You are on page 1of 11

#Maharlika

#GintongPanahon
#Kabanata 5: Ika-1 Templo at si Haring Marko
1) Pagtatag. Sa basbas ng Panginoon, sa pamamagitan ng Puting Pinika (Ang Pinagsamang 3
Pinika), ay itinayo ang Unang Templo, "Ang Al-Masjid". Tinatawag din itong Templo ng
Espiritu ng Dios. Magmula sa arao na iyon, iisang Dios na lamang ang kikilalanin at sasambahin
ng mga Maharlikan.
2) Pagsubok. Panahon na rin ng pagpili at paghalili ng isang hari na mamumuno sa buong
Maharlika. Ang mga kwalipikadong kalahok ay dumaan sa iba't ibang pagsubok ng lakas, talino
at puso. Ang pinakahuli sa mga ito ay ang paghalal sa kanila ng mga tao.
3) Pagluklok. Sa wakas, may bago nang mamumuno sa mga Dilawan, Pulahan at Azulan. Ang 3
Lahi (Itim, Kayumanggi at Puti) ng Maharlika ay hindi na magkakanya-kanya. Lahat sila ngayon
ay nasa ilalim na ng pamumuno ni Haring Marko.
4) Palasyo. Ang kulay ng palasyo ay puti. At upang maging terno sa Unang Templo na kulay
puti rin, ngunit ang mga doma at tuldik ay ginto at dilaw, ang mga bandera, kurtina, kagamitan at
palamuti sa palasyo ay puro rin puti at dilaw o ginto. Sa kaliwa at kanan ng trono ng hari ay may
puting paso na may gintong halaman.
5) Prinsipyo. "Bagong Lipunan: Sa Pag-unlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan!" - ito ang
palaging panawagan ni Haring Marko sa mga mamamayang Maharlikan. Iginiit niya na ang
disiplina ay nagmumula sa sarili - sa ating pagkain, pananamit at pamumuhay.
6) Pamumuno. Mailalarawan si Haring Marko bilang isang mahigpit na pinuno. Siya ay
inihahalintulad ng mga Maharlikan sa isang tamarao. Ito rin ang kanyang sagisag (isang tamarao
sa loob ng dilaw na tatsulok) na makikita sa bawat bandera na nasa palasyo.
7) Pamumuhay. Sa ilalim ng pamumuno ni Haring Marko, ang mga Maharlikan ay may sapat na
suplay ng pagkain, konserbatibo ang mga pananamit at buo ang bawat tahanan.
Pagbabago. Nang mamuno si Haring Marko, bawat lahi ay nabahaginan ng maayos na mga
paaralan, pagamutan, pamilihan at iba pang mga imprastraktura.
9) Panliligalig. Subalit, habang tinatamasa ng Bagong Lipunan ang mga nasabing pagbabago, 2
rebeldeng grupo ang nabuo - ang Moskitwo at ang Bagong Tao.
10) Panlilinlang. Ang Moskitwo ay grupo ng mga relihiyosong panatiko na nanawagan ng
paghiwalay ng Al-Masjid sa Palasyo. Ang Bagong Tao naman ay nanawagan ng isang tunay na
reporMAR.
11) Panggugulo. Ang naturang 2 rebeldeng grupo ay nanghikayat sa mga kabataan, guro, pari,
negosyante at iba pang sektor na sumali sa kanilang samahan at ipinaglalaban. Ang mga
armadong grupo nila ay namundok at naghasik ng lagim at terorismo sa mga liblib na pook. Ang
mga militanteng grupo naman nila ay nagprotesta at nag-ingay sa mga kalye.
12) Pagpapatalsik. Nang mamatay si Nenok, ang pinuno ng oposisyon, umigting ang mga
aktibidades ng 2 grupo ng naturang 2 rebeldeng samahan. Tumindi ang panawagan ng
pagpapatalsik kay Haring Marko at nagtagumpay ang mga ito. Binansagang "People Power" ang
nasabing "Civil Disobedience".
