You are on page 1of 1

TAYO ANG ATIMONAN

ni CYRUS RENIEL L. SANTANDER


Sabayang Pagbigkas na ang insipirasyon ay ang Paksa ng Atimonan Day 2019:
“Makabagong Atimonan: Batay sa Nakaraan, Produkto ng Kasalukuyan
at Tinatanaw ang Maunlad na Kinabukasan”

Balita! Balitang Balita!


Barilan sa Atimonan, Shoot out o Rub out! Tayo ang magtataguyod sa magandang pangalan ng
20 Patay; 54 Sugatan sa Karambola bayan
Nakuryenteng Construction Worker, patay! Kaya kung tayo ay may suliranin
Huwag tayong duwag… PANATILIHIN ANG
Patay!Lagi na lang patay! KATATAGAN
Aksidente… Huwag na natin idaan sa social media
Salpukan ng mga sasakyan Dahil tayo mismo ang sumisira sa imahe ng ating bayan.
Pati mga bangkay natagpuan…
TAYO AY MAPALAD
Ito ang mga kalunos-lunos na mga balita… Kaya maging masaya na lamang tayo
Balitang gumulantang sa ating lahat… Lalo na kung may mga kababayan tayong nagtagumpay
Balitang bumandera sa mga dyaryo, radyo at telebisyon Iwasan na nating maging mapait at mainggit
Mga balitang mabilis na kumalat sa social media. Ang mga biyayang natanggap ay pansinin natin
Hindi ba’t kahit anumang bagyo o delubyo ang sumapit
Sa ngayon, ito na ba ang larawan ng Atimonan? hindi tayo malubhang naapektuhan?
Tapos noon, dito daw naninirahan ang mga aswang? Tayo ay pinagpapala ng Poong Maykapal
Bayan ng Atimonan… bayan ko… bayan mo…. bayan Sa tulong ng ating Patrona – Reyna ng mga Anghel!
natin…
Paano na tayo sa hinaharap? ATIMONANIN… HINULMA TAYO NG KAHAPON
KAGITINGAN… Panatilihin natin…
Walang anumang nakaririmarim na balita Sa mga manlulupig, hindi tayo nagpadaig…
Ang sa ati’y magpapabagsak… Walang pagsubok ang hindi natin malalampasan…
Hindi tayo manghihina at manlulupaypay Kumilos na tayo at simulan na natin ang pagbabago…
Dahil ang diwa natin ay positibo
Nanalig tayo na sa kabila ng ulan… OO, TAYO MISMO ANG PAGBABAGO!
Ang bahaghari ay sisikat mandin… Simulan natin ito sa ating mga sarili
Sapagkat kung anuman ang hangad natin…
“HUWAG KAYONG MATAKOT!” Matutupad ito kung tayo magkakabigkis
ABOT TANAW NA!
Iyan ang mensahe sa atin ni Ate Monang ATIMONAN AY UUNLAD!
Huwag tayong mangamba… lakasan natin ang ating Sa dadakuhing panahon, ito’y magiging siyudad
loob… Sapagkat PINAPANDAY TAYO NG
Bilang isang bayan …. nananalaytay sa ugat natin KASALUKUYAN
Ang dugo ni Iskong Bantay na siyang namuno Kaya sa hinaharap, wala ng tambay sa Atimonan!
upang magupo natin ang mga piratang Moro. Wala ng batang hindi makapag-aaral
Wala ng pamilya na walang tahanan
Ikaw… ako… sila …tayo ang Atimonan Wala ng magugutom sa bayang ito.
Tayo ang mismong bayan…
Kaya kung ano ako at ano ka… Bawat mamamayan… aahon…
Pareho lang tayo… Magsisikap… magpupursige…
Kaya kung ano ang gawi mo… Kikilos upang bayang Atimonan
Iyan ang repleksyon ng ating bayan… Mas makikilala sa buong mundo
Sa taglay nitong kaunlaran at pagsulong
Ang panahon ay mapanghamon ngayon Bawat mamamayan ay nagtutulong-tulong
Harapin natin ang anumang pagsubok Sapagkat ikaw… ako.. tayo..
Bilang tayo ang kumakatawan sa ating bayan TAYO MISMO ANG ATIMONAN!
Sama-sama nating bakahin ang anumang mga balakid

You might also like