You are on page 1of 2

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES


SAN PEDRO CAMPUS
United Bayanihan, San Pedro, Laguna

Pangalan: Tagalog, Jessel B. Petsa: Agosto 10, 2022


Kurso: BSA 1-1
Asignatura: Panitikang Filipino
Instructor: May- Ann J. Antonio

PANAPOS NA GAWAIN BLG. 1


Panuto: May mga pahayag na pasalita o kaya’y mga naisulat na akda na nagkaroon ng
malaking impluwensiya sa iyong paniniwala, pananampalataya o kaya naman ay kung
paano ka kumikilos o nabubuhay sa ngayon batay sa mga prinsipyong pinaniniwalaan mo
na iyong sinusunod? Isulat ang iyong kuwento.

AKDA NYA BUMUO NG PAGKATAO KO!

Maraming mga akda sa mundo na maaari nating basahin ngunit may epekto nga ba ito sa
ating pagkatao at araw araw na pamumuhay? Ayon nga sa isang Canadian psychologist na si
Steven Pinker, ang pagbabasa raw ay maaaring magdulot ng mga pagbabago sa pag-uugali ng
isang indibidwal na pagkatapos ay sama-samang humantong sa pagbaba ng karahasan at lumikha
ng isang mas malaya at mapagparaya na lipunan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong
pagkatao ng isang nilalang dahil lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa
kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang ginagalawan.

Bata pa lamang ay hindi ko talaga hilig ang pagbabasa kahit mga alamat ay kinatatamaran
kong basahin, nalalaman ko lang ang kuwento ng isang alamat kung ito ay ikinukuwento sa akin
ng aking mama, nakakatandang kapatid, o guro. Ang hilig ko lamang ay makinig ng mga kuwento,
tula, alamat, o kahit ano pang akda dahil para sa akin ay mas naiintindihan ko ito kung aking
pinapakinggan. Ang unang akda na sa tingin kong unang nakapagpahubog sa aking pagkatao at
pananampalatayaay ang Bibliya lalong lalo na ang sampung utos ng Diyos dahil sa aking
pagkakatanda simula ng magka isip ako ito ay laging binabanggit sa akin ng aking ina upang
maging mabuting tao at anak ng Diyos daw ako, Noong bata pa ako ay lagi akong pinupunta ng
aking mama sa mga madre na nagtuturo sa mga bata ng salita ng Diyos. May mga aktibidad na
pinapagawa sa amin upang hindi agad namin makalimutan ang kanilang mga turo. Sa aking
palagay naging mahalagang parte ito ng aking pagkatao dahil bata pa lamang may kamalayan na
ako sa mga bagay na tama at mali. Hindi man sobrang alam na alam pero may gabay na nabuo sa
aking pagiisip. Dagdag pa naging isang mabuting tao rin ako dahil dito, may mga nagagawa akong
kasalanan ngunit ito’y hindi napipigilan, mga kasalanan na hindi mabigat pero kasalanan pa rin.
Ang ibig kong sabihin sa pagiging mabait ay mabait ako sa aking kapwa. Ang isa pang higit na
naka impluwensya sa akin ay ang aking ina. Araw araw nyang sinasabi sa akin na “Walang kwenta
ang ganda o suot ng isang tao kung panget naman ang pakikitungo nito sa kanyang kapwa” sa araw
araw na ginawa ng Diyos ay lagi itong sinasabi sa akin ng aking mama lalo na sa tuwing ako ay
may nasusungitan ayaw kasi ng mama ko na maging maldita kami sa kapwa namin gusto nya lagi
kaming maging mabait dahil kasalanan daw ang pagiging maldita at hindi ito nakakaganda.
Kabutihan ang unang itinuturo nya, dagdag pa sa kanyang turo kung may tao mang nanghihingi
ng tulong palagi raw akong magbigay kung saktan daw kami ng kung sino ay huwag kaming
gaganti. Ito ang mga turo nya na nakaapekto ng husto sa akin ngayong matanda na tsaka ko lamang
napapansin na maganda nga ang turo ng aking mama ngunit dahil sa pagsunod ko ng mga ito lagi
na akong naabuso sa kabaitan ko, natatakot na akong humindi sa mga bagay na labag sa loob ko.
Ngunit ngayon ay paunti unti ko na itong nababago. Ngayong matanda na nasasala ko na ng mabuti
ang mga bagay, may kontrol na ako kung magpapaimpluwensya or apekto ba ako sa isang bagay
na binasa, pinanood, or sinabi sa akin.

Maraming mga bagay ang maaaring makaapekto sa kung sino o ano tayo at sa lahat ng ito
ay mas mainam kung gagamitin natin ang puso at isip upang makatiyak na ito ay makakabuti ba
hindi lang sa pansarili kundi para sa lahat.

You might also like