You are on page 1of 2

ANG SAGRADONG KAYAMANAN

Perpekto ang mundo ng likhain ng DIYOS


Kay Adan at Eba ibinilin na isa-ayos
Nagkasala sila at umasa sa Manunubos
Ang Hardin ng Eden sa kanilay nakahulagpos.
Sagradong Kayamanang dapat sa kanila.
Nagpalipat-lipat sa malalakas na bansa.
Giyera at digmaan ginamit sa pagtatawid
Makapangyarihan- inatasang maghahatid.
Malaking papel ang ginampanan ng Babilonia,
Sa pagtitipong nooy nasa mga Israelita,
Parusay iginawad sa pagtalikod sa KANYA
Silay inalipin hanggang 70 taong nakatakda.
Ang Medo at Persia man ay inutusan
Samsamin sa Babilonia ang mga kayamanan
Si Haring Ciro ang ginamit na kasangkapan
Si Haring Dario ay isa ring kinalugdan.
Muling itinawid ang kayamanan sa Gresya
Si Alexander na Dakila ang Pinuno nila
Sagradong Kayamanan nakubkob at kinuha,
Nahati-hati pagkamatay ng lider na bata.
Pagkatapos ang imperyo ng mga Romano
Pinasukong lahat mga hukbo ng mundo,
Subalit sa dalawa ito rin ay nahati
Magdidikit muli ang sampung daliri sa huli.
Ang una at Ikalawang digmaan ay nangyari
Si Hitler at Yamashita, sila man ay pinili
Dinala sa Pilipinas mga samsam at ikinubli
Sa Pilipinas ibinaon hindi na maipagbibili.
Axis at Allied Powers ay wala ng karapatan
Angkinin at kunin Sagradong Kayamanan
Sapagkat sa Pilipinas talagang inilaan
OBAMA, PUTIN, XI!- kailanman hindi matututulan!
Ang kasaysayang ito ay batid ng Roma
Na ang pinuno ngayon ay ang PAPA.
Paano bubuksan ang kayamanang sagrado?
Kung ang Papa mismo ay sumusuko?
Maging ang REYNA na nasa Britanya
Hindi rin mabuksan, wala ring magawa?
Habang ang mundo patuloy sa pagdurusa
Sagradong kayamanan - ININGATANG LUBHA!

Hindi na lingid sa kanilang kaalaman


Binantayan ng Kamay ng Makapangyarihan
Pagkatapos tipunin ni DR. RIZAL para sa
Silanganan
Inayos ni PANGULONG MARCOS papel-iningatan.
Ang Sagradong Kayamanan ay gagamitin
Sa kapurihan ng Panginoon-Ama natin!
Hindi natin ito sasarilinin o aangkinin
Sa DIBINO IMPERYO itinakdang gagamitin!
Subalit ito ang dapat nating matutunan:
Sagradong Kayamanan-SA DIYOS IYAN!
Hindi ito pangkaraniwang kayamanan
Sapagkat binantayan ng Kapangyarihan!
Mayroon Siyang TAONG ITINAKDA
Na magbubukas sa panahong itinalaga.
Kabilang Siya sa HULING KAWAN Niya
Sino si ELIAS NA PROPETA? Ihahayag na!
Inaanyayahan Niya ngayon 7 Instrumento;
Tumulong sa pagbubukas gawin ang itinuro.
Lahat inaanyayahan sa UNLOCKING PROGRAM.
Sapagkat matagal na itong pinakaaasam-asam.
Walang itatanging bansa, rasa, o relihiyon man.
Mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki,
LAHAT inaanyayahan sa "PIGING" at pagpupuri!
ANG PAG-IBIG MULI ANG DAPAT MAGHAHARI!

You might also like