nila ng liham
-subalit isang araw, natuklasan ni Rizal na si
Leonor pala’y ipinakasal na sa isang
mayamang inhinyero na naging dahilan
upang matigil ang pagpapadala niya ng
liham
ANG PAG-IBIG NI RIZAL
JOSEPHINE BRACKEN
-napangasawa ni Rizal
-Ikinasal sila sa juez sa Dapitan,
Zamboanga
-hindi kalaunan, nagdalang-tao
siya subalit sa kasamaang-palad,
siya ay nakunan kaya’t ang
kaniyang anak sanang
pinangalanan Francisco ay ’di niya
nakapiling kailanman
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANG BAYANI

-naganap noong Panahon


ng Amerikano
-bukambibig ang
kanyang pangalan dahil
sa kanyang kadakilaan
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANGBAYANI

Ang mga sumusunod na tao


ang nagsagawa ng diskusyon:
-Gob. Hen. William H. Taft
-Morgan Shuster
-Dean Worcester
-Henry Ide
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANG BAYANI

Ang mga sumusunod na tao


ang nagsagawa ng diskusyon:
-Trinidad Pardo de Tavera
-Gregorio Araneta
-Cayetano Arellano
-Jose Luzurriaga
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANG BAYANI

Pamantayan sa Pagpili
-Pilipino
-namayapa
-matayog na pagmamahal
sa bayan
-mahinahong damdamin
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANG BAYANI

Pinagpiliang Bayani ng Lahi


-Jose P. Rizal
-Marcelo H. Del Pilar
-Graciano Lopez-Jaena
-Antonio Luna
-Emilio Jacinto
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANG BAYANI

-Ayon sa tala, maraming


pumili kay Del Pilar ngunit
binago ayon kay Otley Beyer,
isang dalubhasa sa
antropolohiya.
-maraming nagluksa at
humanga dahil sa katapangan
at kadakilaan
PAGPILI KAY RIZAL
BILANG PAMBANSANG BAYANI

-ang pagkamatay niya ang


lalong nagpaalab sa mga
Pilipino na ipaglaban ang
kalayaan
-hindi lamang pinakabantog
ngunit pinakadakilang taong
nilikha
LECTURE 2:
NOLI ME TANGERE
VS. EL FILBUSTERSIMO
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

-mula sa salitang Latin -mula sa salitang


na nangangahulugang Filibustero na ibig
”Huwag Mo Akong sabihin ay taong
Salingin”, hinango ito kalaban ng mga prayle
sa bibliya sa -nangangahulugang
ebanghelyo ni San “Ang Paghahari ng
Juan (Juan 20: 13-17) Kasakiman”
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

-inalay sa Inang -inalay sa


Bayan GomBurZa, ang
talong paring
martir
-may 64+ na -may39 na
kabanata kabanata
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

-nobelang -nobelang
panlipunan pulitikal kung
o nakatuon ang saan nakatuon
lakas sa ang lakas sa
simbahan pamahalaan
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

-ang pangunahing -ang pangunahing


tauhan na si tauhan na si
Crisostomo Ibarra Simoun ay puno
ay puno ng ng galit, dahas at
hangarin, pag-asa paghihiganti
at pagmamahal
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO

