You are on page 1of 19

Banghay aralin sa edukasyon sa pagpapakatao

Yunit 3: Mga Pagpapahalaga at


Birtud sa Pakikipagkapwa

Inihanda ni:
JESSA L. CUYUGAN
Aralin 1 SA
PASASALAMAT
GINAWANG
KABUTIHAN NG
KAPWA
Salamat sa pagiging nariyan sa mga panahong kailangan kita
nang labis. Salamat sa pagtulong sa akin sa mga panahong
dinaranas ko ang hirap sa buhay. Salamat sa pagiging mabuting
kaibigan sa kabila ng mga pagkukulang ko sa iyo. At higit sa
lahat... SALAMAT sa pagiging IKAW.

Maraming salamat dahil palagi kang At higit sa lahat... Salamat sa pagmamahal mo sa akin...
nariyan upang makausap ko. Salamat sa Sa pagsalo mo sa aking pagbagsak.….. sa pagiging
hindi paglisan sa akin sa mga panahong nariyan... sa paniniwala mo sa akin... sa pagtulong mo
ako'y lugmok. Salamat sa pagiging batong- sa aking tumayo... sa iyong pakikinig... sa
sandalan ko. Salamat sa pagiging pagpapahalaga mo sa aking sinabi... sa pagkilala sa king
maunawain mo. Salamat sa pagiging katangiang panloob at panlabas... sa hindi mo
mapagpasensiya at mapagbigay. Salamat paglugmok sa akin... sa pagbibigay sa akin ng lakas... sa
sa pagtanggap mo kung ano ako. madalas mong pagtatanggol saakin.. sa pagiging gabay
ko.... Salamat!

Anong damdamin ang namayani sa iyo habang at pagkatapos mong


basahin ang mga pahayag? Bakit mo ito naramdaman? Kung ikaw
ang magbibigay ng mensaheng ito, kanino mo ito ibibigay? Bakit?
Ano ba ang pasasalamat?

■ Ayon sa UP Diksyonaryong
Filipino (2010), ang pasasalamat
ay pagkilala o pagtanaw ng
utang na loob sa tinanggap na
tulong, paglilingkod,
pamimitagan at iba pa.
Narito naman ang ilan sa mga pahayag ng kilala at dakilang tao
kaugnay ng pasasalamat:

