You are on page 1of 1

ISANG LIBONG TAONG MABUBUHAY

(Ang Milenyo; Bagong Langit at Bagong Lupa)


PANIMULA: Kahit sa magulong sanlibutang ito, na puno ng kahirapan, sakit, pagdurusa, pagluha at mga
problema, marami pa ring taong gustong humaba ang buhay! Nais mo bang mabuhay ng 1,000 taon? Ang
Biblia ay may binabanggit na 1,000 taon na paghahari ng mga banal kasama si Cristo. Apocalipsis 20. Subalit
ang pangako ng Diyos ay higit pa sa isang libong taon. “At ito ang pangako na kanyang ipinangako sa atin,
ang BUHAY NA WALANG HANGGAN.” 1 Juan 2:25. Ang 1,000 taon ay patikim lamang ng buhay na walang
hanggan. Ito ay pasimula pa lamang ng walang hanggan.
MGA PANGYAYARI SA SIMULA NG 1,000 TAON.
1. Darating si Jesus. 1 Tesalonica 4:15, 16
2. Ang matutuwid na patay ay bubuhayin. 1 Tesalonica 4:16
3. Ang matutuwid na buhay ay babaguhin. 1 Corinto 15:51, 52
4. Ang masasama ay mamamatay. 2 Tesalonica 2:7, 8; Apocalipsis 6:14-17
5. Ang matutuwid na buhay at ang matutuwid na binuhay na muli ay dadalhin sa langit.
1 Tesalonica 4:17
6. Si Satanas ay gagapusin ng isang libong taon. Apocalipsis 20:2
7.

PANGYAYARI SA PANAHON NG 1,000 TAON


1. SA LANGIT: Ang mga banal ay naghaharing kasama ni Cristo at hinahatulan ang mga masasamang
patay. Apocalipsis 20:4; 1 Corinto 6:2, 3
2. SA LUPA: Ang lupa ay wasak at walang laman. Jeremias 4:23-27

PANGYAYARI SA KATAPUSAN NG 1,000 TAON


1. Ang masasama ay bubuhayin. Apocalipsis 20:5
2. Si Satanas ay pakakawalan. Apocalipsis 20:7
3. Bababa ang lunsod ng Bagong Jerusalem na kinaroroonan ng mga banal. Apocalipsis 21:2
4. Titipunin ni Satanas ang masasama para paligiran ang lunsod upang digmain. Apocalipsis 20:8, 9
5. Ang masasama ay lilipulin. Apocalipsis 20:9, 15
6. Lilikha ng BAGONG LANGIT AT BAGONG LUPA
ANG BAGONG LANGIT AT BAGONG LUPA
1. Ang lupa ay susunugin upang muling likhain. 2 Pedro 3:10, 13
2. Ipinangako sa Lumang Tipan. Isaias 65:17
3. Ipinakita kay Apostol Juan. Apocalipsis 21:1
PAGKAKALARAWAN SA BAGONG LANGIT AT BAGONG LUPA
1. Hindi kayang mailalarawan ng tao ang pinakahitsura nito. 1 Corinto 2:9
2. Magtatayo pa rin ng bahay at magtatanim. Isaias 65:21, 22
3. Magkakasundo ang lahat ng nilalang. Isaias 65:25
4. Ang Bagong Jerusalem na siyang kapitolyo ay itatatag sa bagong lupa. Apocalipsis 21:2, 3
A. Ang mga lansangan nito ay dalisay na ginto. Apocalipsis 21:21
B. Di kailangan ng araw at wala nang gabi. talatang 23-25
C. Sa gitna ay umaagos ang dalisay na ilog ng buhay. Apocalipsis 22:1
D. Sa gilid nito ay ang puno ng buhay. talatang 2
5. Sasamba pa rin sa Diyos sa araw ng Sabbath. Isaias 66:22, 23
KONKLUSYON: Hindi ka pa ba nasasawa na mabuhay sa mundong ito na puno ng paghihirap, sakit,
kalungkutan, problema, krimen at kasamaan? Ang Diyos ay merong inihandang isang daigdig para sa iyo.
Siya ay merong isang napakagandang pangako. Apocalipsis 21:4. Doon ay wala nang kasalanan. Apocalipsis
21:27. Ililigtas tayo ng Diyos sa presensya ng kasalanan. Nahum 1:9. “Sa gayon ay makakapiling natin ang
Panginoon magpakailanman.” 1 Tesalonica 4:17.
APPEAL: Hindi ka ba nasasabik na ikaw at ang iyong buong sambahayan ay makapanirahan na sa isang
daigdig na wala nang hirap, sakit, pagluha, problema, at kasalanan. Kung ito ang hangarin ng iyong puso,
maari bang ipakita mo sa pamamagitan ng pagtayo. Tanggapin mo sa iyong buhay si Jesus, Siyang tanging
makakapangako ng gayong tirahan para sa iyo at sa akin. Ang pangako niya ay ganito, Juan 14:2, 3.

You might also like