-nagsimulang -nagsimulang
gawin ito noong gawin ito noong
1884 sa Spain at 1890 sa England at
natapos ito noong natapos sa
Pebrero 1887 sa Belgium noong
Berlin,Germany 1891
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO
-nakita ni Rizal ang -naniniwala si Rizal na
pagkakatulad sa biktima sila ng walang
pagmamaltratong malupit katarungan at
ng Espanya sa kalapastanganan ng Spain
diskriminasyon ng sa tatlong pari na sina
Amerikanong puti sa itim Mariano Gomez, Jose
(Uncle Tom’s Cabin) Burgos at Jacinto Zamora.
-naging ehemplo rin ang
Don Quixote Dela Mancha
PAGHAHAMBING
SA NOLI ME TANGERE
AT EL FILIBUSTERISMO
NOLI ME TANGERE EL FILIBUSTERISMO
-nalimbag sa tulong ni -sinimulang ilimbag ito
Maximo Viola sa noong Mayo 1891 at dahil
Germany at bilang sa kakapusan ng pera ni
pagpapasalamat ay Rizal ay nahinto ito at
ibinigay ang orihinal na natapos ang paglilimbag
manuskrito at plumang noong Setyembre 1891 sa
ginamit sa paggawa tulong ni Valentin Ventura
at bilang pasasalamat ay
ibinigay ang orihinal at may
lagdang manuskrito
LECTURE 3:
KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
NG EL FILBUSTERSIMO
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Ang mga simulain sa nobelang
ito ay siyang nagpasigla at
nagpatibay ng loob ng mga
Pilipino sa pakikidigma laban sa
Espanya, at siya rin namang
nagtaguyod sa kanila sa
mahabang panahong ginugol sa
pagtuklas ng kasarinlan.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Ang El Filibusterismo ang siyang
nagturo sa kapilipinuhan ng
pagkabihasa, ng
pagbabagumbuhay, at ng landas
tungo sa kaligtasan―kaligtasang
matatamo lamang sa
pamamagitan ng sariling
pagsisikap.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-1890 noong simulang isulat ang nobela sa England
-Mga suliranin habang isinusulat ang El
Filibustersimo
• nagtipid siya nang ’di gagaano
• napilitang isanla ang lahat ng kaniyang alahas
• ang mga kapanalig niya sa La Solidaridad ay
nakipaglayo sa kaniya
• ang mga magulang niya at mga kapatid ay pinag-
usig at pinasakitan ng pamahalaang Kastila
• ipinakasal sa iba ang kaniyang binibining katipan
ng mga magulang nito
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Marso 29, 1891 noong natapos ang
nobela sa Belgium
-Ayon sa pahayag ng may-katha sa
isang liham kay Jose Basa,
makabayang kaibigan ng bayani, ang
manuskrito ng nobela ay ibinigay nito
sa isang palimbagan sa Gante nang
nagtatapos ang buwan ng Mayo,
1891.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Sa isang banggit sa The Hero of the
Filipinos, talambuhay na isinulat nina
Russell at Rodriguez, ay mahuhulo na
ipinalimbag ni Dr. Rizal ang El
Filibusterismo sa pag-asang may
sapat na kuwaltang pantustos na
matatanggap siya na manggagaling
sa Pilipinas.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Nguni’t binigo siya ng mga pangyayari:
naibayad na lahat ang kuwaltang kaniyang
natipid; ang kuwaltang hinihintay ay hindi
dumating; ang ilang mayayamang Pilipinong
nangakong aabuloy ng halagang kakailanganin
sa pagpapalimbag ay pawang
nangakalimot―anupa’t halos nawalan na ng
pag-asa si Dr. Rizal na maipatapos ang kaniyang
paggawa. Dahil dito’y itinigil ang pagpapalimbag
sa El Filibusterismo na noo’y nasa pahina 112 pa
lamang.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Nangangalahati ang buwan ng
Setyembre, 1891, isang pangyayari ang
nag-iwas kay Dr. Rizal sa pagkabigo sa
kaniyang layunin―ito’y ang halos
himalang pagdating buhat sa Paris ng
kuwaltang padala ng matalik niyang
kaibigang si Valentin Ventura. Sa bagay
na ito ay naligtas ang ating bayani sa
pagkagipit at ang El Filibusterismo ay
natapos ipalimbag humigitkumulang
noong ika-22 ng Setyembre, 1891.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Bilang pagkilala ni Dr. Rizal sa
malaking utang na loob ay inialay niya
kay G. Ventura ang orihinal na
manuskrito ng El Filibusterismo
kalakip ng isang inilimbag at
nilagdaang sipi ng nobelang ito.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Matapos mapadalhan ni Dr. Rizal ng mga sipi ng
El Filibusterimo ang mga tapat niyang kaibigan,
gaya nina Dr. Ferdinand Blumentritt, Marcelo
H. Del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Juan
Luna, ay ipinalagay niya sa mga kahon ang halos
lahat ng mga aklat na ipinalimbag. Ang
karamihan ay ipinadala niya sa Hongkong at ang
natirang bahagi ay sa Pilipinas naman. Ang
ginawang ito ni Dr. Rizal ay nagpapatunay na
isinulat niya ang El Filibusterismo upang basahin
sa Pilipinas at ’di sa Espanya, Pransya, Alemanya,
at iba pang bansa sa Europa.
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN

