You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Pangatlong Linggo: Pagsasaalang-alang sa Kapwa


Guro: Bb. Nelfa P. Gatao

Deskripsyon ng Aralin:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Mga Layunin:

Sa araling ito, inaasahan na malilinang ng mga mag-aaral ang sumusunod:

 mailalahad ang mga gawaing nagpapakita ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng


kapwa.

Nakakita ka na ba ng isang pamilyang nakatira sa tabi ng lansangan?

Ano ang iyong naramdaman nang makita mo sila?

Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Pag-ibig sa Kapwa

Ni: Carolina Villena

Ika’y tumunghay at igala ang paningin


Munti mong daigdig sikaping palawakin,
Sa wari hindi mo nadarama man din.
Paghihirap ng kapwa sa paligid natin.

May ibang may tahanan ngang naturingan


Ngunit tinig ay bahaw na sa labis na kagutuman,
Ama’t ina’y walang tiyak na pagkukunan
Puso’y nawawasak tuwing bunso’y pinagmamasdan.
Ni minsan ba’y naranasan mo nang mabasa
Maginaw, mamaluktot sa maliit na dampa
O kaya’y maanod habang himbing sa pagtulog
At biglang magising sa labis na pangangatog?

Bagaman sa dugo’y walang relasyon


sila nama’y kapatid kay Jesus na Panginoon.
Huwag sanang pumikit, mata mo ituon
Maging bukas-palad sa biktima ng pagkakataon.

Isa kang bayani, o nilalang na matulungin,


Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin,
Trumpeta ng kagalakan sa iyo’y tutugtugin
Diyos na lumikha ikaw ay pupurihin.

Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Ano ang kalagayan sa buhay ng pamilyang naging tampok sa tula?

________________________________________________________________________

2. Ano ang nais ipahiwatig sa iyo ng tula?

________________________________________________________________________

3. Nakaranas ka na bang tumulong sa iyong kapwa?

________________________________________________________________________

3. Ano sa palagay mo ang maaari mong maiambag para sa kapakanan ng

tulad nilang may pinagdadaanan sa buhay?

________________________________________________________________________

4. Naniniwala ka bang ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din

ng pagmamahal sa ating Panginoon?

________________________________________________________________________
Bakit mahalaga ang pagsasaalang-alang natin sa ating kapwa, iyong alamin.

Tunghayan ang graphic organizer upang lubusang mong maunawaan ang kahalagahan ng ating
kapwa.

- Wakas -

You might also like