You are on page 1of 2

SINUNGALING KA AMING GURO

Hatinggabi, nagbabasa sa malamlam na ilawan,


Naglalamay samantalang ang iba ay nahihimlay.
Madalas na malipasan ng gutom sa di-pagkain
Sa oras na kailangan, pagkabigat na gawain.
Hanggang doon sa tahana’y dala-dala ang gagawin ,
Kaya’t siya kung matulog ay hatinggabing malalim.

Siya ay Mapanlinlang
Sapagkat Ang sariling kabutihan ay kaniyang nililimot,
pinapatay ang damdamin nitong dibdib sa pag-irog,
sa gawaing pagtuturo ang diwa ay nakabalot,
at ang pintig nitong puso’y di pansin ang lumuluhog.

Sinungaling siya sapagkat kanyang pinapatigas ang kanyang pusong malambot. 


Pinapakita sa lahat na siya ay malakas at tila galit sa puso niya nababalot.
Tinatibayan ang loob, Itinataas ang kilay. Itinatago ang Ngiting Makulay, Sa karunungan lagi
namang tulay.

Para siyang leon kung minsan pag tayo’y pinagsasabihan


Pero ang totoo masahol pa sa anghel kung siya naman ay mag-alala kanino man.
Marahil siya ay nilikha ng May lalang
Upang magsilbing inspirasyon at kawani, para gumawa at humubog ng bagong bayani.

Pasensya na Ginang sa mga oras na hindi kami maayos.


Pero isa ka sa mga pinaka sinungaling na taong nakilala ko.
Sapagkat sa kabila ng iyong mga payo, galit at pagbubulalas ng iyong pagod, Di mo kami
kayang iwanan, di kayang tanggihan.
Sa gitna ng problema o karamdaman,
Asahan mong lagi siyang andyan
Sa liwanag, pighati o kadiliman man

Ginang Rowenalyn Palos Sagun ang kanyang pangalan.


Kahit kailan ay hindi mo malilimutan.
Salamat sa iyo aming guro, aming kaibigan, aming kaagapay na tumayo bilang ikalawang
ina sa aming mga estudyante na sa susunod na henerasyon ay siya namang magtuturo.
Mananatili ka saaming mga puso.

Salamat po sa inyo mahal naming guro.


Hindi lang dahil sa pagtuturo kundi dahil din sa pagpapaintindi rin sa amin kung paano
tunay na tumayo.

Maligayang kaarawan po.


Huwaran kung ikaw ay tawagin,
Espesyal ka sa buhay namin,
Isa ka sa dahilan ng aming tagumpay,Salamat sa tulong at walang sawang pag-agapay.

You might also like