NG EL FILIBUSTERISMO
-Sa masamang kapalaran, lahat halos ng
mga sipi ng El Filibusterismo ay nasamsam
sa Hongkong at lahat naman ng dumating
sa Iloilo ay natutop at ipinasira ng
pamahalaang Kastila. May iilan-ilan ding
sipi ang nakarating at nabasa sa Pilipinas,
nguni’t sapat na ito upang makalikha ng
malaking sigla sa kilusang nauukol sa
paghihimagsik.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Iba’t ibang saling-pamagat
• The Filibustering (Ang Pilibustero)
• The Subersive (Ang Subersibo)
• The Reign of Greed (Ang Paghahari ng
Kasakiman)
pirata (pirate), isang taong mangingikil ng
buwis o pag-aari ng iba (plunderer), at isang
taong may kinalaman sa rebolusyon o
pumupunta pa sa ibang bayan upang
suportahan ang isang pag-aaklas (freebooter)
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Ayon mismo kay Dr. Jose Rizal, na
mababasa rin sa ginawang
introduksiyon ng kaibigan niyang si
Ferdinand Blumentritt para sa
kaniyang ikalawang nobela, ang
“filibustero” ay nangangahulugang
“mapanganib na taong (makabayan)
mamamatay kahit na anong oras”.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Ito ang kontekstuwal na
pagpapakahulugan ng mga Espanyol
at ilang Pilipino noon na nakaaalam
ng salitang ito. Unang pagkakataong
narinig ito ni Dr. Rizal ay noong
binitay ang tatlong paring martir dahil
sa pagkakadawit sa Cavite Mutiny.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Dahil dito, ipinagbawal mismo ni
Francisco Mercado, ama ni Dr. Rizal,
ang pagbanggit sa mapanganib na
salitang ito, maging ng mga salitang
“Cavite” at “Burgos” (isa sa tatlong
paring martir na kaibigan ng kapatid
ni Dr. Rizal na si Paciano), dahilan
kaya kakaunti lamang ang nakaalam
ng salitang ito.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Ang Cavite Mutiny ay ang pag-aaklas noon
sa Cavite ng tinatayang 200 pinagsama-
samang manggagawang Pilipino at lokal na
mga sundalo dahil sa sapilitang paggawa o
polo y servicio at pagkakaltas ng buwis ng
mga Espanyol sa natatanggap nilang bayad.
Gayunman, ang pag-aaklas na ito ay hindi
naging matagumpay dahil lahat ng nagsipag-
aklas ay hinuli, pinarusahan, at pinatay.
Sinoman ang sumubok na sumuporta at
tumulong sa pag-aaklas ay parehong
kapalaran ang sinasapit.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Dahil sa maraming Espanyol lalong-lalo na ang
mga prayle ang galit at naiinggit sa GomBurZa,
idinawit nila ang mga pangalan ng tatlong pari
bilang mga filibustero. Sila ay binitay sa
pamamagitan ng garote sa Bagumbayan
(ngayon ay Luneta Park) noong ika-17 ng
Pebrero, 1872. Ang karumal-dumal na
pangyayaring iyon, kahit maraming taon na ang
lumipas, ay kumintal sa isipan at bumiyak sa
puso ni Dr. Rizal kaya ang GomBurZa ang
kaniyang pinag-alayan ng pagsusulat ng
nobelang El Filibusterismo.
KARAGDAGANG KAALAMAN
SA EL FILIBUSTERISMO
-Tulad sa nabanggit sa unang bahagi ng
tekstong ito, nirebisa ni Dr. Rizal sa London
ang halos lahat ng naisulat na niya sa
ikalawang nobela noong 1888. Ito ay may
