You are on page 1of 2

#3: ANG SEKRETO PARA MABUHAY—NANG WALANG-HANGGAN

PANIMULA: Isang araw ang lupa ay bigla na lang umuga. Nagkaroon ng malakas na lindol sa buong
lunsod. Ang mga gusali ay gumuho, ang mga tahanan ay nagbagsakan, ang hospital, mga paaralan at
mga simbahan ay nagiba.
Ang lindol noong February 2001 sa El Salvador ay kaagad na pumatay ng 3,000 katao. Libu-libo ang
nawalan ng tahanan. Ang mga emergency aid workers ay araw at gabing gumagawa sa paghahanap ng
mga biktima. At konti lang ang kanilang natagpuang buhay.
Pagkaraan ng apat na araw na paghuhukay, gusto na sana nilang huminto nang may mapansin silang
isang kamay na nakabaon at gumagalaw pa. Ang mga rescue workers ay mabilis na kumilos at kanilang
naiahon ang tao pagkaraan ng apat na oras.
Siya ay nakaligtas sa loob ng apat na araw na walang pagkain at tubig. Sa hospital, siya ay tinanong kung
papaano niya nagawang mabuhay sa ganon kahirap na kalagayan. Ang sagot niya ay, “Ginusto kong
mabuhay. Sinikap kong makahinga ng hangin. Ayaw kong mamatay. Naniwala akong may tulong na
darating.”
Tayo’y ipinanganak na merong kagustuhang mabuhay. Ang mabuhay ay isang napakatinding hangarin ng
bawat isa sa atin. Kapag nanganganib ang isang buhay, ang tao ay gumagawa ng kabayanihan para
mailigtas ito. Maaring mga bata mula sa baha. Maaring isang nalulunod sa dagat, at iba pa. Subalit ang
totoo, ayaw man nating isipin ito, ang ating buhay ay nasa panganib. Hindi lang basta simpleng panganib
—lahat tayo’y nakatakdang mamamatay. Ano ang dahilan? Balikan natin ang kasaysayan.
I. ANG TAO AY NAHULOG SA KASALANAN
A. (Genesis 1:31) Napakaganda ng lahat ng ginawa ng Diyos
B. (Genesis 2:16, 17) Nagbigay ng isang espesyal na babala at utos ang Diyos sa tao
C. (Genesis 3 lalo na ang talatang 6) Sinuway ng tao ang Diyos at nakinig sa pandaraya ng diyablo
II. MGA NAGING BUNGA NG KASALANAN. Ang pagkakasala ni Eva’t Adan ang orihinal na pinagmulan ng
lahat ng kaguluhan, pagdurusa at problema ng tao. Tingnan natin ang ilan sa naging resulta ng
kasalanan.
A. Kaguluhan sa relasyon (Genesis 3:12, 13). Sina Adan at Eva ay nag-umpisa nang magsisihan.
B. Hirap sa panganganak (3:16)
C. Pangit at sinumpang kapaligiran (3:17, 18). Nalalanta na ang mga bulaklak at natutuyo’t nabubulok
ang mga dahon.
D. Mabigat na paghahanap-buhay (3:19)
E. Pag-ikli ng buhay ng tao (Genesis 5:27; Awit 90:10)
F. Pagsama ng kaisipan ng tao (Genesis 6:5)
G. Di makagawa ng kabutihan (Jeremias 13:23)
H. Napahiwalay sa Diyos sa Siyang pinanggagalingan ng buhay (Isaias 59:2): Ang kasalanan ay isang
lason na nakamamatay. At ito’y mabagsik. Bakit? Sapagkat ito ay nagpapahiwalay sa atin mula sa
pinagmumulan ng lahat ng buhay – ang Diyos mismo na lumikha sa atin.
I. KAMATAYAN (Roma 5:12; 6:23, unang bahagi): Ito ang pinakamalupit sa lahat. Ang likas na resulta
ng kasalanan ay kamatayan. Ang kabuuang nasangkot sa kamatayan dahil sa kasalanan ay 100
percent. Si Adan ay namatay dahil sa kanyang kasalanan. Kaya ganon din ang lahat ng kanyang lahi –
tayong lahat ay mamamatay (Roma 3:10-12, 23).
Kaya tayong lahat ay nalaglag sa malalim na hukay. Nabitag at hindi makaahon. Nakalaan sa kamatayan
maliban na lamang kung merong magliligtas sa atin (Roma 7:24).
III. ANG MAGANDANG BALITA NG KALIGTASAN –SOLUSYON SA KASALANAN
A. Isinugo ng Diyos ang Kanyang nag-iisang anak upang mamatay para sa atin (Juan 3:16; Roma 5:8)
B. Siya ang kapalit natin (Isaias 53:5; 2 Corinto 5:21): Si Jesus ay trinato ng pagtratong nararapat sa
atin, upang tayo’y maitrato ng pagtratong nararapat sa Kanya. Siya’y hinatulan dahil sa ating
kasalanan at nagdanas ng kamatayan upang tayo’y magkaroon ng buhay na walang-hanggan.
C. Ito’y biyaya ng Diyos—isang REGALO; wala tayong ginawang anumang mabuti para maging
marapat dito (Efeso 2:8, 9).
1.Hindi tayo karapat-dapat dito.
2.Hindi natin ito matatanggap sa pamamagitan ng mabubuting gawa.
3.Hindi natin ito kayang bilhin. Ilustrasyon: Halimbawa binigyan ka ng amo mo ng isang sobre at
sinabi sa iyo na regalo niya ito sa iyo. Nang buksan mo ang sobre ang laman pala nito ay ang
iyong suweldo, ito nga ba ay isang regalo? Hindi! Dahil ito’y iyong pinagpaguran. Ganon din ang
kaligtasan ay isang regalong tatanggapin na lamang, hindi mo kailangang magpakabuti muna at
magpagod bago matanggap ito.

