You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

City of Tagaytay
CITY COLLEGE OF TAGAYTAY
School of Arts and Sciences
General Education Department
FILI3 – PAGPAPAHALAGANG PAMPANITIKAN
Panggitnang Pagsusulit
Pangalan:______________________________________________________ Petsa:_____________
Seksyon:___________________

I. Sanaysay

1. Ano ang magiging epekto kapag sinuri ang katutubong panitikan gamit ang kanluraning pananaw?

MABUTING EPEKTO:

DI-MABUTING EPEKTO:

2. Ano kahalagahan ng pag-unawa sa kalagayan ng ekonomiya, lipunan, at pulitika noong maisulat ang akda sa
pagsusuri ng panitikan?

3. Ipaliwanag ang mahahalagang punto ni Soledad Reyes sa kanyang artikulo hinggil sa “Ang Pagbasa ay
Paglikha”.
II. Basahin at suriin ang awit. Sagutin ang mga tanong.

ANAK NG DALITA
Kompositor: Francisco Santiago
Liriko: Jesus Balmori at Deogracias Rosario
Kaayusan: Emmanuel Q. Laureola

Ako’y anak ng dalita at tigib ng luha


Ang naritong humihibik na bigyan ng awa
Buksan mo ang langit at kusa mong pakinggan
Ang aking ligalig sa kapagdaramdam

At kung hindi ka mahahabag


Sa lungkot kong dinaranas
Puso’t diwa’y nabibihag
Sa libing masasadlak

Magtanong ka kung ‘di tunay


sa kislap ng mga tala
Magtanong ka rin sa ulap
ng taglay kong dalita

Sa dilim ng gabi aking nilalamay


Tanging larawan mo ang nagiging ilaw
Kung ikaw ay mahimbing sa gitna ng dilim
Ay iyong ihulog puso mo sa akin

Ang iyong ihulog, ang iyong ihulog


Buhay pag-asa, pag-asa.

1. Tungkol saan ang kabuuan ng kanta? Ano ang ipinapahiwatig nito? *Magbigay din ng mga patunay sa iyong
sagot.
2. Gamit ang Marxismong pananaw:
a. Sino ang tinatawag na “dalita”?
b. Sino ang “anak ng dalita”?
3. Napapanahon ba ang nakatagong mensahe sa awit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Inihanda ni: Sinuri ni: Ipinagtibay ni:

JEFF JEREMIAH C. PEREA RIZZA C. GATPANDAN Prof. SEGUNDO E. SIM, PhDCand.


Instruktor, FILI3 Tagapangasiwa, Gen. Ed. Dept. Dekano, SAS

You might also like