You are on page 1of 2

ANG PINAGMULAN NG PINAKAMALAKING PROBLEMA NG TAO

(Ang Pasimula ng Kasalanan)

PANIMULA: Kung tayo’y titingin sa ating paligid walang pagsalang mapapansin


natin na ang mundong ito ay puno ng kahirapan, kalungkutan, sakit, paghihikahos,
krimen—lahat ay PROBLEMA. Ito’y labis na nakakaapekto sa atin araw-araw.
Ngunit kung susuriing maigi ang lahat ng ito ay bunga lang ng iisang problema—
ito ang PINAKAMALAKING PROBLEMA.

ANO ANG PINAKAMALAKING PROBLEMA NG TAO?


Iniisip ng mga tao na ang pinakamalaking problema ng tao ay PERA. Subalit
hindi pera ang ugat ng problema ng mga tao, kung ganon, di sana’y wala ng
alalahanin ang mga mayayaman.
Ang pinakamalaking problema ng tao ay ang KASALANAN. Lahat ng problema
ay nagsimula dahil dito. Ang isyu sa mundong ito ay KASALANAN.

ANO ANG KASALANAN?


1. Kawalan ng pananampalataya. Roma 14:23. 2.
2. Paglabag sa kautusan. 1 Juan 3:4
3. Hindi pasasagawa ng alam na mabuti. Santiago 4:17

ANG PINAGMULAN NG KASALANAN


Maari tayong gumawa ng mga haka-haka, pala-palagay, kuro-kuro, sabi-sabi,
pati na ng sariling libro tungkol sa kung saan nanggaling ang kasalanan. Subalit
may isang mapagkukunan ng kasagutan, isang mapagkakatiwalaan at tiyak ang
sinasabi: Ang Biblia. Kung wala ito ay hindi maipapaliwanag kung saan nagmula
ang kasalanan. Ayon sa Biblia (1 Juan 3:8), ang kasalanan ay:
1. Nagmula sa DIYABLO
2. Buhat pa nang pasimula

ANG DIYOS BA AY LUMIKHA NG DIYABLO? Genesis 1:31.


May tatlong mahahalagang kapitulo sa Biblia ang nagpapaliwanag kung
paanong nagkaroon ng Diyablo: Ezekiel 28, Isaias 14, at Apocalipsis 12.
1. Ang nilikha ng Diyos ay isang sakdal na nilalang. Ezekiel 28:15
2. Ang pangalan ng nilalang ay LUCIFER (tala sa umaga) Isaias 14:12
3. Siya ay may mataas na posisyon sa langit. Ezekiel 28:14. Siya ang Pinahirang
Kerubin na Tumatakip. Siya ay pangalawa sa Diyos. Awit 80:1

PAANO NAGING MASAMA ANG ANGHEL NA SI LUCIFER?


Si Lucifer ang gumawa ng dalawang pinakaunang kasalanan:
1. PAGMAMATAAS. Ezekiel 28:17; Kawikaan 16:18
2. PAG-IIMBOT. Hinangad NI Lucifer ang posisyon ng Diyos. Isaias 14:12-14
ANG MALAKING TUNGGALIAN
Si Lucifer ay nagmatigas sa kanyang mga akusasyon ng kawalang-katarungan
ng Diyos na nauuwi sa pagrerebelde.
1. Nagkaroon ng digmaan sa langit. Apocalipsis 12:7
2. Itinapon ang Diyablo at ang kanyang mga anghel. Apocalipsis 12:8, 9; Lucas
10:18

NASAAN NA ANG DIYABLO NGAYON


1. Ang Diyablo ay narito sa lupa. Apocalipsis 12:12;
2. Sina Eva at Adan ang una niyang biktima. Genesis 3;
3. Tayo’y binibigyan ng BABALA! 1 Pedro 5:8.

KONKLUSYON: May mga taong hindi naniniwala sa diyablo. Nagtatawa sila dito sa
mga palabas sa TV at sa mga larawan na hindi naman talaga siya. Ngunit sinasabi
ng Biblia na ang diyablo ay tunay at hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang
labanan sa pagitan ng kasamaan at ng kabutihan sa isipan ng bawat tao. Maaari
siyang mag-anyo na gaya ng mga multo pero kadalasan siya’y nasa anyo ng anghel
ng kaliwanagan (2 Corinto 11:14). Siya’y matinding gumagawa. Sa loob ng mahigit
6,000 taon ay pinag-aralan niya ang isipan ng mga tao upang ito ay makontrol. At
ginagamit niya ang lahat ng pakana upang libangin ang mga isipan at huwag
mamalayan ang mga panganib na dumarating sa tao. Siya ang nagbibigay ng mga
sakit, kalamidad, paghihirap at di-pagkakasundo (Job 2:7). Itinutulak niya ang mga
tao sa lubos na kasamaan. MAPANDAYA ang kanyang mga hakbangin. Gusto
niyang makuha ang bawat isa (Lucas 22:31). At kapag nakuha at nadaya na niya
ang isang tao, siya’y nagiging kagaya niya—MAKASARILI, at sila’y nagiging alipin
ng kasalanan.
Subalit narito ang Lalaking nasa posisyong iniimbot. Si Jesus na bagaman Diyos
ay nagpakababa hanggang sa kamatayan sa Krus (Filipos 2:6-8). Si Satanas ay isang
mapanganib na kaaway. Walang ligtas maliban sa mga tumatanggap sa dugo ni
Cristo. Apocalipsis 12:11

APPEAL: Sino po ang gustong siya'y maipagsanggalang laban sa kapangyarihan ng


diyablo? (Taas ang kamay). Ang sabi ng Santiago 4:7 “Kaya't pasakop kayo sa
Diyos, labanan ninyo ang diyablo, at siya ay lalayo sa inyo.” Opo, puwede po
nating malabanan ang diyablo kung tayo'y nagpapasakop sa Diyos. Sino po
ngayong gabi ang gustong magpasakop sa Diyos (Tayo). At ang kasunod na talata
ay nagsasabi “Lumapit kayo sa Diyos, at Siya'y lalapit sa inyo” (Santiago 4:8).
Ngayong gabi ay nais ko po kayong bigyan ng pagkakataon na lumapit sa Diyos.
Kung inyong nauunawaan na wala tayong ligtas sa kapangyarihan ng diyablo
malibang tayo'y magpapasakop at lalapit sa Diyos, maari po bang ipakita natin ang
pagpapasakop at pagtanggap sa Diyos sa pamamagitan ng paglapit dito sa unahan
(Palapitin). Tayo po’y manalangin.

You might also like