13) Pagkawasak ng Unang Templo. Umusbong sa lupa ang Dilaw na Leopardong Halimaw at
winasak ang Unang Templo. Umusbong din ang Dilaw na Pinika at kinalaban ang nasabing
halimaw. Dumagundong sa matinding pagyanig ang buong Maharlika habang nagsasagupaan
ang 2 nasambit na nilalang. Natalo ang Dilaw na Pinika nang higupin ito ng Corona ng
Leopardo, subalit tumakas ang Dilaw na Leopardo nang tugisin ito ng isang Anghel.
#Maharlika
#GintongPanahon
#Kabanata 6: Ika-2 Templo at si Haring Erako
1) Pagtatag. Sa basbas ng Panginoon, sa pamamagitan ng Puting Pinika (Ang Pinagsamang 3
Pinika), ay itinayo ang Pangalawang Templo, "Ang Cathedral". Tinatawag din itong Templo ng
Katawan ng Dios. Magmula sa arao na iyon, ang Dios ay ang kikilalaning Tagapagligtas ng mga
Maharlikan.
2) Pagsubok. Panahon na rin ng pagpili at paghalili ng isang hari na papalit kay Haring Marko.
Ang mga kwalipikadong kalahok ay dumaan sa iba't ibang pagsubok ng husay, pagmamahal at
pag-unawa. Ang pinakahuli sa mga ito ay ang paghalal sa kanila ng mga tao.
3) Pagluklok. Sa wakas, may bago nang mamumuno sa mga Dilawan, Pulahan at Azulan. Ang 3
Lahi (Itim, Kayumanggi at Puti) ng Maharlika ay hinirang siya bilang tagapagligtas. Lahat sila
ngayon ay nasa ilalim na ng pamumuno ni Haring Erako.
4) Palasyo. Ang kulay ng palasyo ay puti. At upang maging terno sa Pangalawang Templo na
kulay puti rin, ngunit ang mga taluktok at tuldik ay kulay dugo at pula, ang mga bandera, kurtina,
kagamitan at palamuti sa palasyo ay puro rin puti at kulay dugo o pula. Sa kaliwa at kanan ng
trono ng hari ay may puting kalis na may pulang sagitsit.
5) Prinsipyo. "Angat Mga Kababayan Ko: Erako Para sa mga Tao!" - ito ang palaging
panawagan ni Haring Erako sa mga mamamayang Maharlikan. Iginiit niya na ang kanilang
pinuno ay hindi lang para sa kanyang mga kamag-anak, kaibigan, kumpare o kumare - kundi
para rin sa lahat ng Maharlikan.
6) Pamumuno. Mailalarawan si Haring Erako bilang isang pinuno na malapit sa mga tao. Siya ay
inihahalintulad ng mga Maharlikan sa isang butanding. Ito rin ang kanyang sagisag (isang
butanding sa loob ng pulang tatsulok) na makikita sa bawat bandera na nasa palasyo.
7) Pamumuhay. Sa ilalim ng pamumuno ni Haring Erako, ang mga Maharlikan ay sagana sa
pagkain, damit at iba pang pangangailangan na mabibili sa murang halaga.
Pagbabago. Nang mamuno si Haring Erako, bawat lahi ay nabahaginan ng mga Pamilihang
Pangmasa, kung saan makabibili ka ng murang mga pagkain, kasuotan, materyales sa bahay at
iba pang mga produkto.
9) Panliligalig. Subalit, habang tinatamasa ang Pag-angat ng mga Kababayan ang mga nasabing
pagbabago, 2 iskandalo ang nambulabog - ang Sugalero Iskandal at ang Hinipang Pantog.
10) Panlilinlang. Ang Sugalero Iskandal ay isang alegasyon na si Haring Erako ay mahilig
maglaro ng mga ipinagbabawal na sugal kasama ang kanyang mga kamag-anak, kaibigan,
kumpare at kumare. Ang Hinipang Pantog ay isang akusasyon ng malawakang korapsyon sa
pamunuan na nagdulot ng pagtaas sa presyo o pagmahal ng mga bilihin.
11) Panggugulo. Ang naturang 2 iskandalo na mula sa oposisyon ay nanghikayat sa mga
kabataan, guro, pari, negosyante at iba pang sektor na sumali sa kanilang mga pagkilos at
panawagan na patalsikin sa puwesto ang kanilang hari. Ang mga armadong grupo nila ay
kumalas ng suporta sa hari sa pangunguna ni Pan. Ang mga aktibistang grupo naman nila ay
nagsagawa ng malawakang kilos-protesta.
