You are on page 1of 3

LAKANDIWA : Bago kami magsimula ng labanang isipan

Kami muna ay babati sa inyo ng may karangalan


Dito sa entablado na kuwadrado
Na ang mga manonood ay siyang hurado

Magtatagisan ng bawat talento


Pagbibigay ng opinion ng bawat tao
Dalawang grupo na magkaiba ang punto,

Sa aking kanan, panig kay Mari Dyata


Pagiging bayani nito'y pinaglalaban nila
Inaakalang hindi siya tutumba
Mari Dyata'y bayaning talaga
SANG-AYON: Isang pagbati itong aking bungad
Sa mga kaklaseng dunong ang hangad
Kayo’y makinig dahil siya’y ‘di papaawat
Kagitingin ni Mari dyata ay isisiwalat
LAKANDIWA: Sa kabilang dako ay narito
Sila ay hindi tumatanggap ng pagkatalo
Kaya't handang ipaglaban
Ang sa tingin nila'y makatwiran
DI SANG-AYON: Kami’y bumabati sa aming katunggali
Na hindi naming kabati
Kayo muna’y magsi tahimik
Pakinggan ang amin iimik
SANG-AYON: Kaniyang ginawa ay di matutumbasan
Sa katotohanan minulat ang sangkatauhan
At Karapatan ay ipinaglaban
Kaya Mari Dyata, ituring na bayani ng bayan
DI SANG-AYON: Pano mo nasiguro na si Mari Dyata’y mabuting tao?
Bagaman lipunan ay kanyang binago
Lakas ay kanyang ginamit sa pang aabuso
Pinatay ang Hari ng Soso
SANG-AYON: Maghinay hinay sa iyong paratang
Lakas ay ginamit para sa sambayanan
Upang iligtas ang kaniyang bayan
Mapalaya sa takot na kanilang nararamdaman

DI SANG-AYON: Lakas na ginamit


Para makapanakit?
Asan ang katarungan
Isa iyang malaking katanungan
SANG-AYON: Hindi ba sumagi sa iyong isipan
Na gusto niya lamang ay kapayapaan?
Hatid niya lamang ay kabayanihan
Para sa kaniyang bayang sinilangan
DI SANG-AYON: Ano? Kabayanihan?
Anong klaseng kalokohan
Paraan ng kaniyang pagpapalaya
Maraming buhay naman ay Nawala
SANG-AYON: Hangal! hindi ko matatanggap ang iyong tinuran
Kalokohan ba ang pagtatanggol sa bayan?
Si andres bonifacio, tabak ang tangan
Ngunit walang kumiwestiyon sa kaniyang kabayanihan
DI SANG-AYON: Kung ako ikaw, isipin mong maigi
Siya’y di masisilang kung walang propesiyang sinabi
Hindi ko kayang magtiwala
Sa isang pilay at anak ng kuba
SANG-AYON: Tamaan man ako ng kidlat, ako’y hindi magsasabi ng ganiyan
Nagpapahiwatig ka ng kamangmangan
Ganiyan ba ang itinuturo sa inyong paaralan?
Ang magmaliit ng may taong may
kakayahang ipagtanggol ang kaniyang pinagmulan?
DI SANG-AYON: Kunin mo ang maso
At ipukpok sa ulo mo
Nang ikaw ay malinawan
Na hindi yon pagmamaliit kundi katotohanan
LAKANDIWA: Oh siya, siya alita’y tigilan
Galit sa inyong namamagitan
Tama na ang dakdakan
At baka mauwi lamang ito sa patayan

Punto ay inyong hayaan


Na siyang magsasabi kung sino ang makatwiran

GROUP 3:
Reynah Doroja Wynard Gutierrez
Cassadra P. De Chavez Joey Albert Gutierrez
Krish Ellaine De Guzman Paulo Diwata
Kiersten Joy Doce Mark Anthony Lontoc
Ella Mae D. Garcia Francis Jenard Loreno
John Billy Javena

You might also like