You are on page 1of 1

Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin

Sa paglalakbay ni Jesus patungong Jerusalem ay dumaan siya sa gitna ng Samaria at Galilea.


Nang papasok na siya sa isang nayon ay sinalubong siya ng sampung lalaki na may ketong.
Nakatayo sa malayo ang sampu at sumigaw ng, “Jesus! Panginoon! Mahabag po kayo sa amin!”
Nang makita sila ni Jesus ay sinabi nitong, “Humayo kayo at pakita sa mga saserdote.”
Sa kanilang paglalakad ay napansin ng isa sa sampung ketongin na sila ay gumaling. Siya ay bumalik at
sumisigaw ng pagpupuri sa Diyos. Ang lalaking bumalik ay isang Samaritano. Tinanong ni Jesus kung
nasaan ang iba pa niyang kasama. “Nasaan ang siyam? Wala bang nagbalik at nagpuri sa Diyos kundi ang
dayuhang ito?”Pagkaraan ay sinabi ni Jesus sa lalaki, “Tumindig ka’t humayo sa iyong lakad! Pinagaling
ka dahil sa iyong pananalig.”

PAGSUSURI
A. Uri ng Panitikan
Ang uri ng panitikan ng akdang "Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin ay hango sa
Bibliya na matatagpuan sa aklat ng Lucas kabanata 17 talata 11 hanggang 37 (Lucas
17:11-37). na nakapaloob sa tuluyan o prosa.
B. Estilo ng Paglalahad
Ang estilong ginamit sa parabula/kwentong "Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin"
ay ang PASALAYSAY dahil ang manumulat ang siyang nagpapahayag ng buo at
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari na tulad ng pagkukwento ng storya.
C. Sariling Reaksiyon
Ang parabula ay kwentong hango sa Bibliya. Naglalaman ito ng mga talinghaga at
nagtuturo ng aral. Ito ang uri ng kwentong ginagamit ng ating Panginoong Hesukristo sa
kanyang pangangaral. Ito rin ay tungkol sa buhay na maaring mangyari o nangyayari an kung
saan nagtuturo ng ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang taong na sa
pangangailangang mamili o magdesisyon
D. Aral/ Pag-uugnay sa Tunay na Sitwasyon ng Buhay
Ang nais ng Diyos ay matuto tayong magpasalamat sa lahat ng pagpapalang natatanggap
natin. Ito man ay maliit o malaking pagpapala, nalulugod ang Diyos sa taong marunong
magpasalamat.
Kung may bagay kang nais mong gawin ng Diyos sa buhay mo, sabihin mo sa kanya kung
ano ito at dapat ay magkaroon ka ng malaking pananalig sa Diyos na magagawa niya
iyon. Hindi matutupad ang iyong kahilingan kung wala kang pananalig dahil makikita mo
lamang ang isang bagay kung maniniwala ka dito

Layunin: Ang layunin sa pagsulat ng parabula ay upang matutunan ng mga tao ang tamang pag
uugali at kabutihang asal dahil ito ay nagbibigay ng aral at nakakapanghikayat rin ito upang
magbasa ng bibliya ang mga kabataan.

You might also like