12) Pagpapatalsik. Nang maantala ang paglilitis sa hari, na isinasapubliko gabi-gabi, umigting
ang mga aktibidades ng 2 grupo ng oposisyon - ang mga armado at mga aktibista. Tumindi ang
panawagan ng pagpapatalsik kay Haring Erako at nagtagumpay ang mga ito. Binansagang
"Bloodless Mutiny" ang nasabing "Military Subversion".
13) Pagkawasak ng Pangalawang Templo. Lumabas sa tubig ang Pulang Leopardong Halimaw at
winasak ang Pangalawang Templo. Lumabas din ang Pulang Pinika at kinalaban ang nasabing
halimaw. Bumaha sa matinding pag-ulan ang buong Maharlika habang nagsasagupaan ang 2
nasambit na nilalang. Natalo ang Pulang Pinika nang higupin ito ng Corona ng Leopardo, subalit
tumakas ang Pulang Leopardo nang tugisin ito ng isang Anghel.
#Maharlika
#GintongPanahon
#Kabanata 7: Ika-3 Templo at si Haring Rodko
1) Pagtatag. Sa basbas ng Panginoon, sa pamamagitan ng Puting Pinika (Ang Pinagsamang 3
Pinika), ay itinayo ang Pangatlong Templo, "Ang Synagogue". Tinatawag din itong Templo ng
Kaisahan ng Dios. Magmula sa arao na iyon, ang Dios ay ang kikilalaning Tagapag-isa ng mga
Maharlikan.
2) Pagsubok. Panahon na rin ng pagpili at paghalili ng isang hari na papalit kay Haring Erako.
Ang mga kwalipikadong kalahok ay dumaan sa iba't ibang pagsubok ng kakayahan, katapangan
at karunungan. Ang pinakahuli sa mga ito ay ang paghalal sa kanila ng mga tao.
3) Pagluklok. Sa wakas, may bago nang mamumuno sa mga Dilawan, Pulahan at Azulan. Ang 3
Lahi (Itim, Kayumanggi at Puti) ng Maharlika ay hinirang siya bilang Tagapaghugpong. Sila
ngayon ay pinagbubuklod sa ilalim ng pamumuno ni Haring Rodko.
4) Palasyo. Ang kulay ng palasyo ay puti. At upang maging terno sa Pangatlong Templo na
kulay puti rin, ngunit ang mga bubungan at tuldik ay kulay bughaw o asul, ang mga bandera,
kurtina, kagamitan at palamuti sa palasyo ay puro rin puti at kulay bughaw o asul. Sa kaliwa at
kanan ng trono ng hari ay may puting kawa na may asul na usok.
5) Prinsipyo. "Parating na ang Pagbabago: Sirain niyo ang bayan ko, kayo ang sisirain ko!" - ito
ang palaging panawagan ni Haring Rodko sa mga mamamayang Maharlikan. Iginiit niya na
kanyang lalabanan at wawasakin ang 5 Pangunahing Salot sa Maharlika - Droga, Korapsyon,
Krimen, Rebelyon at Terorismo.
6) Pamumuno. Mailalarawan si Haring Rodko bilang isang magiting na pinuno. Siya ay
inihahalintulad ng mga Maharlikan sa isang agila. Ito rin ang kanyang sagisag (isang agila sa
loob ng asul na tatsulok) na makikita sa bawat bandera na nasa palasyo.
7) Pamumuhay. Sa ilalim ng pamumuno ni Haring Rodko, ang mga Maharlikan ay nagkaroon ng
kakayahan na lumikha ng panibagong uri ng mga pagkain, magdisenyo ng mga bagong uri ng
kasuotan at magtayo ng mga bagung-bagong mga bahay, paaralan, pagamutan, pamilihan at iba
pang mga pasilidades; nagkaroon ng katapangan laban sa mga salot ng lipunan; at nakatuklas ng
mga panibagong karunungan para sa mas ikauunlad at ikaaayos ng bayan.
