You are on page 1of 4

LESON PLAN IN ESP 9

LINGGO 5 AT 6 - LIPUNANG PANG-EKONOMIYA

Martes 3:00 – 6:00pm (Amethyst)

I. Layunin: Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan:


1. Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya
2. Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya
3. Nakatataya ng lipunang ekonomiya sa isang baranggay/pamayanan gamit ang dokumentaryo
4. Nasusuri ang kahalagahan ng lipunang pang-ekonomiya sa buhay ng isang tao

II. Nilalaman
Paksa: Lipunang Pang-ekonomiya
Kagamitan: PowerPoint, bidyow, laptop, tv
Sanggunian: MELCS pp. 150-151
Modyul Linggo 5 at 6

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

1. Panimulang Gawain

a. Pagbati ng guro
Magandang hapon sa lahat! Magandang hapon din ma’am

b. Pagtatala ng Liban
Mayroon bang lumiban ngayong araw? Wala po siguro ma’am

c. Balik – aral
Ngayon, magbalik aral tayo tungkol sa Prinsipyo
ng Subsidiarity (Pagtutulungan) at Prinsipyo ng
Solidarity (Pagkakaisa).

Ano ang Prinsipyo ng Subsidiarity? Ang Subsidiarity ay ang pagtulong ng gobyerno at


Ano ang Prinsipyo ng Solidarity? mamamayan. Halimbawa nito ay mga proyekto o
programa na ginawa ng gobyerno para sa mga tao.
4Ps, Paaralang pambliko, at center.

Ang Solidarity ay ang pagkakaisa ng mga mamamayan


para matugunan ang kanilang pangangailangan.
Halimbawa nito ay mga proyekto na mismo ang mga
tao ang gumawa. Bayanihan, Bolunterismo sa mga
sakuna, ambagan sa paggawa ng kalsada.

Ang dapat pinapairal sa lipunan ay ang pagiging patas.


2. Pagganyak
Tingnan ang larawang ito.

Ano ba dapat ang pinapairal sa lipunan?


Ang pagkakapantay pantay o pagiging patas?
3. Pagtalakay
Ngayon ay tatalakayin natin ang Lipunang
Ekonomiya.

Ayon kay Max Scheler, bahagi ng pagiginh tao


ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas
at kahinaan. Pero dapat sikapin ang
pagkakapantay sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng yaman ng bayan.

Prinsipyo ng Proportio
Ayon kay Sto. Tomas de Aquino: "Ang angkop
na pagkakaloob ng naaayon sa
pangangailangan ng tao."
Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may
angkop para sa kanila. Kailangang maging patas
ayon sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Ang mga Pag-aari: Dapat Angkop sa Layunin ng


Tao
 May yaman man o wala ang tao, siya ay
may halaga bilang tao.
 Gumagawa siya upang maging
produktibo sa kanyang sarili.

Hanapbuhay hindi trabaho


 Ang hinahanap ng gumagawa ay ang
kanyang buhay.
 Ang kanyang pag-aari ay hindi lamang
tropeya ng kanyang pagsisikap.
 Ang mga gamit at yamang
pinagbabahaginan ay hindi iniipon oara
higit na palakihin lamang ang yaman.
Tandaan: Ang tunay na mayaman ay
ang taong nakikilala ang sarili sa bunga
ng kanyang paggawa.

Ekonomiya
 Galing sa mga griyegong salita na
"oikos" (bahay) at "nomos"
(pamamahala).
 Ang ekonomiya ay tulad lamang din ng
pamamahala sa nahay. May sapat na
budget ang namamahay. Kailangan
itong pagkasyahin sa halat ng gastusin
upang makapamuhay nang mahusay
ang mga tao sa bahay.

Lipunang Pang-ekonomiya
 Ang lipunang pang-ekonomiya ay
nagsisikap na pangasiwaan ang mga
yaman ng bayan ayon sa kaangkupan
nito sa mga pangangailangan ng tao.
 Ito ay ang mga pagkilos na masiguro na
ang bawat bahay ay magiging tahanan.
 Pinapangunahan ito ng estado na
tumitiyak na maayos ang pangangasiwa
at patas ang pamamahagi ng yaman ng
bayan.
 Ang bawat mahusay na
paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos
na nagpapangyari sa kolektibong pag-
unlad ng bansa.
 Kung maunlad ang bansa, higit na
mamumuhunan ang mga may kapital na
syang lilikha ng higit pang mga
pagkakataon para sa mga tao -
pagkakataon hindi lamang makagawa,
kundi pagkakataon ding tumaas ang
antas ng kanilang pamumuhay.

4. Paglalahat
1. Ano ang katangian ng mabuting ekonomiya?

Ang angkop na pagkakaloob ng naaayon sa


pangangailangan ng tao.
Hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop
para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa
kakayahan, ayon sa pangangailangan.
2. Ano ang mga mabuting maidudulot ng
magandang ekonomiya? Ito ay ang maayos ang pangangasiwa at patas ang
pamamahagi ng yaman ng bayan.

Ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga


3. Bakit mahalaga ang lipunang pang- tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-
ekonomiya sa buhay ng tao? unlad ng bansa.

Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan


ang mga may kapital na syang lilikha ng higit pang
mga pagkakataon para sa mga tao - pagkakataon
hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding
tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.

5. Pagtataya
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na
katananungan.
1. Galing sa salitang oikos at nomos. 1. Ekonomiya
2. Kilala sa kanyang prinsipyong 2. Sto. Tomas de Aquino
proportion.
3. Bahagi ng pagiging tao ng tao ang 3. Max Scheler
pagkakaroon ng magkakaibang lakas at
kaninaa ayon kay __________.
4. Ang tunay na _______ ay ang taong
nakikilala ang sarili sa bunga ng 4. mayaman
kanyang paggawa.
5. Ang hinahanap ng gumagawa ay ang
kanyang __________. 5. buhay

Bidyow: 2000 Kadamay nagdulot ng kaguluhan


sa pwersahang pang-aagaw ng mga bahay sa
Pandi, Bulacan.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Tama ba ang ginawa ng mga miyembro ng
KADAMAY na pag-ukopa ng bahay?
2. Sapat bang dahilan ang pagiging mahirap
upang makatanggap ng tulong sa pamahalaan?
3. Batay sa prinsipyo ng patas na pamamahagi
ng yaman, dapat bang bigyan ng libreng
pabahay ang mga miyembro ng KADAMAY?
6. Takdang Aralin:
Pagpapahalaga
1. Ano ang pagkakaiba ng patas sa pantay?
2. Bakit mas epektibo sa paglutas ng kahirapan
ang patas na pamamahagi kaysa sa pantay na
pamamahagi?

Inihanda ni:

Bb. Anna Rose Resomadero

Guro ng EsP

You might also like