kinalaman mismo sa kaniyang naging mga
inspirasyon sa pagsusulat; ngunit naiiba sa
mga inspirasyon ng ibang manunulat―ang
kaniyang masasakit na karanasan sa
totoong buhay―dahilan para maging
mabigat ang mga emosyon at mga
pangyayaring mayroon sa El Filibusterismo.
INSPIRASYON SA PAGSULAT
SA EL FILIBUSTERISMO
-Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
(1) ang pagmamalupit ng mga paring
Dominiko sa mga magsasaka sa Calamba
at sa kaniyang pamilya―matutunghayan
sa Kabanata 4; (2) ang pagkamatay ng
dalawang Pilipino sa Madrid na sina
Felicisimo Gonzales at ang kaibigan niyang
si Jose Maria Panganiban; (3) ang away
nilang dalawa ni [Heneral] Antonio Luna
dahil sa isang babae, si Nelly Bousted;
INSPIRASYON SA PAGSULAT
SA EL FILIBUSTERISMO
-Ang mga ito ay ang mga sumusunod: (4) ang
tunggalian sa pagitan nila ni Marcelo H. del Pilar
sa pamumuno ng samahan ng mga Kastila at
mga Pilipino sa Espanya―mababasa sa unang
mga bahagi ng nobela ukol sa pagpapatayo ng
Akademya ng Wikang Kastila; at (5) ang
pagpapakasal ng kaniyang kasintahang si Leonor
Rivera sa isang inhinyerong Ingles na si Henry C.
Kipping―matutunghayan sa huling mga bahagi
ng nobela, sa kabanata kung saan nagpakasal si
Paulita Gomez kay Juanito Pelaez
PAGHAHANGO SA TAUHAN
NG EL FILIBUSTERISMO
-Tulad sa Noli Me Tangere, ang ilang tauhan sa
nobelang ito ay hinango mismo ni Dr. Rizal sa
tunay na buhay.
• Ang iginagalang na paring Pilipino na si Padre
Florentino ay walang iba kundi si Padre
Leoncio Lopez na malapit na kaibigang pari ni
Dr. Rizal.
• Si Isagani ay si Vicente Ilustre na isang
makata.
• Si Paulita Gomez ay si Leonor Rivera, ang
pinsan ni Dr. Rizal na naging kasintahan niya.
PAGHAHANGO SA TAUHAN
NG EL FILIBUSTERISMO
• Si Leonor Rivera din si Maria Clara sa Noli Me
Tangere, mapapansing magkaiba ang mga
katangian nina Maria Clara at Paulita Gomez
subalit pareho lamang hinalaw sa iisang tao.
• Si Simoun, ang pangunahing tauhan, ay
walang iba kundi si Simon Bolivar, ang
tagapagpalaya ng Katimugang Amerika mula
sa pananakop ng Espanya.
• Si Padre Salvi ay si Padre Antonio Piernavieja;
si Donya Victorina ay si Donya Agustina
Medel; at si Kapitan Tiago ay si Kapitan
Hilario Sunico.
LECTURE 4:
TIMELINE
ANG NOBELA
Ang nobela ay akdang pampanitikang nasa
anyong tuluyan, kadalasang halos pang-aklat
ang haba na ang banghay ay inilalahad sa
pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo. Ito ay
naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling
pangyayaring hinabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas. Ito ay itinuturing na makulay,
mayaman, at makabuluhang anyo ng panitikang
tuluyan. Binubuo ito ng mga yugtong
nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari sa buhay ng mga tao na bukod sa
nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw
sa damdamin at kamalayan ng mambabasa.
ANO ANG TIMELINE?
Ang timeline o talatakdaan ay
talaan ng mga gawaing dapat
gampanan sa tama o takdang oras
