You are on page 1of 2

Pinagpala ni Hesus ang maliliit na Bata

Marcos 10:13-16

May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong Niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit
pinagalitan sila ng mga alagad.

Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang
pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. Tandaan ninyo: ang sinumang hindi
kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos.”
Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang Kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.

Mga tanong nap ag-uusapan

1. Mahal ni Jesus ang mga bata. Totoo o hindi?

2. Kanino nagalit si Jesus?

3. Ano ang sinabi ni Jesus sa mga alagad?

Memory verse

Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan. (Marcos 10:14b)
Pangalan: Pangalan:

You might also like