You are on page 1of 1

MORTERA, JERALDINE L.

BSED 2-A

"Wala sa Bokabularyo ang Pagsuko"

Mga Modernong bayaning maituturing,


Sa gitna ng kadiliman, sila'y nagbibigay ningning.
Kapalit ng ating kaligtasan, buhay nila'y sinusugal
Pagpapakita na bansa nila'y tunay na minamahal.

Panganib ay hindi iniinda,


Maiparating lang ang tulong na nararapat para sa iba.
Para bang pangangamba ay binabalewala
Kahit ang kapalit ay sariling buhay nila.

Maaaring ang iba ay sumusuko na,


Samantalang sila ay nananatiling matatag at
malakas pa.
Hindi pinanghihinaan ng loob, at hindi patataob
Iyan ang Pilipino, bagamat nangangamba’y, matapang pa rin ang loob

Isa, dalawa, tatlo, hindi matumbasan ng anumang regalo


Sakripisyo't pagkalingang inialay sa mga tao
Ngunit sa Tulang ito, aking napagtanto.
Walang hanggang pasasalamat, ipinararating ko sa inyo.

Ang dalangin sa Poong Maykapal


Gabayan kayo at ang inyong mga mahal
Huwag sanang mawalan ng pag-asa at ngiti sa inyong mukha.
Araw ay sisikat, at tayo’y muling magsasaya.

You might also like