Pagbabago. Nang mamuno si Haring Rodko, bawat lahi ay nabahaginan ng mga bagong uri ng
pagkain, kasuotan, tirahan at iba pang pangangailangan sa lipunan. Ipinatupad ang panibagong
sistema sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan. Nagkaroon ng mga bagung-bagong mga
impraistraktura sa larangan ng agham, palakasan at kalakalan.
9) Panliligalig. Subalit, habang tinatamasa ang Dumarating nang mga Pagbabago, 2 krisis ang
nangdulot ng malawakang pinsala - ang Coronang Tinik at ang Tanikalang Chismis.
10) Panlilinlang. Ang Coronang Tinik ay isang pandemya na nagdulot ng malawakang tagutom,
paghihirap at kamatayan. Ang Tanikalang Chismis ay isang maling paraan ng pamamahayag na
nagdulot ng malawakang takot, pangamba at kaguluhan.
11) Panggugulo. Ang naturang 2 krisis ay pinasimunuan ng mga kaaway ng estado at mga kritiko
ni Haring Rodko. Una nilang ikinalat ang Coronang Tinik upang magalit ang mga tao sa
gobierno. Sunod nilang ipinalaganap ang Taniklalang Chismis upang magalit ang gobierno sa
mga tao. Pinangunahan ni Leron2x, Reyna ng mga Barbaro, ang mga pagpuna, pagbatikos,
pagkastigo, pasaring at pagtuligsa kay Haring Rodko.
12) Pagpapatalsik. Nang mabuking at mabigo ang plano nilang Digmaang Sibil at Malawakang
Terorismo, ang mga alagad ng Leopardo ay ginamit ang Coronang Tinik at Tanikalang Chismis
upang pabagsakin o paslangin si Haring Rodko. Ang kampanyang ito ay tinawag nilang "Katay
Dikong".
13) Pagkawasak ng Pangatlong Templo. Lumitaw sa ere ang Asul na Leopardong Halimaw at
winasak ang Pangatlong Templo. Lumitaw din ang Asul na Pinika at kinalaban ang nasabing
halimaw. Binayo ng malalakas na hangin ang buong Maharlika habang nagsasagupaan ang 2
nasambit na nilalang. Natalo ang Asul na Pinika nang higupin ito ng Corona ng Leopardo,
subalit tumakas ang Asul ng Leopardo nang tugisin ito ng isang Anghel.
#Maharlika
#GintongPanahon
#Kabanata 8: Digmaan laban sa Dios
1) Propeta. Pagkatapos wasakin ng Leopardong Halimaw ang Pangatlong Templo, isang
nagpakilalang Propeta ang lumitaw at inihayag sa harap ng madlang Maharlikan na ang
katapusan ay malapit na. Marami sa kanya ang naniwala, sumunod at nagpahayag ng parehong
mga hula. May inilabas pa silang Doomsday/DoomArao Clock na siyang nagsasabi kung gaano
na sila kalapit sa katapusan.
2) Partido. Ang nasabing mga Doomsayers ay nakalikom ng malalaking halaga sa pamamagitan
ng mga foundations, donations, concerts, fund-raising drives at mga malalaking negosyo na
sumustento sa kanilang partido upang iluklok ang panibagong mamumuno sa Maharlika.
3) Pinuno. Sa wakas, may panibago nang pinuno ang Maharlika, isang puppet ng Leopardo na
nangako ng kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang kalayaan na iyon ay ginamit sa kabastusan,
kalaswaan, kawalang-galang, kabulastugan at kaLaPastanganan. Naging abusado ang karamihan
sa mga Maharlikan. Ang pagkakapantay-pantay naman ay ginamit sa propaganda, pangingikil,
panggigipit, pananakot at pananakop. Naging mapanupil ang karamihan sa mga Maharlikan.
4) Panawagan sa Pangatlong Templo. Ang pang-aabuso sa kalayaan ay nauwi sa kaguluhan. Ang
panunupil ay nagdulot ng kamalayan na "Walang Dios". Dahil dito, ilang grupo ng konserbatibo
ang nanawagan na ibalik ang mga mabubuting kaugalian at muling ibangon ang Pangatlong
Templo.