■ "Habang ipinababatid matin ang pasasalamat, huwag


nating kalimutang ang matayog na paraan ng
pasasalamat ay hindi masasalamin sa mga binitiwang
salita kung hindi sa gawa." - John F. Kennedy
■ "Ang pasasalamat ay hindi lamang maituturing na dakilang
pagpapahalaga, kung hindi ang nuno ng lahat ng ito." –
Cicero
■ "Ang pasasalamat ay nagbibigay-kahulugan sa ating
nakalipas, naghahatid ng kapayapaan sa kasalukuyan, at
lumilikha ng bisyon para sa kinabukasan.” - Melody Beattie
■ "Palatandaan ng kamangmangan ang pagtitipid sa
pasasalamat" - Roberto Benigni
■ "Ang pasasalamat ay pinakamagandang anyong kagandahang-
loob. - Jacques Maritain
■ "Ang pagdama ng pasasalamat at ang hindi pagpapahayag
nito ay katulad ng pagbabalot ng regalo at hindi pagbibigay
nito.” -William Arthur Ward
■ "Sa lahat ng bagay, magpasalamat. - 1 Thessalonians 5:18
■ "Ang pagbibigay ay isang anyo ng pasasalamat sa lahat ng
biyayang nakamit." - Laura Arrillaga- Andreessen
■ "Magpasalamat sa lahat ng mayroon ka at makikita mong
magkakaroon ka pa ng marami." - Oprah Winfrey
Tandaan..
Ang pagpapasalamat ay lubhang mahalaga. Wala itong bayad;
walang presyo. Subalit kapag ang salitang ito ay inusal, ibayong
kasiyahan ang nadarama ng pinagsasabihan. Ang pagpapasalamat
ay isa rin Sa mahalagang paraan ng pakikipagkapuwa.
■ Nagpapasalamat tayo sa mga regalong natanggap, sa mga pabor
na ibinigay sa atin, at sa mga tulong na ipinagkaloob sa atin lalo
na sa panahon ng kagipitan. Subalit hindi lamang tayo
nagpapasalamat sa mga tong ipinagkautangan natin ng loob.
Nagpapasalamat tayo sa pag-abot sa atin ne ating sukli sa
tindahan, sa pag-abot ng bayad sa dyip, nagpapasalamat din
tayo sa mga guwardiya na nagbubukas ng pinto sa atin sa mga
mall, bangko, at iba pang gusali, at sa marami pang
pagkakataon.
■ Ang pahayag na "Salamat po." ay maaaring maikling pahayag,
subalit matayog ang narrating; malalim ang naaabot.
NAGPAPASALAMAT KA BA?
 Gaano ka kadalas na nagpapasalamat?
 Sinasabi mo lamang ba ang pasasalamat sa mga taong mahal mo; sa mga
taong mahalaga sa yo; sa mga taong may malaking maitutulong sa iyo?
 O gawi mo ang magpasalamat sa lahat ng nakasalamuha mo - kaibigan,
ka eskuwela, guro, diyanitor, tsuper, street vendor, waiter, at iba pa?
 Gaano kadalas kang nakalilimot sa pagsasabi ng pasasalamat?
 Ano ang nararamdaman mo sa tuwing nakalilimot kang magpasalamat?
 Gaano kadalas nakalilimot ang iyong kapuwa sa pagpapasalamat sa Iyo?
 Ano ang naging damdamin kapag hindi man lamang nakapagpasalamat
sa yo ang iyong kapuwa?
■ Sinasabing sa kasalukuyan, mistula nang
nawawala ang pagpapahalaga n tao sa pagsasabi
ng pasasalamat. Sa isang restawran halimbawa,
kapag ibinigay na ng waiter ang pagkaing inorder
ay hindi na nagpapasalamat ang mga tao sapagkat
iniisip nilang tungkulin at trabaho naman talaga
ng waiter ang maghatid ng inorder. Ganito ka rin
ba? Maraming pagkakaibigan at pagpapalagayan
ng loob ang nagsisimula sa pasasalamat.
■ Ayon kay Lynn Truss sa kaniyang Talk to the
Hand: The Utter Bloody Rudeness of the World
Today, sinabi niyang ang mapagkumbabang
pagsasabi ng 'salamat' ay isa sa pangunahing
sandata upang mapahupa ang karahasang
namamalasak sa lipunan sa kasalukuyan.
■ Ang hindi pagsabi ng pasasalamat at
pagbabalewala rito ay gawain ng isang bastos.
Hindi lamang ito nagdudulot ng ligalig at
galit, nagpapahiwatig pa ito ng pagiging
masama ng isang tao. Gaano ka man kaabala,
tama lamang na maglaan ng kaunting segundo
upang magpasalamat gaano man kalaki o
kaliit ang ginawa ng iyong kapuwa sa iyo.
Bakit ganoon na lamang kahalaga ang
magpasalamat?
■ Bakit nalulungkot tayo o sumasama ang loob
natin kapag hindi man lamang marunong
magpasalamat sa atin ang ating kapuwa?
Tandaan…
■ Ang pagpapasalamat sumasalamin sa iyong ay
pagpapahalaga sa kapuwa. Kabuhol ng pasasalamat ang
respeto sa taong may ginawang kabutihan sa iyo. Ang
pagsasabi nito ay nagdudulot ng ibayong kasiyahan .
KAHALAGAHAN NG
■PASASALAMAT
Ibayong kasiyahan ang naidudulot ng pasasalamat. Hindi lamang ito
nakapagdudulot ng kasiyahan sa tong pinasasalamatan, may dagdag
na bentahe rin sa taong nagpapasalamat ang pagsasabuhay nito. Ang
mga sumusunod ay kahalagahan g pasasalamat:
1. Napagtitibay ang relasyon
Dahil sa pasasalamat ay tumitibay ang relasyon
ng mga taong sangkot. Ang taong gumawa ng
kabutihan ay hindi magsasawang magbigay ng
kabutihan kung ang taong binibigyan ay wala
rin sawang nagpapasalamat. Naiiwasan din ang
saman ng loob at tampo kapag hindi
nakalilimutan ang pagpapasalamat.
■ 2. Nakatatanggap ng mas
mainam na serbisyo
■ Ang sino mang mahilig
magpasalamat ay
nakatatanggap ng mainam na
serbisyo. Halimbawa kapag
nasa restawran, mas
gaganahang pag-igihan ng
tagasilbi ang kaniyang
paglilingkod
dahilpinahahalagahan ang
kaniyang ginagawa.
■ 3. Nagging magaan ang
kalooban
Nakapagdudulot ng
kaloobang magaan ang
pasasalamat. Tandaang ang
taong pinasasalamatan ay
nagkakaroon ng kasiyahan.
Kasiyahan din ang hatid ng
sinumang may ugaling
magpasalamat
■ 4. Nakapagluluwal ng iba pang
pagpapahalaga
Kay raming pagpapahalaga ang
maiuugnay sa pasasalamat; gaya ng
respeto, kagandahang loob,
kababaang loob, pagtanaw ng utang
na loob, at marami pang iba. Ang
taong mahilig magpasalamat ay
nalilikha rin niya sa kaniyang sarili
ang magpahalaga sa mga maliliit na
bagay
■ 5. Nalililok ang magandang
imahe sa kapuwa
Sa ating buhay, maihaha- lintulad
tayo sa manlililok at tayo mismo
ang lumililok ng ating sarili sa
larangan ng pakikipagkapuwa at
pakikisalamuha. Tandaang ang
marunong magpasalamat ay
nagiging kasiya-siya sa kapuwa.
■ 6. Nagiging huwaran
Bilang nakatatanda,
mahalagang maging ugali
ang pasasalamat.
Ang mga magulang na
marunong magpasalamat
ay nakalilikha ng mga anak
na marunong ding
magpasalamat.
■ 7. Nagkakamit ng paggalang
Ang sinumang may kagandahang-
loob, lalo na ng pasasalamat, aya
naging kagalang-galang sa
kaniyang kapuwa. Maituturing
siyang may malabis na
pagpapahalaga sa kapuwa at sa
sarili at ito ay nagluluwal ng
paggalang.
PAANO SASABIHIN ANG
PASASALAMAT?
Ang pasasalamat ay isang simpleng bagay. At nakapagtataka kung bakit may mga taong
nakalilimot o binabale-wala ito. Hindi mahirap gawin ang pasasalamat.
■ Ang mga sumusunod ay ilan sa mga habilin sa pagpapasalamat.
1. Tingnan ang kausap. Mahalaga ang tahasang pagtingin sa
mata ng kausap sapagkat nagpapakita ito kung gaano ka
totoo at tunay ang iyong pasasalamat.
2. Ngumiti. Nakapagpapagaan ng damdamin ang pagngiti.,
Ipinapakita ng ngiti kung ano ang tunay mong damdamin
sa tuwing nagpapasalamat.
3. Magsalita nang malinaw at sa boses na palakaibigan.
Huwagibulongangpahayag. Hindi mo dapat ikinahihiya na
nagpapasalamat ka.
4. Maging tiyak. Sikaping maging malinaw sa
pinasasalamatan kung bakit mo siya pinasasalamatan.

You might also like