You are on page 1of 1

#5: KAHALAGAHAN NG PAGSUNOD

PANIMULA: Isipin n’yong nabuhay ka noong panahon ni Presidente Marcos, kung kailan umiiral ang
hatol na bitay sa silya-elektrika. Isa ka sa mga nahuling manlalabag sa batas—sabihin nating sa salang
pagnanakaw—at ikaw ay hinatulang mabitay. Nang dumating ang kinatatakutang takdang araw,
ipinahintulot sa iyo na madalaw ka ng iyong mga mahal sa buhay sa huling pagkakataon. Nilatagan
ka ng maraming masasarap na pagkain, sapagkat ngayo'y huling araw mo na.
Pagkatapos ika'y inakay na patungo sa silya-elektrika. Nakasalubong pa ninyo ang bangkay ng
bagong kabibitay pa lamang—isa ring kakilala. Nagpupumiglas ka sapagkat gusto mo pang mabuhay.
Sa lakas ng tatlong pulis na nagdadala sa iyo, nagawa nilang ika'y paupuin at igapos sa silya. Inilagay
na sa ulo mo ang panguryente. Akmang ibababa na ng mga berdugo ang switch na tatapos sa iyong
buhay, biglang nag-ring ang telepono. Sumenyas ang nangangasiwang pulis na i-hold muna ang
switch. Ang Pangulong Marcos ang nasa kabilang linya. Inilapit ka pala ng iyong asawa nang buong
pagmamakaawa sa presidente—at ang pangulo ay naawa. Sinabi ng Pangulo na binibigyan ka niya ng
parole—malaya ka na! Ang tawag diyan ay BIYAYA! Pinakawalan ka ng mga pulis mula sa silya-
elektrika at sinabihang makakalaya ka na. Lumabas ka mula sa bilangguan na matagal na panahon
mo ring naging tirahan. Ang tanong, ngayong malaya ka na, ano na ang gagawin mo? (Hintayin ang
sagot). Muli ka kaya uling lalabag sa batas? Muli ka bang magnanakaw? O magiging isang
masunuring mamamayan. Hindi! Ang biyayang pinahalagahan ay laging humahantong sa pagsunod
at sa kabutihan. Ganon din ang biyaya ng Diyos ay naghahatid sa atin sa pagsunod at mabubuting
gawa (Tito 2:11, 12).
Narinig n’yo na siguro ang sinasabi ng ibang mga tagapagturo ng Biblia: “Tayo’y nasa ilalim na ng
biyaya, wala na tayo sa ilalim ng kautusan. Wala nang kautusan.”

You might also like