You are on page 1of 5

#Maharlika

#Pagwawakas
#Kabanata 13: REDempsyon
1) Pagbabalik ng mga Bayani ng Lahing Itim. Sa pamumuno ni Israel, ang pinunong
konserbatibo, isinamo sa Dios ng mga Maharlikan na nagtipon sa Pangatlong Templo na
tulungan silang bawiin ang Maharlika mula sa mga panibagong sugo ng kadiliman. Tumambad
sa harap nila ang Dilaw na Pinika, ang Anghel ng 7 Sagradong Takip, si Shah Bato, Haring
Marko, Prinsipe Sandro at Prinsipe Simon. Nagmartsa ang Hukbo ng Liwanag patungong
Dilawan sa dagundong ng Tambol, Agong at Lira.
2) Pakikibaka sa Gintong Palayan. Pagyapak sa Gintong Palayan, tumambad sa kanila ang 3
kakaibang nilalang (Taong-Daga, Taong-Baboy at Taong-Kalabaw). Nagkaroon ng sagupaan at
natalo ang nasabing 3 halimaw.
3) Pagkubkob sa Barrio. Sa bukana ng Barrio ng Dilawan, sinalubong sila ng 3 halimaw (Taong-
Aso, Taong-Pusa at Taong-Daga). Sa kabila ng pagharang sa kanila ng nabanggit na 3 nilalang,
nagawa parin nilang makubkob at mapasok ang barrio hanggang sa marating nila ang Kubo.
4) Pagbawi sa Dilawan. Sa harap ng Kubo, ang tahanan at opisina ng pinuno ng Dilawan,
hinarap nila si Wormwood, ang lalaking dilaw ang katawan at mukhang dragon. Nagkaroon ng
matinding sagupaan hanggang sa matalo nila si Wormwood at ang mga kampon nito.
5) Pagbabalik ng mga Bayani ng Lahing Kayumanggi. Sa pamumuno ni Israel, ang pinunong
konserbatibo, muling isinamo sa Dios ng mga Maharlikan na nagtipon sa Pangatlong Templo na
tulungan silang bawiin ang Maharlika mula sa mga panibagong sugo ng kadiliman. Tumambad
sa harap nila ang Pulang Pinika, ang Anghel ng 7 Sagradong Tasa, sina Datu Dugo at Dian Rida,
Haring Erako, Prinsipe Jayvi at Prinsipe Jinggoy. Nagmartsa ang Hukbo ng Liwanag patungong
Pulahan sa tunog ng Gitara, Biyulin at Harpa.
6) Pakikibaka sa Pulang Dalampasigan. Pagdatal sa Pulang Dalampasigan, tumambad sa kanila
ang 3 kakaibang nilalang (Taong-Alimango, Taong-Buwaya at Taong-Pagi). Nagkaroon ng
sagupaan at natalo ang nasabing 3 halimaw.
7) Pagkubkob sa Barangay. Sa bukana ng Barangay ng Pulahan, sinalubong sila ng 3 halimaw
(Taong-Pusit, Taong-Pugita at Taong-Dikya). Sa kabila ng pagharang sa kanila ng nabanggit na
3 nilalang, nagawa parin nilang makubkob at mapasok ang barangay hanggang sa marating nila
ang Balay.
Pagbawi sa Pulahan. Sa harap ng Balay, ang tahanan at opisina ng pinuno ng Pulahan, hinarap
nila si Apolyon o Abaddon, ang lalaking pula ang katawan at mukhang dragon. Nagkaroon ng
matinding sagupaan hanggang sa matalo nila si Apolyon o Abaddon at ang mga kampon nito.
9) Pagbabalik ng mga Bayani ng Lahing Puti. Sa pamumuno ni Israel, ang pinunong
konserbatibo, sa huling pagkakataon ay isinamo sa Dios ng mga Maharlikan na nagtipon sa
Pangatlong Templo na tulungan silang bawiin ang Maharlika mula sa mga panibagong sugo ng
kadiliman. Tumambad sa harap nila ang Asul na Pinika, ang Anghel ng 7 Sagradong Trumpeta,
si Cabesang Langit, si Haring Rodko, Prinsipe Baste at Prinsipe Pulong. Nagmartsa ang Hukbo
ng Liwanag patungong Azulan sa himig ng Plawta, Budyong at Trumpeta.
10) Pakikibaka sa Asul na Talampas. Pagtuntong sa Asul na Talampas, tumambad sa kanila ang
3 kakaibang nilalang (Taong-Lamok, Taong-Langaw at Taong-Putakti). Nagkaroon ng sagupaan
at natalo ang nasabing 3 halimaw.
11) Pagkubkob sa Bayan. Sa bukana ng Bayan ng Azulan, sinalubong sila ng 3 halimaw (Taong-
Lawin, Taong-Buwitre at Taong-Kuwago). Sa kabila ng pagharang sa kanila ng nabanggit na 3
nilalang, nagawa parin nilang makubkob at mapasok ang bayan hanggang sa marating nila ang
Mansyon.
12) Pagbawi sa Azulan. Sa harap ng Mansyon, ang tahanan at opisina ng pinuno ng Azulan,
hinarap nila si NaHiMa, ang lalaking asul ang katawan at mukhang dragon. Nagkaroon ng
matinding sagupaan hanggang sa matalo nila si Nahima at ang mga kampon nito.
13) Pagpapabagsak sa Huling Kaaway. Hinimok ng mga bayani ng Maharlika ang mga nabawi
na nilang mamamayang Maharlikan na sila ay ipagdasal habang ang kanilang kasundaluhan ay
nagmamartsa patungong Palasyo at habang sinasagupa ng nasabing Hukbo ng Liwanag ang
kanilang huling kaaway ay sabay-sabay na umawit ang mga Maharlikan na naiwan sa kani-
kanilang pamayanan ng awitin na "Purihin ang Panginoon" sa saliw ng Lira, Gitara at Trumpeta.

You might also like