You are on page 1of 4

Unawa Sa

Kapwa
Ni

Kris Leanne O. Manalo


Unawa Sa Kapwa
“Ang pang-unawa sa kapwa
Ay daan sa kapayapaan”

I
Binigyan ng Diyos . . . ang tao ng ulo,
Upang pagyamanin . . . itong ating mundo,
Sa dinami-dami ng matatalino,
Bakit hanggang ngayon . . . tayo ay magulo
II
Binigyan ng kamay . . . gamit na pambungkal
Upang sumagana . . . itong ating buhay
Pero, bakit lihis . . . ang ating pananaw,
Pamatay naaarmas . . . ang hinahawakan.
III
Mula Malakanyang . . . hanggang sa Senado,
Ating inihalal . . . puro edukado,
Umasa tayo . . . maging sa Kongreso
Kapanalig sila . . . pati na husgado.
IV
Talamak ang away . . . saan man tumingin
Dahil kahit saan . . . mayroong balimbing
Ang lahat ng ito . . . kung hindi mapipigil,
Tiyak sa kangkungan . . . tayo pupulutin.
V
Marami ang tao . . . ngayon ay balisa,
Kaya konting sundot . . . pumuputok sila,
Problemang maliit . . . hindi nakakaya,
Ang init ng ulo . . . ibinabalandra.
VI
Pero may solusyon . . . sa lahat ng ito,
Kung ang bawat tao . . . ay maging seryoso,
Unawa sa kapwa . . . ipaabot ninyo,
Kung may alitan man . . . magpatawad tayo.
VII
Ang pag-uunawa . . . kung ating isanay,
Pag-uusap natin . . . magiging malumay,
Plano mang masama . . . mawawalang saysay,
Dahil tayong lahat magkakaintindihan.
VIII
Unawa sa kapwa, huwag ipagkait,
Sa puso dadaloy, wagas na pag-ibig,
Kapag tayong lahat ay maging mabait,
Magiging payapa ang ating daigdig.
Kariktan Ng Tula
a. Para sa anak
Ang mensahe ng tula para sa anak ay dapat unawain ng mga anak ang
paghihirap ng ating mga magulang para lang tayo’y mabuhay at makapag-aral.
Unawain natin ang nakababata nating kapatid at pagbigyan natin ang kanilang gusto.
Bilang anak dapat maging mabuti tayo sa ating mga magulang, sa kapatid, at sa mga
taong nasa paligid natin. Mag-aral tayo ng mabuti upang masuklian natin ang
paghihirap n gating magulang. Gumalang tayo sa nakatatanda sa atin.

b. Para sa mag-aaral
Ang mensahe ng Tula para sa mag-aaral ay dapat pahalagahan natin ang ating
pag-aaral dahil ito ang daan natin upang tayo’y umunlad. Huwag natin ipagkait kung
ano ang mayroon tayo. Ipamahagi natin ang mabuti nating ugali sa ating mga
kaibigan at sa taong nasa paligid natin para maimpluwensahan sila na gumawa din
sila ng mabuti sa kapwa. Tulungan natin ang ating kaibigan sa kanilang problema at
damayan natin sila. Dapat din natin ang ating bansa.

c. Para sa lipunan
Ang mensahe ng Tula para sa lipunan ay dapat magtulong-tulungan tayo sa
pag-unlad n gating bansa. Dapat tayo ay mag-uusap ng malumay upang tayong lahat
ay magkaintindihan para tayo’y magkaroon ng kapayapaan. Kumilos tayo agad at
huwag lamang tayo umasa sa iba. Alagaan natin ang nilikha ng Diyos at
magpasalamat tayo sa kanya dahil binigyan nila tayo ng mabuting magulang at sa
mga binigay niyang biyaya sa atin.

Inilathala ng:
PHOENIX PUBLISHING HOUSE, INC.
927 Quezon Ave., Quezon City
Mga Telepono: 410-7635, 410-9320
Fax: 410-9330
E-mail: service@phoenix-ph.com

PLUMA
(Ikalawang Edisyon)

You might also like