o panahon. Sa madaling
kahulugan, ito ay talahanayan ng
mga mahalagang kaganapan sa
mga nakaraang taon, maaari din
namang mga partikular na
kaganapang lumipas na.
PAGBUBUOD
Ang pagbubuod ay isang
mahalagang kasanayan sa pag–
aaral. Ang buod ay siksik at
pinaikling bersiyon ng tekstong
maaaring nakasulat, pinanood o
napakinggan. Pinipili sa buod ang
pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideyang isinusulat
sa sariling salita o pangungusap.
(Mexus Education)
MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD
1. Basahin, panoorin, o pakinggang
mabuti ang teksto o akda.
2. Guhitan ang pangunahing ideya habang
binabasa ang akda at kung pakikinig at
panonood, isulat ang pangunahing ideya.
3. Tukuyin ang paksang pangungusap o
pinakatema at ang mga susing salita (key
words).
4. Pag-ugnay–ugnayin ang mga ideya
upang mabuo ang pangkalahatang
kaisipan.
MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD
5. Isulat ang mga sariling kaisipan
gamit ang sariling salita o
pangungusap.
6. Huwag maglagay ng mga
detalye, halimbawa, at ebidensiya.
7. Makatutulong ang paggamit ng
signal words o salitang transisyon
tulad ng gayon pa man, kung
gayon, bilang pangwakas, at iba pa
sa mga ideya
REPERENSYA O SANGGUNIAN
Ang reperensiya/batis ng
impormasyon/sanggunian ay ang
pinanggagalingan ng mga katunayan,
halimbawa ng facts and figures, at mga
datos (obserbasyon, berbal at biswal na
teksto) at iba pang kailangan para
makagawa ng mga pahayag ng kaalaman
hinggil sa isang isyu, penomenon, o
panlipunang realidad. Ang mga batis na
ito ay maaaring ikategorya sa dalawang
pangunahing uri: primarya at sekondarya.
PRIMARYANG SANGGUNIAN
Ang primaryang sanggunian ay mga
orihinal na pahayag, obserbasyon at
teksto na direktang nagmula sa isang
indibidwal, grupo o institusyong
nakaranas, nakaobserba, o
nakapagsiyasat ng isang paksa o
penomenon.
PRIMARYANG SANGGUNIAN
Ilang halimbawa nito ay pagtatanong-
tanong, pakikipagkuwentuhan,
panayam o interbyu, pormal o
impormal na talakayan, umpukan at
bahay-bahay. Maaari din itong mula sa
awtobiyograpiya, talaarawan, sulat sa
koreo at e-mail, tesis at disertasyon,
sarbey, artikulo sa journal, balita sa
radyo, dyaryo, at telebisyon, mga rekord
ng tanggapan ng gobyerno, talumpati,
larawan, at iba pang biswal na grapiko.
SEKONDARYANG SANGGUNIAN
Ang sekondaryang batis naman ay
pahayag ng interpretasyon, opinyon, at
kritisismo mula sa mga indibidwal,
grupo o institusyong hindi direktang
nakaranas, nakaobserba, o nakasaliksik
sa isang paksa o penomenon.
SEKONDARYANG SANGGUNIAN
Kasama rito ang mga account o
interpretasyon sa mga pangyayari mula sa
taong hindi dumanas nito o pagtalakay sa
gawa ng iba. Ilang halimbawa nito ay ang
mga artikulo sa dyaryo tulad ng editoryal
at sulat sa patnugot, encyclopedia,
teksbuk, manwal at gabay na aklat,
diksyunaryo, komentaryo, sanaysay, sipi
mula sa orihinal na pahayag o teksto,
kagamitan sa pagtuturo gaya ng
powerpoint presentation, at sabi-sabi

You might also like