KONKLUSYON: Kung sa ganang sarili lang natin, tayo’y walang magagawa upang iligtas ang ating sarili.
Tayo'y parang isang taong naglalakbay at nahulog sa kumunoy, na habang nagsisikap siyang makaahon
ay lalo naman siyang lumulubog. Kailangan niya ng tulong ng ibang tao upang siya'y makaahon at
maligtas mula sa kumunoy. Iniabot ni Jesus sa ating kamay ang kaligtasang iyan nang Siya'y mamatay
doon sa krus upang bayaran ang kaparusahan ng ating mga kasalanan. Si Cristo lamang ang tangi nating
pag-asa para mabuhay—nang walang-hanggan.
APPEAL: (Marcos 5:25-34) May isang may-kayang babae na nagkasakit ng isang kakaibang karamdaman.
Nakikipaglaban siya sa kanyang sakit sa loob ng 12 taon. Nahihirapan siya sa kanyang sakit. Napuntahan
na niya ang lahat ng kilalang doktor at naubos na lahat ng kanyang pera. Subalit hindi man lang siya
gumaling kahit katiting. Sa halip ay lalo pang lumalala ang kanyang sakit. Nawawalan na siya ng pag-asa
sa buhay. Alam niyang kapag hindi siya gumaling, ang sunod ay kamatayan.
Isang araw, narinig niya ang tungkol kay Jesus. Ito ang aking natitirang pag-asa, sabi niya sa sarili.
Sinimulan niyang hanapin si Jesus at nag-antay ng pagkakataong lumapit at humingi ng tulong sa Kanya.
Ngunit napakaraming tao ang nagsisiksikan sa palibot ni Jesus. Sa simpleng pananampalataya ay sinabi
ng babae sa kanyang sarili, “Kung mahipo ko man lamang ang Kanyang damit ay gagaling na ako.”
Nakipagsiksikan siya sa maraming tao at pilit na makalapit at maabot ang damit ni Cristo. Sa wakas ay
nahipo niya ito, at naramdaman niyang tumigil ang kanyang sakit.
Maya-maya ay tumigil si Jesus at nagtanong, “Sino ang humipo sa Akin?” Ang sabi sa Kanya ng mga
alagad, “Panginoon, siksikan ang mga tao, paano Mong sasabihing sino ang humipo sa Iyo?” Inilibot ni
Jesus ang Kanyang paningin upang makita kung sino ang humipo sa Kanya.
Ang babae ay natakot na baka siya’y ipahiya at pagalitan ni Jesus. Ngunit palibhasa’y alam niyang
gumaling siya, siya’y lumapit na nanginginig sa takot, nagpatirapa sa harap ni Cristo, at lumuluhang
inamin ang kanyang ginawa.
Ang inaasahan niyang pagkapahiya ay hindi nangyari, sapagkat hindi ganon si Jesus. Sa halip ay pinuri ni
Jesus ang simpleng pananampalataya ng babae. Ang sabi Niya, “Anak, pinagaling ka ng iyong
pananampalataya; umalis kang payapa, at gumaling nang tuluyan sa iyong sakit.”
Ngayong gabi, tayong lahat ay may sakit na kanser ng kasalanan—at tayong lahat ay mamamatay. Gusto
po ba ninyong mabuhay? Kung gusto po ninyong mabuhay, itaas po ninyo ang inyong mga kamay.
(Salamat po)
At dahil hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili, ano naman po ang ating pag-asa para sa ating mga
kasalanan? (hintayin ang sagot). Kung si Jesus po ang natitirang pag-asa para sa babaing 12 taon nang
maysakit, si Jesus din po ang TANGI nating pag-asa para sa ating mga kasalanan. Ang sabi ng Mateo 1:21
(basahin). At sa Juan 1:29 ay ganito ang sinasabi (basa).
Kung inyong nadarama’t nakikita na si Jesus lamang ang inyong pag-asa para sa kaligtasan sa kasalanan,
inaanyayahan ko po kayong tumayo. Tayo po ay manalangin….
Bukas po ang ating paksa ay…. (ipaliwanag nang konti ang paksa). Kaya’t huwag po kayong mawawala at
tayo’y tatalakay ng isang paksang napakahalaga sa ating buhay.

You might also like