You are on page 1of 4

Malayang Taludturan

Ikaw na Oportunista

Ikaw na oportunista
Di mo pera ba’t mo ginagasta?
Di mo gamit ba’t mo binibitbit?
Ang hindi iyo, di iyo

Ang inutang mo, bayaran mo


Kung saan dapat, doon ilapat
Para sa lahat ang para sa grupo.

Naiintindihan mo ba, ikaw na oportunista?


Hindi lang ikaw ang marunong magutom
Hindi lang ikaw ang marunong mauhaw
Hindi lang ikaw ang dapat magpasya

Dahil isang grupo tayo, walang indibidwalismo


Demokratikong sentralismo ang pinaiiral sa grupo
At walang puwang sa grupo ang oportunismo.

Kaya ikaw na oportunista:


Itigil mo na ang pamumulitika
Huwag ka ng magbalak na makaisa pa
Dahil hanggang hindi mo inaalis
Ang ugali mong oportunista
Marami kang mabibiktimang masa
Na sa tindi ng galit ay baka ipaayos ka.
Di Malayang Taludturan

PROTESTA NG MGA PUNO


12 pantig bawat taludtod

balak naming puno'y iprotesta kayo


pagkat kayo'y sadyang walang kwentang tao
pinatay nyo kaming unti-unti rito
kaya nadanas nyo ang mga delubyo

pinasok nyong pilit ang aming tahanan


at ginalugad ang buong kagubatan
sinibak nyo kami upang pagtubuan
ginawang mapanglaw ang aming tahanan

pinagpuputol nyo ang aming kapatid


na mga puno rito habang kami'y umid
kayong mga tao'y pawang mga manhid
sa buhay na ito'y kayo ang balakid

ilan sa inyo ang sa delubyo'y saksi


at sino ang agad ninyong sinisisi
di ba't kalbong bundok, kalbong gubat, kami
kayong mga tao'y amin bang kakampi

pababayaan ba namin kayong tao


kahit itong gubat inyo nang kinalbo
wala kayong awa sa mga narito
ang dala nyo rito'y aming dyenosidyo

bakit kayong tao sa mundo'y nilalang


gayong ugali nyo'y pawang salanggapang
ang akala nyo ba kami'y nalilibang
sa mukha nyo gayong kayo'y mga hunghang
kailan pa kayo magpapakatino
at magkakaroon ng mabuting puso
tigiln nyo na ang pagpaslang ng puno
upang kalakalin at kayo'y tumubo

sa aming protesta kayo ang kawawa


di na masisipsip ang mga pagbaha
pagkat ang ginawa nyo'y kasumpa-sumpa
sa aming kapatid na puno at lupa

kaya nga bago pa mahuli ang lahat


ay inyong ayusin itong aming gubat
kahit ang ugnayan natin ay may lamat
pag ginawa'y agad ang aming salamat

ngunit kung ayaw nyong dinggin itong hiling


ay pababayaan na lang kayo namin
protesta na kami saan man abutin
kayong tao'y amin nang kakalabanin.
PROYEKTO
SA
FILIPINO

Isinulit kay:

Mr. Geoffrey P. Par


Teacher

Isinulit ni:

Jeffrey V. Deodores
II-Jose

You might also like