5) Pitong Takip. Matapos paslangin ng isang tagasuporta ng Leopardong Propeta ang isang
Imam na sumuporta sa panawagang ibangon ang Pangatlong Templo, inangat ng isang anghel
ang 7 Sagradong Takip ng Isinumpang Kuweba. Mula doon ay lumabas ang 7 Mandirigmang
may kapang dilaw. Nilusob at pinatay nila ang pumatay sa Imam, ang mga nagpabagsak kay
Haring Marko at mga tumulong sa pagwasak ng Al-Masjid.
6) Pitong Tasa. Gumanti ang isang Leopardo at pinaslang ang isang Pastor na sumuporta sa
panawagang ibangon ang Pangatlong Templo. Dahil dito, ibinuhos ng isang anghel mula sa 7
Sagradong Tasa ang mga dugo na sa pagpatak sa lupa ay naging 7 Mandirigmang may kapang
pula. Dinaluhong at pinaslang nila ang pumaslang sa Pastor, ang mga nagpatalsik kay Haring
Erako at mga lumahok sa paggiba ng Cathedral.
7) Pitong Trumpeta. Muling gumanti ang isang Leopardo at tinangkang kitilin ang buhay ng
isang Rabbi na sumuporta sa panawagang ibangon ang Pangatlong Templo. Bunga nito, hinipan
ng isang anghel ang 7 Sagradong Trumpeta at umimbay mula sa langit ang 7 Mandirigmang may
kapang asul. Sinalakay at kinitil nila ang buhay ng mga nagtangka sa Rabbi at kay Haring Rodko
at ang mga sumali sa pagsira ng Synagogue.
Pagbangon ng Pangatlong Templo. Nang mapuksa ang mga maysala laban sa 3 Hari, 3 Pari at
3 Templo, nabawi ng mga konserbatibo ang pamumuno sa Maharlika mula sa isang puppet ng
Leopardo at kanilang muling naitayo ang Pangatlong Templo. Sa Arao ng pagpapasinaya sa
nasabing pook-sambahan, nasa labas nito ang mga nagproprotesta laban dito, habang nasa loob
naman nito ang isang koro na kumakanta ng isang nakakikilabot na awitin.
9) Pitong Ulo sa Langit. Mula sa langit ay lumabas ang pitong ulo ng demonyo at kinitil ang
buhay ng 7 Mandirigmang may kapang asul gamit ang kanilang kapangyarihan ng kidlat.
Tinupok din nila ang Bayan ng Azulan.
10) Pitong Ulo sa Dagat. Mula sa dagat ay lumabas ang pitong ulo ng demonyo at pinaslang ang
7 Mandirigmang may kapang pula gamit ang kanilang kapangyarihan ng yelo. Niyelo din nila
ang Barangay ng Pulahan.
11) Pitong Ulo sa Lupa. Mula sa lupa ay lumabas ang pitong ulo ng demonyo at pinatay ang 7
Mandirigmang may kapangyarihan dilaw gamit ang kanilang kapangyarihan ng apoy. Sinunog
din nila ang Barrio ng Dilawan.
12) Panaghoy sa Pangatlong Templo. Nang malaman ng mga Maharlikan na nasa loob ng
Pangatlong Templo ang nangyari sa kani-kanilang pamayanan, sila ay nanlumo at nagsi-iyakan.
"Bumabagsak na ang Maharlika! Ang Dakilang Maharlika ay bumabagsak na!" anila. Ang
kanilang pagtangis at panaghoy ay umalingawngaw sa buong Maharlika at ang buong kaharian
ay nabalot ng paghihinagpis.
13) Piramideng Baliktad. Habang inaawit sa Pangatlong Templo ang isang makabagdamdaming
Awitin ng Pagdadalamhati (kabilang ang pagmamaktol sa mga Pinika at sa Dios), ang 21 ulo ng
demonyo ay naging itim na usok at nagtipon sa tuktok ng bulkan sa gitna ng Maharlika. Ang
mga ito ay bumuo ng isang itim na bola ng enerhiya na sa kalaunan ay naging isang kakaibang
baliktad na piramide.

You might also like