You are on page 1of 24

MITOLOHIYA

FILIPINO 10
MITOLOHIYA
Ang Mitolohiya ay isang tradisyunal na
salysay na sinilang mula sa sinapupunan ng
kultura ng tradisyong oral. Ang salitang
mitolohiya ay hango sa salitang Griyego na
“mythos” na ang ibig sabihin ay kuwento.
MITOLOHIYA
Ang mitolohiya ay isang natatanging
kuwento na kadalasang tumatalakay sa
kultura, sa mga diyo o bathala at ang
kanilang mga karanasan sa
pakikisalamuha sa mga tao.
Maaring nagsimula ang mitolohiya mula nang magsimulang
magtanong ang tao tungkol sa pagkakalikha ng mundo at ano
ang kanilang tungkulin dito. Sa pamamagitan ng mitolohiya
ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang
pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig
tulad ng pagbabago ng panahon, apoy, kidlat, pagkagutom,
pagbaha at kamatayan.
Elemento ng
Mitolohiya
TAUHAN
Tauhan – ang mga tahan sa mitolohiya ay
mga diyos o diyosa na may taglay na
kakaibang kapangyarihan
TAGPUAN
Tagpuan – may kaugnayan ang tagpuan
sa kulturang kinabibilangan at sinauna
ang mga panahon
BANGHAY
Banghay – maaaring ang banghay o mga pangyayari ay
tumatalakay sa sumusunod:

a. maraming kapana-panabik na aksiyon o tunggalian


b. maaaring tumatalakay sa pagkalikha ng mundo at
mga natural na pangyayari
BANGHAY
c. nakatuon sa mga suliranin at paano ito malulutas
d. ipinapakita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at
diyosa
e. tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng
panahon at interaksiyong nagaganap sa raw, buwan at
daigdig
TEMA
a. magpaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
TEMA
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay
Libro ng Hiwaga
Bumuo ng isang Photobook na nagpapakita ng kuwentong "Sina Thor at
Loki Sa Lupain ng Higante"

• Talahanayan
• Mga Tauhan at Katangian
• Mahahalagang Larawan ng mga Pangyayari
• Aral at Hiwaga
Libro ng Hiwaga
Libro ng Hiwaga
Pamantayan
Organisasyon ng mga larawan 20
Akma sa Paksa/Tema 20
Pagkamalikhain 10

KABUUAN: 50
"Sina Thor at Loki Sa Lupain ng
Higante"
ni Snorri Sturluson
binuod ni Erwin Maneje
Pumunta sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante
dahil ang mga higante ay kalaban ng mga diyos sa
Norse. Sa kanilang paglalakabay ay inabot ng gabi kaya
sila ay nagpahinga sa bahay ng magsasaka. Ang anak na
lalaki ng magsasaka ay nagngangalang Thjalfti at Rosvka
naman ang anak na babae. Nagalit at nanlisik ang mga
mata ni Thor dahil sa bali ang isang paa sa likod ng
kaniyang kambing. Natakot ang mga pamilya at
nasabing ibbigay ang lahat. Kaya ang hiniling na kapalit
ay sina Thjalfti at Rosvka na ginawang alipin ni Thor.
Naglakbay sila hanggang sa makita nila ang natutulog na si
Skymir isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan.
Tuwing umiinit ang ulo ni Thor at tulog si Skrymir ay
pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo ni Skymir upang
ito ay magising. Dinala ni Skrymir sina Thor at Loki kay
Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Nakilala niya si Thor
ang mahusay na mandirigma. “Ikaw ay malakas kaysa tingin
ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong
mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang
taong walang ipagmamalaki.” Wika nito.
Sumagot si Loki. “Mayroon akong kakayahan nan
ais kong subukin. Walang sinuman sa naririto
ang bibilis pa sa akin sa pagkain.” Tinawag ni
Utgaro-Loki si Logi at sinumulan ang pabilisan ng
pagkain ng mga hiniwang karne. Mabilis na
natapos sa pagkain ang dalawa. Naubos ni Loki
ang karne at naiwan ang mga buto samantalang
si Logi ay walang naiwan ni bakas ng buto. Kaya’t
malinaw na natalo si Loki kay Logi
Susunod naman ay ang pabilisan
ng pagtakbo na nilahukan ni
Thjalfi laban sa bata rin na si
Hugi. Inulit ito ng tatlong beses
ngunit hindi talaga maabutan ni
Thjalfi si Hugi.
Muling nagtanong si Utgaro-loki kung
ano pa ang kakayahan ang ipapakita ni
Thor. At nagyaya ito ng paligsahan sap
ag-inom. Sa huli ay hindi nakayanan ni
Thor at muli ay tinanong ni Utgaro-Loki
si Thor sa isa pang hamon na bubuhatin
ang pus amula lupa.
Tinataas ni Thor ang pusa ngunit
paa lamang ang naitataas kaya
sinabi ni Utgaro-Loki na, “Tapos na
ang labanang ito tulad ng aking
inaasahan, walang laban si Thor sa
aking malaking pusa, ano pa kaya sa
malalaking tao rito?
Lalong nagalit si Thor kaya nag-aya ito
kung sino ang makikipagbuno sa kaniya.
Tinawag naman si Elli ang kinikilalang in
ani Utgaro-loki. Labanan ng wrestling.
Nang makita ang nagging stwasyon ay
pumagitna si Utgaro-loki at pinatigil ang
pakikipagbuno ni Thor kay Elli
Sa mga paligsahan nalaman kung gaano
kalakas sina Thor, ngunit sila ay natalo
sa mga paligsahan na kanilang sinalihan,
pero ang totoo ay nilinlang lang sila ni
Utgaro-Loki dahil walang kapantay ang
lakas ni Thor at ayaw ni Utgaro na may
makatalo sa kanyang lakas.

You might also like