You are on page 1of 1

MERON KAYANG PATAY NA HINDI NAMATAY?

(Ang Kalagayan ng Patay)

PANIMULA: Napakaraming paniniwala tungkol sa kung ano ang nangyayari sa tao kapag namatay.
Sa Budhismo ang kaluluwa raw ay pumupunta sa limbo. Sa Hinduismo ang kaluluwa raw ay
lumilipat sa iba pang uri ng mga nilalang gaya ng mga hayop. Ngunit ang pinakapalasak sa lahat ay
ang paniniwala na ang tao raw ay may kaluluwa na kapag namatay ay umalis sa katawan at
merong tatlong maaaring patutunguhan: (1) Pag mabuti ay sa langit; (2) Pag masama ay sa
impiyerno; (3) Kapag hindi gaanong masama at hindi rin gaanong mabuti ay sa purgatoryo. May
katotohanan kaya sa paniniwalang ito?
Tiyak na hindi ka mamatay! Genesis 3:4
Ito ang unang pandaraya ni Satanas. Pinaniniwala niya ang marami na ang tao ay walang
kamatayan. Ito ay pandaraya pa rin niya hanggang ngayon sa mga teleserye sa TV at sa mga
pelikula.
I. Ano ang Kaluluwa
Ang kaluluwa ay ang tao mismo:
1. Taong buhay. Genesis 2:7
2. Nagkakasala at namamatay. Ezekiel 18:4
II. Ang Kalagayan ng Tao kapag Namatay ayon sa Biblia
1. Wala nang Alam. Eclesiates 9:5; Awit 146:4
2. Hindi na umiibig at wala nang kinalaman sa mga nangyayari. Eclesiates 9:6
3. Wala nang anumang gawain. Eclesiastes 9:10
4. Hindi na nagpupuri sa Diyos. Awit 115:17.
III. Anong Nangyayari sa Patay
 Ito ang pormula ng buhay nang likhain ng Diyos ang tao. Genesis 2:7:
ALABOK NG LUPA + HININGA NG BUHAY = KALULUWANG MAY BUHAY
 Kapag namatay ang tao, ang pormula ng buhay ay nababaligtad lamang. Eclesiastes 12:7:
ALABOK NG LUPA – HININGA NG BUHAY = KALULUWANG PATAY
Kaya kapag namatay ang tao ang kanyang katawan ay nasa sementeryo at ang kanyang
hininga ay bumabalik sa Diyos.
IV. Ang Kamatayan ay Pagtulog lang ayon kay Jesus. Juan 11: 11, 14.
Si Lazaro ay pinalabas at hindi pinababa. Juan 11:43. Ito’y isang katunayan na ang mga
patay ay wala pa sa langit o sa impiyerno at wala talagang purgatoryo.
KONKLUSYON: Halos lahat ng tao ay takot mamatay. Subalit anuman ang ating kalagayan sa
buhay, mayaman man o mahirap, ang tiyak na patutunguhan ay kamatayan. Lahat ay mamamatay.
Ang malungkot sa lahat ay hindi lamang ang kamatayang sumpa ng kasalanan ang dadanasin ng
lahat. Lahat din ng tao ay nakatakdang mamatay ng walang hanggan. Subalit sa kasaysayan ng
muling pagbuhay kay Lazaro ay merong isang napakagandang bahagi. Sinabi ni JESUS: AKO ANG
BUHAY AT MULING PAGKABUHAY. Juan 11:25. Kung tayo ay nasa Anak ng Diyos, tayo NGAYON ay
maaari nang magsimulang mabuhay ng walang hanggan (1 Juan 5:12). Kung mamatay man tayo ay
muling bubuhayin 1 Tesalonica 4:16, 17.
APPEAL: Ngayong nalaman mo na si Jesus ang iyong kinakailangan sa iyong buhay, Nais mo bang
Siya’y makilalang higit at magkaroon ng lumalalim na RELASYON SA KANYA? Sino po sa inyo ang
gustong higit pang makilala ang ating Panginoong Jesus? (Patayuin o palapitin)

You might also like