You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
ZAMBOANGA CITY HIGH SCHOOL
Kalye Don Alfaro, Tetuan, Lungsod ng Zamboanga

ACTIVITY SHEET SA FILIPINO 10


Ikaapat na Markahan

Pangalan: Iskor:

Seksiyon: Petsa:
Paksa: Paksa: El Filibusterismo
Kabanata I: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Kabanata II: Sa Ilalim ng Kubyerta
Kabanata III: Mga Alamat
Kabanata IV: SI Kabesang Tales

Kasanayang Pampagkatuto: A. Natutukoy ang kahulugan at/o paglalarawan sa salita at tauhan na


ginamit sa binasang kabanata ng nobela (F10PT-IVb-c-83)
B. Nalilinang ang pag-unawa sa binasang kabanata
C. Nakapagbibigay ng sarling hatol batay sa pangyayari sa kabanata

PANGKALAHATANG PANUTO : Basahin ang kabanata I-IV ng nobelang El Filibusterismo at


sagutin ang mga gawain sa bawat pagsasanay.

Pagsasanay 1:
Gawain A: Ayusin ang mga ginulong titik sa hanay A upang mabuo ang salita at pagkatapos ay hanapin
ang kahulugan at / o paglalalarawan nito sa hanay B. Isulat lamang ang titik sa patlang pagkatapos ng
bilang.
Hanay A Hanay B
ABRPO BOTA =_________________ 1. ___ A. mayamang mang-aalahas na nakasalamin
UNOISM =__________________2. ____ B. sasakyang pandagat na anglalayag sa Ilog Pasig
SLEAT = _________________ 3. ____ C. tawag sa halaga o bayad sa paggamit sa lupa
ENRAT = _________________ 4. ____ D. pinakamataas na pinuno ng bayan
NATAKIP LARHEEN = _______________ 5. ____ E. magsasakang tinanggalan ng karapatan sa
lupang pinaghirapan
F. mag-aaral ng medisina

Gawain B. Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____1. Ang Bapor Tabo ay naglalayag sa Ilog Pasig patungong…
a. Laguna b. San Diego c. Maynila d. Los Baňos
____2. Siya ang nagmungkahi na maghukay ng panibagong kanal para mapabilis ang paglalayag ng mga
sasakyang pandagat sa Ilog Pasig.
a. Ben Zayb b. Simoun c. Padre Salvi d. Don Costudio
____3. Ang ipinasalaysay sa alamat ni Donya Geronima;
a. Padre Salvi b. Padre Florentino c. Padre Sibyla d. Padre Irene
____4. “ Kung sa tubig namatay ang pilibustero, nangangahulugan lamang na nakasama na nito ang isa
pang pilibustero.” Sino ang tinutukoy na isa pang pilibustero sa pahayag?
a. Elias b. Sisa c. Don Rafael d. Crisostomo Ibarra
____5. Ang sumusunod ay nagpapatotoo tungkol kay Kabesang Tales, maliban sa …
a. anak siya ni Tandang Celo c. dinakip siya ng mga tulisan
b. Naging Cabesa de barangay d. talesforo Juan de Dios ang tunay niyang pangalan
____6. Pinabayad si Tales ng renta sa lupang kaniyang sinasaka dahil…
a. malaki ang kinikita niya sa sakahan
b. dayo lamang sina Tales sa lugar na iyon
d. pagmamay-ari ng iba ang lupang kaniyang sinasaka
b. sakop ng korporasyon ng mga kura ang kaniyang sakahan
____7. Napansin ni Tales na matalas ang isip ni Tano at lumalaking maganda su Juli.
Ang ibig sabihin ng nakasalungguhit ay …
a. matalino b. matanong c. malikhain d. mataas ang pangarap
____8. Upang matubos ang amang dinakip ng mga tulisan, si Juli ay…
a. sinanla ang kanilang bahay
b. humingi ng tulong sa kinauukulan
c. binenta ang laket na ipinatago sa kaniya ni Basilio
d. mamasukan bilang katulng sa isang mayaman at madasaling babae
Para sa bilang 9-10
“ Wala! Walang sinomang dayuhan ang makakakuha sa lupang aking sinasaka! Lupa ko ito. Binungkal.
Yinamnan, sinaka, minahal at pinagyaman. Tandaan mo dayuhan na wala kang dinala ditto kahit isang
dakot na lupa man lamang. Sapagkat wala kang ibinigay, wala ka ring karapatan kumuha ng anoman.”

____9. Ang nagsasalita ay si ______________.


a. Tandang Celo b. kura c. Tales d. Tano
____10. Ang damdaming namayani sa pahayag ay…
a. galit b. lungkot c. inis d. tampo

Pagsasanay 2: Kung may Katuwiran, Ipaglaban mo!


Gawain: Ang mga karanasang pinagdaanan ni Tales ay nagpapakita lamang ng pang-aabuso sa
kapangyarihan, pananamantala sa kalagayan, pagtapak sa karapatan at kawalan ng katarungan sa kabuoan.
Ilahad ang suliranin sa lupa na hinarap ni kabesang Tales at kung paano niya ipinaglaban ang
kaniyang karapatan dito. Magbigay ka rin ng sarili mong hatol sa mga pangyayari. (15 puntos)

Suliranin Paano ipinaglaban ang karapatan

Kung ikaw ang hukom, ano ang dapat na hatol?

______________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

You might also like