You are on page 1of 15

Ikatlong Markahan

Ikalawang Linggo

Modyul 2
Pasasalamat sa
Ginawang Kabutihan ng
Kapwa
Balikan Natin

 Sanakaraang aralin, inilahad ang kahalagahan ng


pagiging mapagpasalamat at ang mga pamamaraan
kung paano ito naipamamalas. Ngayon ay basahin
natin ang kwento ni Nick Vujicic at suriin kung paano
naipakita ang ugaling mapagpasalamat sa kabila ng
pisikal niyang kalagayan.
Nick Vujicic, muling bumisita sa Pilipinas

“It is the disability in your heart that will hold you back.” Isa
ito sa mga makahulugang ibinahagi ng motivational speaker na si
Nick Vujicic sa kanyang Limitless Possibilities sa Smart Araneta
Coliseum noong Biyernes.
Nagbigay inspirasyon si Vujicic sa higit kumulang sampung
libong manonood at binigyang diin ang kahalagahan ng “3F” sa
buhay – Friends, Family, at Faith .
Ibinahagi niya kung paano niya hinarap at nilagpasan ang mga problema sa
kabila ng
kawalan ng kamay at paa. “I believe fear and loneliness are the two biggest
disabilities than
having no arms and legs” aniya.
Dagdag pa niya, “You can have both arms and legs but still don’t know what you
are living for. You should know your purpose.”
Hindi naging hadlang kay Vujicic ang hindi pagkakaroon ng kamay at paa para
tumulong sa mga taong naghahanap ng pag-asa sa buhay.
Hinimok niya ang mga nakikinig na huwag matakot magkamali at mabigo sa
buhay.
“You don’t know what you gonna achieve until you try again. Life without a
failure is like a
classroom without a teacher,” ani Vujicic.
Sa kanyang pagtatapos, nangako siya na babalik ulit sa Pilipinas at hinimok ang
bawat Pilipino na magtulungan para sa maayos na kinabukasan ng bansa.
(AIRAMAE
GUERRERO)
Pagsusuri sa natapos na gawain:

 Ano ang iyong naramdaman matapos basahin ang kwento ng


buhay ni Nick Vujicic? Ipaliwanag.
 Paano napanatili ni Nick Vujicic ang pagiging
mapagpasalamat sa kabila ng kaniyang pisikal na kalagayan?
 Pumili ng linya na nagbigay ng inspirasyon sa iyo mula sa
ibinigay na mensahe ni Nick sa balitang nabasa. Bakit ito ang
iyong napili? Ipaliwanag.
Tatlong (3) antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas de
Aquino

1. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa.


2. Pagpapasalamat.
3. Pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa
sa abot ng makakaya.
Utang na Loob

• Naipapakita ang pasasalamat sa pamamagitan nito.


• Nangyayari ito sa panahon na ginawan ka ng
kabutihan ng iyong kapwa.
• Pagkilala o pagtugon sa kabutihan ng kapwa.
Paraan ng Pasasalamat ng mga Pilipino

LUZON: Pahiyas Festival


 Pagdiriwang ng
pasasalamat kay San
Isidro Labrador para sa
magandang ani.
Paraan ng Pasasalamat ng mga Pilipino

VISAYAS: Ati-Atihan at
Dinagyang Festival
 Pagkilala sa Sto.Niño lalo na sa
oras ng kagutuman at tagtuyot.
Paraan ng Pasasalamat ng mga Pilipino

MINDANAO: Kadayawan
Festival
 isang pagdiriwang ng buhay, isang
pasasalamat para sa mga regalo ng
kalikasan, ang yaman ng kultura,
ang mga biyaya ng ani at
katahimikan ng pamumuhay.
Ingratitude
 Kawalan ng pasasalamat
 Isang
masamang ugali na nakapagpapababa sa
pagkatao
Entitlement Mentality

 Ito
ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang
inaasam ng isang tao ay karapatan niya na dapat
bigyan ng dagliang pansin.
 Iniiisip
niya na kailangang ibigay ang kaniyang mga
karapatan kahit walang katumbas na tungkulin o
gampanin.
Ang Pasasalamat ay:
1. Nagpapataas ng halaga sa sarili.
2. Nakatutulong upang malampasan ang pag-hihirap at masamang
karanasan.
3. Nagpapatibay ng moral na pagkatao.
4. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa, pinapalakas ang
mga kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang mga bagong
ugnayan.
5. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
6. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
7. Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga
materyal na bagay o sa kasiyahan.
Suriin Natin
Panuto: Suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Sabihin ang “love”
kung ito ay tumutukoy sa mga kabutihang dulot sa iyo ng pasasalamat.
1. Nagtataguyod ito sa tao upang namnamin ang mga positibong
karanasan sa buhay.
2. Nagpapataas ng halaga sa sarili.
3. Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba.
4. Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon.
5. Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa, pinapalakas ang mga
kasalukuyang ugnayan at hinuhubog ang mga bagong ugnayan
Salamat sa Pakikinig!

You might also like