You are on page 1of 2

NAPANAGINIPAN PALA ANG MANGYAYARI SA MUNDO

(Daniel 2)

PANIMULA: Hinulaan ni Madam Auring na mananalo siya sa eleksyon kaya’t siya’y tumakbo.
Ngunit natapos ang eleksyon at siya’y talo. Ang hula ng tao ay talagang hula-hula lamang.
Subalit merong isang hula sa mangyayari sa mundo ayon sa napanaginipan ng isang hari.
Isang hula na magsisimula noong panahon ni Daniel hanggang sa wakas ng mundo.

ANG KUWENTO SA DANIEL 2


A. Ang hari ay nanaginip at hindi niya maalala ang eksaktong nangyari. Talatang 1
B. Ipinatawag ng hari ang mga mahiko. Talatang 2-11
1. Para ipaalam ang PANAGINIP at KAHULUGAN nito. Talatang 5
2. Ang mga mahiko ay 2 beses na humiling na sabihin daw ang panaginip at
ipapaliwanag ang ibig sabihin. Talatang 4, 7
3. Nahirapan ang mga mahiko sapagkat Diyos lamang daw ang makakapagpahayag
ng mga hiwaga. Talatang 11; Isaias 46:9, 10
4. Ipinag-utos ng hari na sila’y PATAYIN! Talatang 12, 13
C. Nakiusap si Daniel, isa sa mga pantas ng Babilonia. Talatang 14-16
D. Si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay nanalangin sa Diyos. Merong
kapangyarihan sa panalangin. Talatang 18
E. Ipinakita kay Daniel ang panaginip at pinuri niya ang Panginoon!
Talatang 19-23
F. Isinalaysay ni Daniel sa hari ang panaginip. Talatang 24-35
1. Diyos lamang ang tanging makakapagpahayag ng mga hiwaga. Talatang 28
2. Ang panaginip ng hari ay tungkol sa mangyayari sa huling araw at sa hinaharap.
Talatang 28, 29

ANG PANAGINIP NG HARI: ANG MALAKING REBULTO. Daniel 2:31-35


A. Ang ULO ay GINTO.
B. Ang DIBID AT BRASO ay PILAK
C. Ang TIYAN AT HITA ay TANSO
D. Ang BINTI ay BAKAL
E. Ang mga PAA ay PINAGHALONG BAKAL AT PUTIK
F. May ISANG BATO na naging isang bundok matapos tumama at dumurog sa rebulto

ANG KAHULUGAN NG PANAGINIP: ANG KASAYSAYAN NG MUNDO. Daniel 2:36-44


Ang mga bahagi ng katawan ng rebulto ay sumisimbolo sa mga KAHARIAN na babangon
sa sanlibutan hanggang sa mga huling araw. Ang HULA at KASAYSAYAN ay magkakaugnay
at magkaagapay.
A. Ang ULONG GINTO ay ang KAHARIAN NG BABILONIA (605-539 BC). Talatang 37, 38.
Ang Babilonia ang pinakamakapangyarihang bansa noong panahon ni Daniel
1. Doble ang pader sa loob ng lunsod. Ang panloob ay 12 ft. Ang panlabas ay 22ft.
ang kapal.
2. Doble ang pader sa labas ng lunsod. 24ft ang panloob at 26ft ang kapal ng
panlabas.
3. 250 Towers sa palibot (1 bawat 5 yarda)
4. 25 taon ang supply ng pagkain
5. Hanging garden: isa sa Seven Wonders of the World
Si Nebukadnezzar ay nagtayo ng malaking rebulto na purong ginto (Daniel 3).
Siya ay may sinulat na “Nawa ito’y mamalagi magpakailanman.” Subalit isang mas
mababang kaharian ang babangon (talatang 39). Ang Daniel 5 ay kasaysayan ng
pagbagsak ng Babilonia.

B. Ang DIBDIB AT BRASONG PILAK ay ang kaharian ng mga taga MEDES at PERSIA (539-
331 BC). Talatang 31. Si Cyrus ng Medo-Persia na sumakop sa Babilonia ay
pinangalanan na mahigit 150 taon pa bago siya ipinanganak. Isaias 45.
C. Ang TIYAN AT HITANG TANSO ay kumakatawan sa GRECIA (331-168 BC). Talatang
39. Ang Medo-Persia ay natalo ng mga Griyego sa Digmaan ng Arbella noong 331 BC
sa pangunguna ng isang kabataang HARI—si Alexander the Great. Nasakop ni
Alexander ang kilalang sanlibutan noon sa edad na 25.
D. Ang BINTING BAKAL ay simbolo ng IMPERYO NG ROMA (168 BC-476 AD). Talatang
40
E. Ang MGA PAANG MAGKAHALONG BAKAL AT PUTIK ay ang HATING EUROPA, ANG
NAHATING ROMA.
Ang Roma ay nahati sa 10 tribung barbaro na sumakop dito, 3 sa 10 ay nalipol ng
kapapahan. Ang mga ito ay ang:

ALEMANI—Germany
BURGUNDIAN—Switzerland
FRANKS—France
LOMBARDS—Italy
SAXONS—England
SUEVI—Portugal
VISIGOTHS—Spain
Ang Heruli, Vandals at Ostrogoths ay wala na.

F. Wala nang susunod pang imperyo o “one-world empire” sapagkat ayon sa hula:
“HINDI SILA MAGKAKAHALO…” talatang 43. Maraming nagtangkang pag-isahin ang
buong mundo lalo na ang Europa tulad nina Charlemagne, Charles V, Louis XIV,
Kaiser Wilhelm, Napoleon, at Hitler. Ngunit lahat sila ay nabigo.

KONKLUSYON: Tayo’y nabubuhay na sa hiram na panahon ng hindi nagkakaisang mga


bansa. Meron pa bang babangong kaharian kasunod ng hindi nagkakaisang mga bansang ito,
ng mga paang magkahalong putik at bakal? Wala na, sa halip ang BATO na sumisimbolo sa
KAHARIAN NG DIYOS ay tatama at dudurog sa lahat ng kaharian ng sanlibutan (talatang 44).
Ang lahat ay mangyayari ayon sa hula (talatang 45). Si Cristo ay magtatayo ng kahariang
walang hanggan at lahat ng kaharian sa lupa ay mawawala.
APPEAL: Gusto mo bang maging mamamayan nito o makasamang maglaho ng mga kaharian
sa lupa? Kung nais mong maging mamamayan sa kahariang ito, maari mo bang ipakita sa
pamamagitan ng pagtayo?
Tayo'y manalangin…

You might also like